Dream 4 - The Past

3 1 0
                                    

Dream 4 – The Past

JARED

Magkaibigan lamang pero lubos ko siyang mahalin.

Nakakabaliw pala talagang umibig.

Marami na kong natutunan sa buhay nung bata pa lang ako.

Sabi nila, natuturuan daw ang puso.

Pero bakit siya hindi natututong mahalin ako?

Kasi hindi, ang utak lamang ang natuturan nito.

Pero ang puso, hindi.

Kasi ang kapangyarihan ko ay mind control, hindi, heart control.

Oh diba? Astig, kapag nga naman, minamalas.

Simpleng logic, pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Kasi ganito nagsimula ang lahat, sa murang edad, ito nagsimula.

Lagi kong ginagamit sa kanya ang aking kapangyarihan.

Tulad ng paglingon niya sa'kin nung nakita ko siya sa isang malaking handaan ng kanilang pamilya.

Gumana ito sa kanya, palagi.

Lahat ng mga bagay na inutos ko ay gumana.

Maliban na lang sa pagkakagusto niya sa'kin.

Hindi ko pala kayang turuan ang mga tao ng nararamdaman, tanging mga galaw at salita lamang ang pwede.

Ang nagagawa ng utak, hindi ng puso.

Hindi ng mga gugustuhin ng isang tao.

Hindi maaari itong maging daan, para sa isang malaking mithiin.

Natatakpan lamang ng utak ang nararamdaman ng puso.

Katulad ng nasa unahan ng parte ng katawan ang utak, kaysa sa puso.

Kaya ito ang nagpapaikot ng buhay ng tao.

Kaya naman, malakas pa rin ako.

Walang makakatalo sa kakayahan ko.

Nalaman ko rin na may gusto siya sa ibang tao.

May pagtingin siya sa iba, hindi kailaman sa akin.

Pero hindi niya ito nalaman.

Dahil mga galaw niya'y sa'kin nakatutok.

Hindi ko kailanman, naisip na magiging sakim ako.

Lalo sa pagmamahal ko sa kanya.

Hindi ko siya pinapasama sa lalaking iyon.

Sa batang lalaking iniibig niya.

Ang natitipuhan niya nung mga panahon na iyon.

Hindi ako papayag.

Ako ang magwawagi.

"Wag kang sasama sa kanya. Iwasan mo siya kasi hindi siya, kaibigan o naging kausap man lang."

Nagawa na lamang ako ng dahilan, hindi niya matatanggihan.

Wala namang kasi silang usapan, pero laging nakadapo ang tingin sa isa't isa.

Doon pa lamang, alam ko na.

Kung saan ang tingin ng mata, doon ang gusto.

Kung saan ang gusto, doon ang puso.

Kaso hindi kailanman, natatalo ng puso ang utak, kung hindi papayagan ng utak.

Ayun ang mapait na katotohanan.

Masaya ako na lagi ko siyang kasama.

Hindi ko mabanggit ang pangalan at hindi ko na babanggitin pero ganito ang kwento naming dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: a day ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Sky Full of StarsWhere stories live. Discover now