“Himala hindi nakabuntot sa ‘yo si Percival ngayon?” napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ko. Naitikom ko ang bibig, naibaba ang kusara at napatitig sa aking plato.
Mag-iisang linggo na rin nang huli ko siyang nakita. “...yeah..” matagal bago ako nakasagot. Buti na lang ay hindi niya ako napansin kasi tutok ito sa kinakain niya.
“Feeling ko gusto ka no’n, eh,” pagka’y sabi nito.
My heart tightened. My eyes are heated. Napapikit ako at iniwaksi ang nararamdaman bago pinilit ngumiti at nilingon si Keycee, “nah. Do you know Tristna?” Tanong ko.
“Tristna…? Isa lang kilala ko pero iyong ex ni Percival. Bakit? Anong meron sa kaniya?” Patuloy ito sa pagnguya.
“Batchmate ko. Nasa iisang course kami, eh,” I tried not to sound bitter pero lasang-lasa ko ang ampalaya sa lalamunan ko.
“Oh? Tapos?” Hindi pa rin nito nakukuha ang pinupunto ko.
Nakagat ko pa muna ang labi bago nagawa sabihin sa kaniya, “that's why Percival approached me. Para may dahilan siyang pumunta sa room at makita si Tristna,” nagkibit-balikat ako with a casual face on.
“Oh…” tatango-tangong tugon nito. “Off and On sila nung Ex niyang iyun. Sa pagkakaalam ko, third ex niya si Tristna at ‘di na nasundan,” magtatanong pa lang ako ay nag-umpisa na siyang dumaldal. Hindi na kailangan ng gas neto para umandar, eh. “Tatlong buwan lang sila nung una silang nagbreak, eh.”
“Tapos?” Tanong ko.
“After no’n naging off and on na nga sila. Until August 7. Nalaman kasi ng family ni Percival na sa BECEd siya nag enroll hindi sa med-course!” sumubo ito sa pagkain niya bago nagsalita habang ngumunguya, “Tapos ayun, kumalat daw kasi na noong araw ding ‘yon ay inalisan ng mana si Percival. Noong gabi rin namang ‘yon ay nakipag break si Tristna. Kung alam ko lang, mukhang pera iyong babaeng ‘yon! Kaya nung nawalan ng mana si Percival, iniwan di—urk!! Ugh! T-tubig!” nabilaukan ito! Inabot ko naman ang tubig sa kaniya.
Nilagok niya ang tubig na para bang nakasalalay doon ang buhay niya. “‘Yon talaga ang dahilan kung bakit sila nag break?” tanong ko habang hinahagod ang likuran niya.
Nagkibit balikat siya, “who knows?” Sagot niya. “Teka… bakit ka curious?” Suspicious niyang tanong.
“W-wala!” I brushed away the topic.
“Uyy~” panunukso ni Keycee.
“Tristna…”
Natigilan lang kami nang makarinig ng pamilyar na tinig. “Speak of devils and they shall appear,” bulong ni Keycee habang sumusubo pa ng pagkain niya. Magkasabay naming pinapanood ang eksena na iyon. Natahimik na rin ang buong canteen. Nang malibot ko ang lugar ay lahat sila nasa dalawa ang tingin.
Mabilis na naglalakad si Tristna habang nakahabol naman si Percival. Kumirot ang dibdib ko. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, kadalasan ay chill lang siya and cool kahit na tumatawa pa ito. Pero ngayon? Ni hindi ko magawang silipin ang mga mata niya, natatakot ako na mapasan ko ang bigat ng mga no’n. He's not saying anything but her name yet his eyes—his face is begging for her to stay. He's craving for her.
“Come on, Tristna, let's talk for a minute…” His voice is the sweetest but carries bitterness. I can't help but grieve for his pain.
Iritableng nilingon siya ni Tristna, “Pwede ba, Percival? It's been what? Two months! Please, Percival, Move on! Hindi na ‘ko babalik!” Dinutdot niya ang bandang gilid ng dibdib ni Percival gamit ang hintuturo. Salubong na salubong ang kilay nito at may pagkayamot sa tinig pero nakakahangang nanatili ang ganda ng babae. Sumasabay sa bawat galaw niya ang umaalon niyang buhok.
YOU ARE READING
Goodbye, Mr. Stranger
Teen FictionA guy who can't even move on from his past lover and a girl who can't admit her own feelings met. When two strangers become friends, why can't they be friends to lovers? How could a story end when it hasn't started yet?