Chapter 3: Ang Pag-aalinlangan

0 1 0
                                    

Pagkatapos ng nangyari, hindi na ako mapakali. Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko. Minsan, nahuhuli ko ang sarili kong nakatitig lang sa kawalan, iniisip si Claire—sa realidad man o sa panaginip.

That night, matapos naming mag-usap sa chat, agad akong humiga sa kama, hoping na makakabalik ako sa kagubatan. I wanted to know what would happen if we met again in the dream. Pero ilang oras akong nakatitig lang sa kisame, hindi agad dumating ang antok.

Eventually, nang sa wakas ay napapikit ako, I felt that familiar breeze on my skin. At ayun nga, nagising ulit ako sa kagubatan. Tulad ng inaasahan, naroon na naman si Claire. Pero this time, hindi na siya naglalakad palayo. She was standing right in front of me, waiting.

“Akala ko hindi ka na darating,” sabi niya, with a hint of sadness in her voice.

“Ikaw rin, akala ko hindi kita makikita ulit,” sagot ko. “Pero ngayon, nandito ka. We really need to talk.”

Tumango siya, taking a deep breath. “Oo, Edthan, tama ka. May mga bagay tayong hindi pa alam. Sa panaginip man o sa realidad, kailangan nating malaman kung bakit tayo nagkikita dito.”

“Pero paano natin malalaman? Hindi ko nga alam kung paano kita laging napapanaginipan,” sabi ko, unsure of what was really happening.

“Hindi ko rin alam,” Claire admitted. “Pero may kakaibang connection tayo, Edthan. Ramdam ko rin iyon. Siguro, kailangan lang nating maghintay ng tamang panahon.”

As we talked, napansin ko ang pagbabago sa paligid. Yung dati’y maliwanag na kagubatan, ngayon ay parang dumidilim. Nagkatinginan kami ni Claire, both of us confused. Ano na naman kaya ito?

“Edthan, something’s different,” Claire whispered, her eyes scanning the area as if she was searching for something. “Do you feel that?”

“Oo, parang may kakaiba talaga,” sagot ko. Tumingin ako sa paligid. “Parang mas mabigat ang hangin. Hindi ito katulad ng mga dati nating panaginip.”

“Baka kasi malapit na tayong makakuha ng mga sagot,” sabi niya, her voice trembling a little.

Before I could reply, biglang may malakas na tunog na parang humahampas na hangin mula sa likuran. Pareho kaming napalingon at nakita namin ang mga puno na tila nagiging mas madilim, halos hindi na makita ang paligid.

“Anong nangyayari?” tanong ko, medyo kinakabahan na. Is this still a dream?

“I don’t know, pero kailangan nating mag-ingat,” sagot ni Claire, biglang nagseryoso ang mukha.

Without warning, the darkness started creeping closer. I tried to move, pero parang may pumipigil sa akin. Naramdaman ko ang lamig ng paligid at ang kakaibang tensyon.

“Edthan!” sigaw ni Claire, trying to pull me away from the darkness. “We need to wake up. Now!”

“Pero paano?” tanong ko, feeling helpless. “Hindi ko alam kung paano magising!”

“We just have to try,” sagot niya, desperation in her voice. “Close your eyes, concentrate. It’s the only way.”

Sumunod ako sa sinabi niya, kahit na ang paligid ay patuloy na dumidilim. I closed my eyes, trying to focus on waking up. The last thing I heard was Claire’s voice calling my name before everything went completely dark.

Pagmulat ko ng mata, I was back in my room, drenched in sweat. Tumingin ako sa oras—3:00 AM. What the hell was that? tanong ko sa sarili ko habang hinahabol ang hininga. Parang totoo lahat, pero at the same time, alam kong isang panaginip lang iyon.

Hindi ako makatulog ulit. Inisip ko na lang ang mga sinabi ni Claire. May connection talaga kami. Pero bakit?

Pagkatapos ng ilang oras na hindi mapakali, kinuha ko ang phone ko. May notification mula kay Claire.

The Lost Girl In My Dream Where stories live. Discover now