Chapter I: Panaginip o Bangungot

7 2 0
                                    

Alam mo, madalas kong marinig na kapag nahanap mo na ang tunay na pag-ibig, para ka raw nananaginip—parang nasa ibang mundo ka na kung saan lahat ay perpekto at masaya. Pero, naisip ko, paano nga kaya kung ang pag-ibig ko ay literal na nasa panaginip? Kasi, ganun ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang gabi.

Tuwing gabi, lalo na kapag mag-isa ako at tahimik ang paligid, madalas akong mag-isip na sana may makasama ako—'yung tipong may kausap o karamay man lang. Pero, sa halip na sa totoong buhay ako dinala ng isip ko, sa isang panaginip ako napunta. At hindi ito basta-bastang panaginip. Nasa gitna ako ng isang malawak at misteryosong kagubatan. Doon, may nakita akong isang babae. Ang kakaiba lang, hindi ko makita ang mukha niya, parang natatakpan ng anino o ulap. Pero kahit hindi ko siya kilala o makita nang malinaw, may kakaibang dating ang presensya niya—parang may magnet na humihila sa akin.

 Pero kahit hindi ko siya kilala o makita nang malinaw, may kakaibang dating ang presensya niya—parang may magnet na humihila sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa bawat hakbang niya, wala akong magawa kundi sundan siya. Tahimik lang ang paligid, pero may pakiramdam na parang tama lang na naroon ako, na kasama ko siya. Walang sinasabi, walang galaw na nagpapahiwatig ng anumang intensyon, pero sapat na 'yung presensya niya para iparamdam sa akin ang isang bagay na malalim. Para bang may koneksyon kami, kahit sa isang panaginip lang.

Ang weird nga, kasi habang nasa loob ako ng panaginip na 'yun, parang lahat ay tama. Hindi ko maintindihan, pero ayaw ko nang matapos. Ang saya ng pakiramdam—walang alalahanin, walang ingay ng realidad. Sabi ko sa sarili ko, sana ganito na lang palagi. Ito na siguro ang pinakamagandang panaginip na naranasan ko. Pero alam mo na, lahat ng panaginip ay may katapusan. Bigla na lang, tumunog ang alarm clock ko.

Grabe, alam mo 'yung pakiramdam na mula sa napakagandang panaginip, tapos bigla kang hihilahin pabalik sa katotohanan? Parang bangungot tuloy. Tang*na, sabi ko, bakit pa ba ako nagising? Sobrang bitin. Parang gusto ko na lang bumalik ulit sa panaginip na 'yun, kahit isang beses pa.

Wala akong nagawa kundi bumangon at mag-ayos para pumasok sa eskwela—kahit na medyo mabigat pa ang pakiramdam ko mula sa panaginip na ‘yun. Pagdating ko sa school, halos di ko na makontrol ang antok ko. Kaya naman, naglakas-loob akong ipikit ang mata ko sa klase, umaasang baka sakaling maulit ang panaginip ko at makita ko ulit ang ligaw na babae sa kagubatan. Pero malas, nahuli ako ng teacher. Nagising ako bigla at sabi ko na lang, “I’m just napping, ma’am.” Napaisip ako, ilang oras pa lang naman ang lumipas, malabo na akong muling managinip agad.

Sa buong araw, hindi ko pa rin makalimutan ang panaginip ko. Pagkatapos ng klase, halos di na ako makapaghintay umuwi. Napansin pa nga ng mga kaklase ko na parang may kakaiba sa akin. Tinatanong nila ako kung bakit ako masyadong excited umuwi, at nung sinagot ko sila at ikinuwento ang tungkol sa panaginip ko, sinabihan lang nila ako ng "delulu." Pero ewan ko ba, para sa akin, parang totoo ang lahat.

Pagkauwi ko, sobrang excited akong matulog agad. Nasa isip ko lang talaga ‘yung panaginip ko kanina—‘yung babae sa kagubatan na parang hinihintay ako. Pero bago pa man ako makahiga, biglang naalala ko na may assignment pala akong kailangan tapusin. Napatigil ako. Wala akong ibang magawa kundi unahin ‘yun, kaya kahit sobrang antok na ako, kinuha ko ang mga libro ko at nagsimula nang mag-aral.

Habang ginagawa ko ang assignment, hindi ko maiwasang mag-isip. Sino kaya ‘yung babae? Bakit hindi ko makita ang mukha niya? At bakit parang may malalim na koneksyon sa pagitan namin? Habang iniisip ko lahat ng ‘yun, natapos ko rin ang mga dapat kong gawin. Nang matapos, kumain muna ako at nag-ayos para matulog. Sa wakas, ito na ang moment na hinihintay ko. Ilang beses ko na rin sinubukang bumalik sa panaginip na ‘yun, pero palaging hindi nangyayari. Ngayong gabi, sigurado akong makakabalik ako—sobra na kasi ang antok ko, kaya alam kong mabilis akong makakatulog.

Higa na ako sa kama, pinatay ko ang ilaw, at kinumutan ko na ang sarili ko. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng electric fan at ang mahinang paghinga ko ang naririnig. Isinasara ko na ang mga mata ko at iniisip ko agad ‘yung kagubatan. Iniimagine ko ang mga puno, ang malawak na espasyo, at ang babae. Kahit hindi ko pa rin makita nang maayos ang mukha niya, ramdam ko na andun siya.

Unti-unti na akong inaantok. Dahan-dahan nang nawawala ‘yung kamalayan ko sa paligid. Tulad ng inaasahan ko bumabalik ako sa panaginip, sa kagubatan kung saan ko siya unang nakita. Sa isip ko, naglalakad ulit ako sa gitna ng mga puno. Mas maliwanag ang buwan ngayon, at mas maganda ang paligid. Nandoon ulit ang babae—nakatayo, tahimik, pero ang lakas ng presensya. Hindi pa rin makita ang mukha niya, pero sa pagkakataong ito, mas malinaw na ‘yung anyo niya. May suot siyang mahaba at puting damit na tila sumasabay sa ihip ng hangin. Parang may tahimik na musika sa paligid, kahit wala akong naririnig.

Lumapit ako sa kanya, at sa bawat hakbang ko, parang lalo akong nadadala ng isang hindi ko maipaliwanag na pwersa. Ramdam ko na may koneksyon kami, kahit panaginip lang. Pero habang lumalapit ako, may kakaibang nangyayari. Sa likod ng babae, may aninong tila gumagalaw. Biglang naramdaman ko na parang may nagbabanta. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin—lalapit ba ako o titigil na?

Bago pa man ako makapagdesisyon, biglang may malalim na tunog akong narinig, parang mula sa ilalim ng lupa. Biglang gumalaw ang paligid. Ang mga puno, na dati’y kalmado, ay tila nabubuhay, at ang mga dahon ay nagsimulang bumagsak mula sa mga sanga. Nagdilim ang kalangitan, at sa isang iglap, nawala ang babae. Lahat ng tahimik at maganda sa paligid ay biglang nagbago. Napuno ako ng takot, naghahanap ng paraan para makaalis. Pero parang nawala lahat ng direksyon—hindi ko alam kung saan ako pupunta.

At bago ko pa maintindihan ang nangyayari, nagising ako. Nakahiga pa rin ako sa kama, bumalik na ako sa realidad. Wala na ang kagubatan, wala na ang babae. Bumuntong-hininga ako nang malalim, pero alam kong kahit gaano ko gustong bumalik sa panaginip, hindi na mangyayari iyon ngayong gabi. Parang ayaw kami pagtagpuin ng tadhana upang makausap—panaginip na nga lang eh.

Napaisip ako. Bakit nga ba sobrang lakas ng epekto ng panaginip na iyon sa akin? Siguro, bukas, kapag natulog ulit ako, babalik ako doon. Pero sa ngayon, kailangan ko munang tanggapin na hindi lahat ng panaginip ay agad-agad babalik, kahit gaano pa natin ito gustuhin.

The Lost Girl In My Dream Where stories live. Discover now