Dream 2 - Techniques

6 1 0
                                    

Dream 2 – Techniques

JARED

Ang pagkakaibigan ay isa sa mga dahilan ng pagbuo ng personalidad.

Nagkaroon ako ng maraming kaibigan.

Dahil sa pera.

Dahil sa pagsikat ko.

"Red, saan tayo kakain? Mag-isip nga kayo."

Sabi ng isa sa mga kaibigan ko, oo pinagiisip niya lahat pero ako kasi ang invisible leader ng tropa ko.

For sure, ako ang tumatayong pinakapinuno nila.

Walang iba kung hindi ako.

Ang pinakamalakas nilang kaibigan.

"Akong bahala, ako na rin ang manlilibre."

Sabi ko sa kanila, sabay labas ng credit card ng daddy ko na binigay niya sa'kin, kahit nakangiti ako ay tila ba may umaapaw na inis ako.

Kasi alam ko na pera lang ang gusto nila, kung bakit nila ako kinakaibigan.

Wala akong pakialam, kung may mga tao naman sa paligid ko at may mga kaibigan ako.

Totoo rin naman sila kahit papaano.

Kahit na sobrang asar na asar ako at nakuha ko pang ngumiti sa kanila.

Marespeto pa rin at hindi iyon kaplastikan.

Sigurado kasing ganito lang talaga ang mga tao makipagnegotiate sa isa't isa.

Give and take ang atake.

"Ayos, kaibigan ka talaga namin!"

Nagyakapan kaming magkakaibigan.

Hindi maiiwasan, ang mga intrusive thoughts kapag hindi maayos ang mood ng isang tao.

Nakakaapekto sa mood ang galit.

Kaya kanina pa ko nakakunot noo at nakabusangot.

Kapag nakatalikod sila.

Pero ayos lang, basta sanay na naman ako.

Sa pamilya, pati sa kaibigan.

Nung mga panahon na iyon, syempre, ginagamit ko ang powers ko sa mga kaibigan ko.

Tulad na lang ng mga panahon na kailangan kong gamitin.

"Sabi ko naman sa'yo. Wag mong pagkatiwalaan ang lalaking 'yon. Wala siyang isang salita."

Payo ko sa kaibigan ko, sa kanyang ex bestfriend.

Magkaibigan kasi kaming lahat pero siya ang pinakaclose.

Pero hindi pa rin ito nakikinig, may mga bagay kasing hindi natatablan ng powers ko.

Kung hindi naman, tugma ang iniisip ko sa iniisip niya.

Tulad na lang nung parte na naniniwala pa rin siya sa kabutihan nito?

Paano kung hulaan natin ang way of thinking niya?

Mas maganda, hindi ba?

Kung huhulaan mo ay gusto niya itong kalimutan, maaari dahil sa nagawa namin.

"Tama ka, puputulin ko na ang koneksyon ko sa kanya. Kakalimutan ko na siya."

Hahanap ka ng bagay na negatibo pero pasok pa rin sa kanyang mindset.

Kaya naman, nacontrol ko rin ang sunod niyang gagawin.

Controlling ba ang tawag sa protective lamang na kaibigan?

A Sky Full of StarsWhere stories live. Discover now