CHAPTER 8

48 3 1
                                    

TANG*NA. Ayan ang naging reaksyon ni Chie matapos nyang malaman na nanay pala ng damuhang lalaking ito si Aling Rona. Kaya pala noong alukin akong bumisita sa bahay nila ay kinabahan na ako.

Hindi naman talaga kami dati close ni Aling Rona ngunit noong nakita ko sya na naglalakad magisa at tila hindi makahinga ay tinulungan ko sya. Simula noon ay naging close ko na sya minsan pa nga ay dinadalhan nya ako ng pagkain sa tuwing tinitignan ko ang kalagayan nya.

Hindi ko naman lubos maisip na ina pala ito ni Ruan. Hindi naman sila kase magkamuka at ang sabi ni Aling Rona na nasa Manila daw ang anak nyang lalaki.

" Galit ka ba?" tanong ni Ruan habang nakabaling sa akin ang tingin ngunit nagmamaheno pa din.

Ano bang gusto nyang marinig sa akin? Galit ako kase nanay nya si Aling Rona?

" Hindi." i replied

Tumingin na lamang ako sa bintana upang hindi makita ang kaniyang muka. Napabuka naman ang aking bibig ng dumampi ang kamay ni Ruan sa aking mga hita.

Hinihimas nya ito ng marahan sapat lang upang makagat ko ang aking mga labi. Hindi naman sobrang init ngunit nagiinit ang aking buong katawan. Sobrang lakas na nga rin ng aircon sa kotse nya pero sobrang init pa din.

Bumaling naman ang tingin ko sa kaniya ng lumiko ang kaniyang sasakyan sa ibang daan. Hindi ito ang daan pauwi sa amin. Lubak lubak na ang daan at nahaharangan na ng matataas na damo ang parteng ito.

" What do you think your doing, Ruan?" mariing sabi ko at humarap ng tuluyan sa kaniya. Tinigil nya ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno na napapalibutan ng mataas na damo.

" Paano mo nakilala ang nanay ko?"

" It's just an accident, okay. I help her. Hindi ko naman alam na nanay mo pala si Aling Rona di sana hindi na kita hinalikan nong una tayo nagkita." sabay irap at kros ng dalawang kamay sa aking dibdib.

" What? Ano naman kong anak nya ako? Okay lang sakin kung halikan mo ko!" inis na sabi nito na ikinanganga ko.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito?

" Sa akin hindi!"

" At bakit? Tell me!"

" Aling Rona will get hurt! Matanda na sya and kaibigan ko sya paano kapag nalaman nya na naglalampungan tayo?"

" Boto nga sya sayo e! Narinig ko usapan nyo kanina! Nirereto ka nya sakin! Ayaw mo non may permiso kana sa nanay ko?" singhal nya na ikinatameme ko.

Ano nga ba ang pinagaawayan namin?
Wala naman akong pake sa kaniya ah.
Ano bang nangyayari sa akin?!

" Ka-Kahit na!" singhal ko din at sapilitang tinatanggal ang seat belt ngunit ayaw maalis. Ayoko ng makasama ang lalaking ito dito. Nakakainis talaga sya.

Hindi ko matanggal ang seat belt kung kaya't nanahimik nalang ako at hindi gumalaw. Hindi naman kase nya ako tinulungan. Maya maya ay nagulat ako ng inalis nya ito mula sa akin.

" Sorry na" he said.

Bigla naman namula ang aking magkabilang pisngi sa kaniyang inakto. Paano nya nasasabi ang bagay na ito sa akin samantalang ang gusto nya ay si Caia?

Mas lalo naman akong namula ng isiksik nya ang kaniyang muka sa aking leeg. Mainit ang kaniyang hininga na tumatama sa aking leeg. Wala naman ako sa sariling hinaplos ang buhok nya.

" Ahm!" halinghing ko ng maramdaman ko ang dila nya sa aking leeg na ngayon ay tinitikman ito.

" Ruan!" sita ko ngunit parang wala syang naririnig. Tumigil sya saglit at umayos ng upo akala ko ay aalis na kami ng may pindutin sya sa kaniyang gilid. Agad na bumaba ang upuan ng kotse mula sa likod.

KISS ME, GENUIVER Where stories live. Discover now