My story starts when someone appears out of a sudden—I mean, she came and I'm not prepared.
Yes, a someone. A she.
A woman. A love of my life.
Then a story starts.
You can just call me Mr. Hidson. A teacher now and a principal.
She, on the other hand, was still a student— my student perhaps.
It started when I was 22.
Unang araw kung saan mag-oobserve ako kasama ang mga co-soon-to-be-a-practice-teacher sa isang public high school malapit lang sa pinapasukan kong kolehiyo. Tatlo kami sa isang room na ina-assign at ang tanging gagawin lang namin ay ang manood, makinig, at mag-observe.
Record and then report.
It was a very normal monday.
After the flag raising ceremony ay nagkanya-kanya na kami ng punta sa mga classroom kung san kami na-assign. So, as what I've told you, tatlo kaming magkakasama. Isang babae named Hara, at ang isa ko pang kasama na lalaki named Siero, at ako.
Nakikisiksik pa kaming tatlo sa mga nakasabayan naming mga estudyante sa hagdan patungong 3rd floor ng building kung san ang classroom na i-oobserve namin.
Luckily, we arrived there not late. Greetings from the adviser sa classroom na 'yon ang unang bumungad sa'min. She's smiling and I can see that she's not a strict teacher. She will be our cooperating teacher.
Pinaupo niya kami, ngunit agad rin kaming tumayo nang magsipasok na ang halos lahat ng mga estudyante niya kasi agad rin niyang sinabing,
"Stand up and let's pray."
Nagdasal sila. Yes, sila lang.
Nagsign of the cross lang kasi ako tapos naging malikot na ang mga mata ko.
Tinitingnan ko ang buong classroom at nagtaka kung bakit nakapalibot ang mga upuan nila ng medyo pabilog. It means, halos magkakaharap ang bawat estudyante.
"Anong meron?" tanong ko sa isip ko at nagulat na lang ako nang higitin ako ni Hara paupo.
Saka ko lang narealize na tapos na pala silang magdasal at nakaupo na ang lahat. Nahihiyang umupo ako. Katangahan.
Nasagot naman ang tanong ko nang may magsipasukan pang mga estudyante at may hila-hila silang drum set na may nakasabit na ring iba't ibang instrument. Don ko lang napansin na hindi pala naka-uniform ang mga estudyante.
May gagawin silang activity and it has something to do with music. Their first subject is contemporary arts and now their focusing on a particular topic, music and musicians perhaps.
Pumunta ang adviser-slash-teacher nila sa gitna at una niyang ginawa ay ipinakilala kami sa mga estudyante niya, not just as an observer but a visitor as well. She even emphasizes the word respect. Mabait nga talaga.
Tumayo naman ang mga estudyante to greet us.
And that's the moment when our eyes first met... accidentally.
Hindi ko alam pero ang tanging nagawa ko na lang ay ang sumabay sa pagtayo ng dalawa kong kasama. Hindi ko na nagawa pang bumati pabalik.
My eyes was glued on her who just diverted her gaze to my companies. Tiningnan niya ang mga kasama ko katulad kung pano niya ko tiningnan. Very natural. With respect.