@ cryden_astraea || natatangi
_______________🍃__________________
ilang beses na bang dumaan sa isang madilim at masalimuot na sa silid? mga luhang walang tigil sa pagbuhos at mahinang hikbi ko lamang ang maririnig sa bawat sulok. ilang beses na bang nalabanan ang bawat pagsubok, niligtas ang sarili sa gulo ng mundo. subalit hindi ko lubos akalain na darating ang panahon kung saan mas nais ko na lang sumuko. gustuhin man ngunit sarili mismo’y hindi na matulungan sapagkat ligaw na rin sa kalagitnaan.
gayon pa man ay sa gitna ng unos, ika’y natagpuan ko. mga kamay na handang tumulong, isang taong binigyang kulay ang mundo ko. kailan ma’y hindi malilimutan, kung paanong ang mga salita mo’y nagawa akong pakalmahin sa gitna ng kaguluhan. mga maiinit na yakap na galing sa ‘yo, ang pag suporta mo sa likod ko ay pinapasigla ako. presensya mo lamang ay ayos na ako, kumakalma na ang masalimuot kong mundo.
kaya’t ibig kong mabatid mo, na isa ka sa dahilan ng pagpapatuloy ko. ikaw ang bayani ng aking buhay, dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay. iniligtas sa nalalapit na kamatayan, binigyang liwanag ang madilim na kapaligiran.
_________________🍃________________
YOU ARE READING
Chaotic Life
Poetry。*゚🍃:: prose poetry: when your life is in chaos grab your pen and paper; start to write your thoughts and feelings.