XI. ELEVEN

6 1 0
                                    

| HIGH SCHOOL DAYS 

Lori Casper Ventura.

"Kuya, para!"

Sigaw ko sa loob ng dyip kaya halos mahiga na kaming lahat sa sahig, ewan ko ba sa sasakyan dito, parang may car racing lagi kung makapagpatakbo.

"Hoy, beh, makasingit." Sabi nung ate sa likod ko. Sumungit naman kasi talaga ako.

"Ako, nauna 'no!" Pakikipagtalo ko. "Estudyante ako ate, kunting konsidirasyon naman!"

"Pila-pila, 'wag magtulakan!" Sigaw nung kondoktor sa amin. "Oh, tama na, puno na!" Pigil sa akin nung kondoktor ng bus.

"Hala, Kuya, kasya pa 'yan, tatayo nalang ako!" Pagpupumilit ko.

Nagsisiksikan kami sa labas, nagpupumilit din. Lumabas yung kondoktor para paatrasin yung mga tao pero hindi niya nakita na pumasok sa loob.

 Puta, siksikan nga!

"Tangina, ang asim, huh!" Bulong ko.

"Laxus, magtawas ka kasi!" Rinig kong sabi nung isang pasahero.

"Gago ka ba, hindi ko 'yon." Rebutt naman no'n.

"Si Kio nanahimik oh." Sabi nung isa.

"Sabi sa inyo 'wag tayo mag-commute eh."

Ingay naman ng mga 'to, init na nga eh.

"Oh, Buenavilla High!" Sigaw nung kondoktor nang makahinto kami sa school ko.

Bumaba na ako agad at tumakbo paloob, medyo may tao pa sa labas so feeling ko hindi pa ako late. Pumasok na ako sa loob at medyo marami na kami sa loob pero wala pa kaming teacher.

"Late ka nanaman." Bungad sa akin ni Isaiah.

"Nahiya naman ako kay ma'am." Sagot ko.

"Fifty pesos." Singil naman agad netong treasurer.

"Lah, para saan naman 'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"For the foundation day, of course. You are the only na hindi pa naggi-give!"

"Kainis naman, pamasahe ko pa 'to eh!" Inis kong sinabi, pero nagbigay din naman ako.

"Sensya na, Jandreb, may regla lang." Sabi ni Isaiah kay treasurer.

"It's fine, he is always ganyan everytime na sinisingil ko siya, so i'm getting used to it."

"Straight tagalog muna." Pang-aasar ko pa.

Hindi niya na ako pinansin at naglibot na ulit siya. Mabait naman si Jandreb, ayoko lang kapag naniningil siya, hindi talaga nakakatakas.

"Haggard mo naman teh. First sub palang oh, pa-last subject na 'yang hitsura mo." Sambit pa ni Isaiah.

"Ah, gano'n? Sige, wala kang lunch sa akin." Pambabara ko sa kaniya.

"Joke lang eh, ito naman eh." 

Habang kumakain kami ni Isaiah, napansin ko si Jandreb sa likuran ni Isaiah na biniblang yung nakolekta, walang ibang laman yung lamesa niya kundi mga barya lang. Tinuro ko si Jandreb kay Isaiah at dinala namin yung tray namin at saka lumipat sa pwesto niya.

Underneath the Sky ValleyWhere stories live. Discover now