Chapter 2: The Paintings
Uhaw na uhaw na ako. Gusto ko na lang uminom nang sobrang lamig na tubig.
"Dapat kasi hindi na tayo nagtipid sa tricycle, Taryn, at least ihatid man lang tayo hanggang dito. Ang layo nang nilakad natin mula sa tinitigilan ng jeep!" reklamo ni Maya.
Lumingon ako sa kanya dahil kanina pa akong nauuna sa kanya. "Malapit na tayo. Hindi ba't nakikita mo na ang apartment natin? Bilisan mo na! Ang init!"
Binuhat ko ulit ang dalawang kahon na ibinaba ko muna dahil sa sobrang bigat.
"Wait! May bato pa yata ako sa paa! Damn it! Bakit hindi pa kasi ipatag 'to! Napakakuripot ng may-ari!" reklamo ni Maya.
Ang harapan ng apartment namin ay hindi sementado, lupa lang iyon na may maliliit at matalas na bato, kaya nakakadulas talaga kapag naglalakad doon lalo na kung maraming dala. Kahit ako ay hirap na hirap sa sitwasyon namin ni Maya dahil sa dala naming mga kahon na pinamili namin.
The sun was scorching hot. We were both drenched in sweat, thirsty, and dizzy, and our hands ached as the straw rope tying our boxes dug painfully into our palms. I love doing groceries, and filling our empty refrigerator and cabinets, but the worst part of it was carrying it since we were commuting.
Mahirap lang kami ni Maya at wala rin naman kaming boyfriend na may sasakyan na maghahatid sa amin kaya ito lagi ang siyang problema namin— ang magbuhat.
Maya and I sighed in defeat as we looked up, aware that it would be tough for us to climb up the stairs with our groceries. Hindi pa man kami nakararating sa dulo nang mataas na hagdan nararamdaman ko na ang pagod lalo na't kapwa may bitbit na pinamili ang mga kamay namin.
"Hindi pa ba talaga maaayos ang elevator? Paano naman tayo na nasa third floor na may pinamili?"
Napailing na lang ako. "Huwag ka nang puro reklamo, Maya. We should go. Aayusin pa natin ito. Marami pa akong gagawing requirements."
Nauna na ako sa kanyang maglakad habang hirap na hirap ako sa bitbit ko.
"Magrereklamo na talaga ako!" sigaw niya bago ako hinabol.
"Are you sure? I just want to inform you that we haven't paid the rent last month."
"Huh? Hindi pa ba nabayaran ng mga sugar daddies mo?"
Lumingon ako sa kanya at matalim ko siyang tinitigan. "We're not talking about it again, Maya."
"If you're really not... baka naman you can recommend me," she said with a grin.
"Shut up, Maya."
Nang makarating na kami sa dulo ng hagdan at pauunahin na sana ako ni Maya na umakyat nang kapwa maagaw ang atensyon namin dalawa. Kapwa kami napalingon sa pamilyar na boses ng babae at sa ingay ng sasakyan na nagpark sa harap ng apartment.
Bakit kaya sa tuwing naghahabulan na parang K-drama itong sina Maria at Casper (na kilala na namin ni Maya dahil lagi namin silang napapanuod) ay nasa labas kami o kaya'y kumukuha ng parcel or deliver na pagkain?
Kapwa kami tumabi ni Maya sa gilid dahil hindi man namin nakakausap si Maria ay kilala na namin ang ugali niya sa tuwing hinahabol siya ni Casper, wala siyang pakialam kung may mabangga siya.
Mabibigat ang paa ni Maria sa hagdan habang nakasunod sa kanya si Casper na nilampasan din kami. "Babe, can we please stop this chase?"
Maya and I looked at each other, mimicked Casper's babe, and grinned.
"Sana all may babe," bulong ni Maya.
"Can we please stop this chase?" bulong ko rin habang kapwa kami nakangisi ni Maya.
BINABASA MO ANG
Whirlwind Feathers (Venom Series #3)
FantasíaI once danced with your fire-risking my light into your realm-but caught myself in fire-my whirlwind feathers burnt into your betrayal.