Wednesday morning. Pupunta kami ngayon ni Akira sa kompanya kung saan kami mag-OJT. Pero parang tinatamad ako. -__- Hayae na nga.
Second day ko na rin dito. Wala akong dapat sayanging araw noh.
" Tita, aalis po pala ako ngayon. Si Kaz pala asan? "
" Oh sige. May pera ka ba diyan? Si Kaz? Nagdate sila ng boyfriend niya eh. Haha. "
" Meron naman po. Hehe. Ang aga naman po ata nilang magdate. "
" Ganon talaga ang dalawang 'yun. Gustong gusto na magkasama sila buong araw Haha. "
Tapos umupo ako. Inabot sa'kin ni tita yung tinimpla niyang gatas saka yung ginawa niyang sandwich at ngumiti siya sa'kin.
" Tita, okay po ba sa inyo si Jeremy? " umupo na rin siya sa harap ko.
" Oo naman. Sobrang caring nun sa pinsan mo. Nung nanliligaw pa lang 'yun, laging bumibisita dito. Kaya di na ako nagtataka kung bakit nainlove sa kaniya si Kaz. " ngumiti nalang ako tapos kinagat yung sandwich.
Sa'kin, di siya naging ganon. Kainis. Hahaha. :(
" Bakit mo naman naitanong? Nagkaboyfriend ka na ba? "
" Wala lang po. Hehe. Uhmm.. Opo. "
" Oh talaga? Ilan naman? Sino? Buti ayos lang sa Papa mo. "
" Hehe. Dalawa po. Yung isa po, LDR kami. Taga-Bulacan siya. Tapos, yung isa... "
*bzzt*
" Sagutin ko lang po tita." at tumayo na ako.
Tumawag pala si Akira. Pinaalala lang sa'kin na 10 AM ay dapat nandoon na kami. Eh 8AM pa naman. Haha.
Pinagpatuloy ko na yung breakfast ko. Si Tita naman, naligo na.
Bumabalik na naman...
Yung mga alaala na dati ko pa kinalimutan..
*flashback*
Biglang may humila sa'kin. Ang sakit nga nung pagkakahila eh! T__T
" Uhmm.. Hello.. " nakayuko siya habang sinasabi yun. Nahihiya ata. Teka.. Sino ba 'to?
Pagtingala niya... O_O
" Uhh.. Ma'am.. " tapos ngumiti ng sobrang lapad.
" Hello. " at ngumiti na rin ako.
Si... Joselito lang pala. :')
" Bakit mo pala ako hinila? "
" Ano po... Uhmm.. 'Yung panyo niyo po.. " pagtingin ko sa kamay, hawak niya yung panyo ko. Kinuha ko ito.
" Salamat. Haha. Di ko ata pansin na nawawala. Haha. "
" Haggard ka masyado eh. " tapos tinabi niya 'yung buhok na nakatakip sa mukha ko.
" Hahaha. Sige, una na ako.. " medyo nailang ako doon eh. Umakyat na agad ako ng faculty. Hinihintay pala ako ni Jana. Haha.
:') Shete. Kinikilig ako.
*flashback end*
" My goodness! Ang tagal mo! "
" Sorry naman. Haha. " tapos nagbeso kami ni Akira.