Facebook Autoliker
written by : chickMasterpiece ( bhian )
You have a friend request.
Ignore or accept ?
Of course , I will accept it .
Friendly ako eh . Di uso sakin ang salitang stranger . Lahat friend ko , lahat pwede maging friend ko . Byt the way I'm Roda , upcoming 4th year student ako sa pasukan . Obviously, bakasyon ngayon at wala akong ibang ginagawa kundi ang mag fb . Maglaro ng farmville ! Kung totoo lang siguro yung mga tinatanim at yung pera ko dun , may sarili na sana akong pera at di ko na kailangan pang humingi sa parents ko .
Nga pala , Sunday ngayon at tulad nga ng sabi ko , wala akong ibang ginagawa kundi ang mag fb . Busy ako maglaro ng farmville nang may um-appear na friend request . Tinignan ko kung sino .
" Mr. Cupido ? " medyong natatawa pang sabi ko . Ang baduy naman kasi ng pangalan niya . Mr. Cupido daw ? Taray ha ? Heart pa yung profile picture niya .
" Accept ko nalang . Dagdag friends din yan . " oo. kinakausap ko sarili ko .
Inaccept ko na pagtapos nun ay naglaro na ko ulet . Maghaharvest pa ko eh . Tapos na ko mag harvest at wala na rin akong pwedeng ayusin dun sa farm ko kasi maganda na :D Nagpunta nalang ako sa Home page ko . Tingin ng mga post .
" Love starts with friend request ." binasa ko yung status nung Mr.Cupido
Talaga lang ha ? Nothing is impossible if you believe ;D haha . Malay mo . Ni'like ko yung status niya .
Love starts with a friend request ha ? Sayang . Di ko kasi alam fb account ng crush ko eh . Ni hindi ko nga alam yung name niya eh . I just saw him on the park na may kasamang aso . Namamasyal siguro sila . Ang sweet :'> . Simula nung araw na yun , naging crush ko na siya . Ewan ko ba , he's so attractive . Konti lang kasi yung mga lalaki na Dog Lover eh .
FB STATUS : Namiss ko bigla si DL ( Dog Lover ) ko . :3 I hope I can see him again :)
Maya-maya may nag like . Si Mr. Cupido , at eto pa . Bigla niyang flinood yung notif ko . Lahat ng previous status and post ko . Nilike niya . Dinedma ko nalang . I'm not the type of person kasi na nagtithank you pag nilike yung status at ginagawa pang chat box yung comment box .
.........
2 weeks din yung lumipas at bawat bukas ko ng fb ko ay flood palagi yung notif ko . Puro name niya lang , puro siya lang . Lahat ata ng pwedeng i-like sa account ko na like niya na eh .
Naka Ol ako at naka Ol din siya . Chinat ko siya .
Autoliker ka ba ?!? Bakit ba lahat ng pinopost ko nilalike mo !!?
Di naman sa naiirita ako . Curious lang talaga . Nagreply siya .
Mr. Cupido : Bakit ? masama ba ?
Roda : Hindi naman . Curious lang .
Mr. Cupido : dapat nga matuwa ka kasi may naglalike ng status mo eh . Post ka ng post wala man lang naglalike . Di ka ba nahihiya ?
Aba't ang yabang naman pala nitong cupid na to eh .
Roda : Pake mo ba ?
Mr. Cupido : Uhm . Wala .
Mr. Cupido's Short POV
Asar . Umiral na naman pag kamayabang ko . Ginawa ko to para mapalapit sa kanya , hindi para awayin siya . Yung inaantay kong pag PM ( Private or Personal Message ) niya sakin , nauwi lang sa wala . Dapat naging humble ako . Tss. Tanga ko talaga .