Chapter One

28 1 2
                                    

Sana's point of view...

"Pasundo naman ako dito sa convenience store oh.. Sobrang lakas ng ulan, wala akong dalang payong."

[/ Okay, sabihan ko nalang si Mina na daanan ka diyan.. Otw na daw siya eh.]

"Sige, hintayin ko siya dito. Sino na ba nandiyan sainyo?"

[/ Nayeon's here.. Jeong is on his way nadin kasama ng ibang boys.. Si Jihyo naman hindi makakapunta, kailangan daw niyang magbantay ng tindahan nila eh.]

"Ganon ba? Okay.. Wait ko nalang si Mina dito para sabay na kaming dalawa. Thanks, Momo.. Bye."

Binaba ko na ang call namin ni Momo saka ako umupo sa loob ng store, looking outside, waiting for Mina to come and pick me up para sabay na kaming dalawa pumunta sa bahay ni Momo.

Habang hinihintay ko si Mina, naki-nood muna ako ng series sa TV na nakadikit sa dingding ng store.. Hanggang sa lumitaw ang isang exclusive news..

News: The reported missing of a group of friends have been found dead, burried on the lakeside.....

What? Hindi ba ito 'yung binalita last week na nawawalang magkakaibigan?

Nabasa ko 'yon sa isang group page.. 2 weeks ago, nagpaalam sila na magcacamping sila sa isang sikat at trending na campsite, na kahit mga kilalang vloggers ay pumupunta sa site na 'yon dahil sa ganda ng place at view, plus 'yung mga foods na mabibili sa mga food stalls ay masasarap at higit sa lahat affordable.. In short, perfect for camping talaga. Though walang gaanong privacy dahil sa dami ng mga campers na makakasabay..

So, balik tayo doon sa magkakaibigan.. Nagpaalam silang mag-camping for just one night.. Hanggang 'yung one night na 'yon naging dalawa, tatlo at maging isang linggo.. So ang mga parents or relatives, nagreport na sa mga authorities na nawawala nga ang mga anak nila. Cops went to that campsite and asked the staffs who are in charge of meeting the campers at gate before they let them in, dala nila 'yung mga flyers ng mga missing person para itanong kung nakita ba nila sila doon nung gabing nagpaalam sila, but the staffs said they weren't sure since maraming mga teenagers ang nag camp that night..

So, ang ginawa ng mga cops.. Chineck nila ang mga CCTV footages para makita kung nakarating ba sa campsite 'yung mga nawawala.. They checked every person they can see on that footage, pero wala sa mga campers nung gabing 'yon ang mga nawawala.. So meaning, hindi sila nakarating sa campsite.

And now they have found their bodies burried on the lakeside? And that lakeside is part of that campsite!

"Poor kids, aren't they?"

Halos mapatalon ako kasabay ng pagtili ko nang bigla nalang magsalita si Mina sa tabi ko. Dahil doon, nakatingin tuloy lahat ng customers sa gawi namin habang 'tong si Mina, tawang tawa sa panggugulat na ginawa niya sakin.

"Ano ka ba?! Halos atakihin ako sa puso dahil sayo eh! Kanina kapa ba diyan?!" tanong ko habang nasa dibdib ko ang kamay ko.. Grabe, parang gustong tumalon ng puso ko sa sobrang lakas ng tibok eh.

"Mga limang minuto palang naman.. Tutok na tutok ka sa balita eh, kaya nanood nalang din muna ako. Hindi ko naman sinasadyang gulatin ka. Sorry."

"No, it's okay.. Anyway, don't you think it is weird?" kunot noong tanong ko sakaniya. "I mean, nung ni-check ng mga pulis 'yung CCTV footage, hindi nila nakitang pumasok sa campsite 'yung mga missing persons so how their bodies got burried there sa lakeside na part ng campsite?"

"Hmm.. I don't know either.. Isa pa, wala naman akong pake sa mga ganiyan eh. Hindi ko naman sila kilala kasi."

Bakit nga ba ako nagtanong dito kay Mina? Hindi nga pala 'to mahilig sa mga ganitong bagay.. She really doesn't care about people she doesn't know.. Well who would care for people they didn't know nga naman? Ako lang 'tong mahilig sa mga mystery talaga eh.

"Oo nalang.." sabi ko saka na kami sabay umalis ng store at pumunta sa bahay ni Momo.

---

"Guys wait lang ha? Kada bakasyon sa dagat ang bagsak natin.. Kahit hindi bakasyon at kapag napagtripan gumala, dagat parin ang pupuntahan. Hindi na ba kayo nagsawa? Nagiging isda na tayo kada bakasyon ha."

Natawang kaming lahat sa sinabi ni Dahyun.. Tama nga naman, simula nang mabuo ang pagkakaibigan namin.. Mapa-bakayon, may birthday o trip lang, laging dagat ang pinupuntahan namin.

"Dahyun's right.. What if maiba naman tayo? Wag na tayong magdagat. Isa pa, may bagyo at delikado kung magdadagat tayo.." sang ayon naman sakaniya ni Momo..

Itong si Momo napaghahalataan na eh... Lately, napapansin kong lagi niyang bukambibig si Dahyun.. O di kaya naman, hinahanap niya sa school.. She's been getting much closer kay Dahyun... Yes, I know it's natural na maging close sa friend mo pero iba kasi 'yung nakikita ko.. Especially when she's with Dahyun, she's always smile, cheeks turning into a bit shade of red..

Hindi naman sa pagiging "maissue" pero kilalang kilala ko na kasi 'tong si Momo.. At 'yung mga ngiting pinapakita niya sa tuwing kasama si Dahyun, ay yung mga ngiting masasabing in-love... Saka 'yang ganiyang lagi niyang pag sang ayon kay Dahyun? Hindi naman niya ginagawa 'yan dati eh.. Actually, lagi nga silang nagbabangayan pag dating sa pagdedecide..

"Honestly, hindi narin ako nae-excite sa pagpunta-punra natin ng dagat eh.. Kaso wala naman tayong ibang alam puntahan kapag bakasyon, kung hindi ang dagat lang." sabi naman ni Nayeon.

"Nasanay na kasi tayo, kaya ganon.." dagdag naman ni Jeong sa sinabi ni Nayeon.

"So kung ayaw niyo na mag dagat, saan tayo?" tanong naman ni Chaeng.

"What if mag camp tayo? Hindi ba may trending na campsite ngayon?" suggestion ni Tzuyu. "Kahit mag tatlong araw lang tayo, at habang nandoon tayo, mag iisip tayo ng iba nating pupuntahan." dagdag pa niya.

"Hindi ka nanonood ng balita 'no?" tanong ko.

"Bakit?"

"That campsite is under investigation dahil doon sa limang teenagers na nawawala.. At kanina lang, nakita nila 'yung mga katawan nila nakalibing sa lakeside nung capsite."


Lahat sila-except Mina-napatingin sa akin na para bang gulat o hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Hays, mga hindi kasi sila nakikibaliga, mga walang pake sa nangyayari...

"Hindi nga, Sana? Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaeng.

Tumango ako saka ko kinuha ang phone ko. Ni-search ko sa YouTube 'yung napanood naming balita kanina sa store at ipinanood sakanila.

"Shit.. Edi hindi muna pwedeng magcamp diyan hangga't hindi natatapos 'yung pag iimbestiga nila?" tanong ni Jeong.

"Probably..." sagot ko.

"Sayang naman.. Anyway, kung undecided pa tayo.. What if mag stay muna tayo sa resthouse namin?" suggestions naman ni Nayeon. "Doon nadin natin pag isipan at pag usapan yung mga susunod natin pupuntahan." dagdag pa niya na sinang ayunan naming lahat...


---


After that, nagsi-uwian na kaming lahat dahil malapit na mag dinner.. Nagvolunteer din si Tzu na ihatid ako sa bahay namin dahil hindi parin natigil ang ulan..

"Kailan kayo mamimili ng mga dadalhin natin sa resthouse nila Nayeon?" tanong niya sakin.

"Hindi ko pa alam.. Wala pang napagkasunduang araw eh."

"Okay.. Sabihan mo ko kung kailan para masamahan ko kayo."

"Hm.. Thanks.." ngiting sabi ko sakaniya bago ako bumaba ng sasakyan niya at pumasok sa bahay namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hide and Seek ( Show yourself and you're dead )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon