Heto Na...

210 7 3
                                    

Putang inang blackboard.

Sino bang gago ang nag-imbento ng blackboard? Habang patagal nang patagal ang pagtitig niya dito, pasakit naman ng pasakit ang ulo niya. Sobrang daming equations ang kailangang sundan, ang sakit-sakit sa ulo.

At sino namang hangal ang nagpauso ng Algebra? Kung binalak man nitong pahirapan ang mga tamad na estudyanteng tulad niya, pwes, maraming henerasyon na din itong nagtatagumpay.

At ang teacher naman nilang baboy tinuturo na kaagad sa amin ang College Algebra, eh grade eleven pa lang naman sila. Kung ituturo na pala ito sa highschool eh hindi na dapat pang ituro ulit ito sa college. Eh ang kaso, ituturo pa ulit ito pagdating mo ng kolehiyo. Mas maraming bagay pa ang dapat nilang matutunan.

Naramdaman na naman niya ang pagsisisi nang maalala niya kung paano siya napunta sa strand na ito. Bakit kasi sa dinami-dami ng maiisip na kuning strand ng mga barkada niya eh ABM pa. Palibhasa mga anak ng mga negosyante. Nakigaya na lang tuloy siya.

Twenty-five minutes pa bago mag-bell. Last subject na. At gustung-gusto na niyang umuwi. Actually, hindi naman talaga literal na umuwi ng bahay. Gustung-gusto na niyang matapos ang huling araw ng klase sa linggong ito dahil may inuman session na naman mamaya sa bahay nila Dean. Thank God it's Friday talaga.

Pero ang twenty-five minutes ay parang oras pa yata ang lilipas dahil sa walang humpay na pagsasalita ni taba sa harap. Tanginang mga equations talaga yan. Bakit hindi na lang makuntento ang tao na ang mga letra ay mga letra at ang mga numbers ay mga numbers? Bakit kailangan pa silang pagsamahin at problemahin?

Nanangati na ang lalamunan niya. Tangina lang talaga.

Buti pa itong si Dean mukhang nasa mood yata ang mag-aral-aralan ngayon. Pero ikaw ba naman ang umupo mula sa middle aisle sa row 2 malamang magbebehave ka nga. Kay laking pasasalamat niya at dito siya sa row 4 nakaupo kung saan katabi niya si Gino.

At isa pa yun sa pinasasalamat niya. Dahil madalas siya nitong pakopyahin sa quizzes at assignments nila. Buti pa itong mokong na ito laging inspirado. Mukhang may bago na namang pinopormahan ang loko. Nakatingin na naman sa kawalan at namumungay pa ang mga mata. Puta, sabog na naman ang gago.

Si Vega nga na nasa first row akala mo nagja-jot down ng dini-discuss ni Sir. Pero malamang dino-drawing na naman ng bababeng yun si Sir.

Madali lang naman kasing i-drawing si Sir. Bilug-bilog lang tapos ilong ng baboy, masterpiece na. Ganyan lang talaga ka-creative ang kaibigan niya sa art.

Pero itong si Max mukhang taimtim na nakikinig kahit nasa tabi ng basurahan sa last row. Dito naman siya bilib. Kahit lowbat ang utak eh nadadaan naman sa sipag. Napakadakila. Pwedeng-pwede nang barilin sa Luneta.

Quarter to five na pala! Biruin mo yun. Pero mukhang ma-e-extend pa yata si tabachoy. Ganadong magturo ang baboy.

Putangina. Ang dami pang sinasabi.

Pero malapit na nga rin namang matapos ito. Konting-tiis na lang Noah at mapapatid na din ng alak ang pagkauhaw mo.

Sinubukan niyang magconcentrate sa mga sinasabi ng guro. Pero puta, nakakaantok talaga. Parang walang katapusan. At wala pa atang isang minuto, tuluyan nang bumagsak ang namimigat niyang ulo kasabay ng pagsara ng namumula niyang mga mata.

Prayer SessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon