How can we say that we are in love? Sa oras na tumibok ang puso natin ng sobrang bilis kung saan ay pakiramdam natin ay aalis na ito sa dibdib natin? But what if, unexpectedly we fall in love in a fiction guy? Totoong pagmamahal pa din ba iyon kahit sa imagination lang natin sila nakikita?A good example for that, is a fake facebook boyfriend. Not only a fake facebook boyfriend but also a fake twitter boyfriend. Tutal usong uso naman ngayon ang social media so, why not na hindi natin gamitin yon para maramdaman natin ang pagmamahal na nais nating maramdaman. But what if, sa mga panahon na tayo ay nagpapakasaya at nagpapanggap na girlfriend or boyfriend nung fake slash poser na boyfriend niyo eh nakakasakit na tayo ng damdamin ng ibang tao?
Lalo na yung mga tao na sila talaga ang totoong nagmamay-ari ng picture na yun – which means sila talaga yung nasa picture – ay nasira at nagulo ang personal life nila ng dahil sayo?
Dahil insecure na insecure ka sa iba na may love life na ay gumawa ka ng ganon. O kaya trip mo lang maki-uso kaya nakiki-uso ka pero 'di mo alam na nakakasakit ka na pala ng ibang tao.
Would you accept your responsibilities for what will happen to their personal life because of what you have done?
Sa kakadali mong magkalove life dahil bitter na bitter ka na sa mga nakikita mong mga jowarski sa labas na magkaholding hands, nag p-pda sa kalsada at lalong lalo na yung mga mag jowa na nagkakalat sa facebook. Post ng post ng mga kasweetan na chubanes nila ay gumawa ka ng fake account at tumulad din sa kanila na nagpopost ng mga kajejehan este mga kasweetan.
Magagawa mo pa kayang ibalik ang mga bagay na nasira ng dahil sayo? Magagawa mo pa bang ayusin ang mga ito? O mas lalo ka lang dadagdag sa buhay nila or worst, mapapasok mo pa ang mundo nila ng hindi mo inaasahan.
Sa paraang iyon, makakatuluyan mo nga kaya ang fake boyfriend mo in reality? Katulad ng status niyo sa facebook na in a relationship? O aasa ka nalang talaga at magpapakabitter?
-------------------------------------------------------
Clincie Jamaica P. Tenshi
Minsan mapapasapo ka nalang sa noo mo sa oras na malaman mo na ang resulta ng mga kagagahan na nagawa mo. Minsan talaga nakakainis na nasa nature na ng tao ang hindi makuntento sa kung anong bagay na meron siya o kung anong meron siya – like kung anong itsura niya, attitude and so on. Nakakapanggigil, kasi ang tanga tanga. Bakit ba kasi ako pumayag na gumawa ng fake facebook boyfriend iyang si Aila? Ayun tuloy nadamay pa ako.
And worst, nakasira pa ako ng relasyon. Bwiset kasi eh, ba't ba kasi ang bitter bitter ko at excited magka lovelife? Hays. Ngayon tuloy nakatanggap pa ako ng death threat. Hays. Matalino naman ako pero ba't ba ang tanga ko? Nakakainis. Lagot ako nito kay daddy sa oras na malaman niya ang kalokohan na nagawa ko. Hays.
Pinalaki ako ng maayos ng magulang ko pero nakasira ako ng relasyon ng dalawang tao dahil lang sa pesteng paggawa ng fake facebook account na may picture ng iba. Psh. Ba't kasi nauso ang mga poser sa facebook? Kainis. Napasali pa tuloy ako doon. Hays. Pero ano pa bang magagawa ko kundi tanggapin ang responsibilidad ng mga nagawa ko. Tapos na e. Nasira na ng dahil sa akin. Kaya kailangan ako din ang gumawa ng paraan para magka-ayos sila.
Kathleen Nicolaine M. Lizon
Bakit ba kasi pumayag ako doon na gumawa ng account? Nakakainis at the same time ay nakaka guilty dahil sa amin... I mean dahil sa akin ay nasira ko ang relasyon na mayroon sila. Kung hindi sana ako pumayag sa idea ni Aila edi sana hindi magkakaroon ng fake account si Mike. Edi sana hindi siya iniwanan ni Nikki. Edi sana hindi siya na friendzone. Hays. Ba't ba kasi ang tangkad tangkad ni pagsisisi? Sana man lang yung katangkaran niya ay ibinigay na lang n'ya sa akin edi sana natuwa pa ako sa kanya. Hays.
Minsan nakakainis din maging tao. Hays. Nakakashunga naman kasi eh. Kaya hirap na hirap ako sa lessons namin sa ESP dati pa dahil napakalalim ng meaning. I mean, oo napakadali lang n'yang sabihin at isipin ngunit mahirap gawin. Alam natin ang tama pero minsan nagagawa pa rin natin ang mali. Hays. Ba't kasi may ganon pa? Hays. Kung sabagay, walang thrill kung lahat ng tao sa mundo ay pare-parehas at mabuti masyado. Pero kahit na! Hays. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sad face. Kaasar! Parang na trauma na tuloy akong gumamit ng facebook. :3
Daila Veronica Mhiz
This is my fault. It's all my fault. Kung sana nakuntento nalang ako na single ang status ko sa facebook edi sana hindi to mangyayari. Hays. Edi sana hindi na din madadamay sila Cc at kathy. Nakakainis naman kasi 'tong kashungahan ko. Para saan pa ang mga 90+ kong grade sa academics kung ang tanga tanga ko naman. Hays. Nakasakit pa ako ng damdamin ng ibang tao. Nakasira pa ako ng relasyon. Nagkagulo gulo pa sila ng dahil sa akin.
Grabe ka talaga sa akin tadhana! Hindi ko akalain na yung picture ng tatlong lalaki na kinuha ko ay malapit lang pala sa lugar namin. Jusme. Sana man lang binalaan mo ako diba? Edi sana hindi ko na kinuha yung picture nila. Hays.
Ba't kasi sa dami daming poser kami pa yung nahuli agad? E sangkatutak naman ang mga poser sa facebook. Maging si Gov. Boying nga may poser e, nagpopost pa na suspended daw pero hindi naman pala. Dakilang paasa. Sarap manuntok ng mga poser... Ay, isa nga din pala ako doon. Kainis. Hays.
Aba malay ko ba na sikat pala yung tatlong ugok na yun. Sana kasi nag background check muna pala ako. Psh. :3 eh kaso, sa instagram ko naman nakuha ang pictures nila eh. Hays. Bahala na si batman! Basta. Kailangan kong maayos itong mga nasira ko. I hope so. I really hope so.
---------------------
Angel's Note:
Sa wakas at na revise ko na din siya. Maybe as soon as possible ay matatapos ko na ang revision n'ya. I hope so, sumanib at bumulong sila Cc, kathy at Aila sa akin para sipagin ako mag revise. Lol! Hahaha. Anyways, enjoy reading guys! :) lovelots <3
BINABASA MO ANG
My Facebook Boyfriend... Our fate? [REVISING]
RomanceEvery person have their own story... Subaybayan natin ang kwento ng buhay nila Daila, Kathy at Cc. What if isang araw ay naisipan nilang gumawa ng fake boyfriend para lang hindi sila maging single? Ngunit ano nga ba ang kapalit ng ginawa nilang ito?