CLINCIENgayong araw na ito ay halatang halata na busy ang lahat para sa nalalapit na intramurals. Halos naparaming estudyante ang naka-excuse sa kanya kanya nilang klase para lang sa paghahandang gagawin nila. Syempre, 1 week intramurals din yon. Mahaba habang mga araw na walang klase.
Kaya ngayon, heto kami. Tambak na tambak ng mga assignments. Tutal naman daw ay wala kaming klase for one week ay okay na daw yon bilang kapalit. Hays. Nakaka-asar.
Mahirap pa man din ang lesson namin ngayon sa Filipino. Tsaka isa pa, exciting kaya yung lesson sa History. Hays. Napostpone pa dahil sa instrams. Sayang, excited pa man din akong mameet na naman sila Adolf Hitler. Lol.
"Cc, 'di ka ba bababa para pumunta sa canteen?" Tanong ni Aila sa akin. Nakatayo s'ya ngayon sa harapan ko habang hawak hawak n'ya ang wallet n'ya na pagkahaba haba.
Minsan nga sabi ko sa kanya na inggatan n'ya eh. Baka kasi biglang mawala. Kaso sinabi niya na halos lahat naman ng kaklase namin ay rich kid kaya imposible na magnakaw sila. Unless, rich kid wanna be lang sila.
"Hindi e. Pero pasabay nalang ako oh. I wan't banana shake tsaka tuna spread na tinapay. Thankie, Aila. Labyu!" Nakangiting sabi ko.
Tinatamad kasi akong bumaba para kumain. Hays. Nakakatamad talaga ngayong araw na 'to.
"Ay nako naman, Cc! Galaw galaw din. Baka ma-stroke ka n'yan," biro ni Kathy na kakapasok lang ng classroom.
"Che! Saan ka galing?"
"Sa puso mo," corny na banat n'ya. Minsan ang corny din ng isang to e.
"Ewan ko sayo, kathy. Inom inom din ng gamot. Anyways, samahan mo 'ko sa canteen ng matawa naman ako sa corny mong joke," sabi ni Aila kay Kathy sabay hila nito papalabas.
Napa-iling nalang ako. Baliw talaga yung dalawang 'yon. Hahaha!
Dahil recess naman ay kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang data ko para makapag internet ako. Ang boring kasi e. Ewan ko ba kung ba't bored na bored ako sa araw na 'to. Hays. :3
Pag open ko ng facebook ay bumungad agad sa akin ang sweet na picture ng kuya ko at ng girlfriend n'ya. Edi siya na may lovelife. Psh. :3 Pati ba naman sa facebook nagkalat ang mga kalanggam langgam na tao? Errr. Di ba nila pwedeng ibigay nalang ang facebook sa mga single na tulad ko? Jusme.
Nag comment ako sa picture nilang iyon. Kainis 'tong mga to eh. Hindi na naawa sa mga single na tulad ko. Huhuhu. Pati ba naman sa facebook dibuh? Uso naman siguro ang salitang privacy sa kanila kaya ba't pa nila ipopost iyan?
Clincie Jamaica Tenshi: Bawal yan! Bawal PDA. Lagot kayo kay daddy Digong. Mygush! I hate drugs. (insert emoji)
Maya maya ay nag reply na si Kuya sa comment ko. Ganun din si ate Aika – yung girlfriend ni kuya since high school.
Sebastian Tenshi: School hours ah? Ba't ka online? (Insert pokerface emoji) makinig ka nga diyan sa teacher mo. Makuha sana 'yang phone mo.
Mhaika Zuilee: Hahaha! 'Wag masyadong kumain ng ampalaya, Cc. (Insert emoji)Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya. Grabe talaga si kuya! Napaka harsh eh. Ansama ansama. Pinagdadasal n'ya pa ata na makuha ang phone ko. Grabe talaga. Kuya ko ba talaga siya? Napaka e!
BINABASA MO ANG
My Facebook Boyfriend... Our fate? [REVISING]
RomanceEvery person have their own story... Subaybayan natin ang kwento ng buhay nila Daila, Kathy at Cc. What if isang araw ay naisipan nilang gumawa ng fake boyfriend para lang hindi sila maging single? Ngunit ano nga ba ang kapalit ng ginawa nilang ito?