Grade 2 palang ako ng makilala ko si colet, naalala ko pa nga noon kung paano kami nagkakilala, inaaway kase siya ng mga batang lalaki na anak ng kapit bahay namin, tapos tinulungan ko sya. Bagong lipat pa lang yung pamilya nila sa village namin noon kaya siya ang napag tripan at doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin at hanggang ngayon ay magkaibigan pa din kami. Parehas na kaming grade 10 student ngayong pasukan at swerte dahil kaklase ko siya. Hindi ko din talaga maitatanggi na maraming nagkakagusto at nangliligaw sa kaibigan ka na yun dahil maganda talaga siya, mayaman at matalino pa, maganda din naman ako at may kaya din ang pamilya ko pero kung patalinuhan talo ako. Wala din nagtatangkang manligaw sakin kase mas asta pa daw akong lalaki kesa sa kanila. Bata pa lang kase ako ay mga sigang lalaki na doon sa may village namin ang mga tropa ko, hindi din ako mahilig maglaro ng barbie dahil ang gusto kong mga laruan ay pogs at text. Oh sandali, lilinawin ko hindi ako tomboy, bisexual lang magkaiba yun.
Pwede ako sa lalaki and at the same time ganon din sa babae pero mas bet ko ngayon ay babae at syempre alam nyo na kung sino yun " Maria Nicolette Florenosos Vergara " oh alam ko na sasabihin nyo " Paano eh mag Bestfriend nga kayo? " basta mahabang kwento kaya dapat subaybayan nyo. Mag vote and follow na din kayo kay Author para masaya diba?.Good morning everyone..... Good morning and have a good day. Maaga akong nagising dahil ngayon ang firstday of school. Maaga din nagising ang dalawa kong kapatid. Si kuya Stell ay first year college na, siya din ang panganay sa aming tatlong magkakapatid. Si Justin nakaka grade 7 pa lang ngayong taon, siya naman ang bunso sa amin at ako na middle child pero kahit na gitna ako sa aming tatlo ay mahal ako ng lahat dahil ako lang ang nag iisang babae sa angkan namin. Puro kase lalaki sa side ng papa namin tapos yung mga pinsan ko na anak naman ng mga tito ko ay puro lalaki din tapos pinanganak ako, na nag iisang kaya swerte ko.
Ako at si justin ay na una na kaming maligo, dalawa yung banyo isa sa kusina at isa sa labas, nauna na kaming dalawa dahil 6:30am ang pasok namin habang si kuya Stell naman ay 7:00, and matagal din kase kaming kumilos ni bunso kaya palagi kaming pinapauna. Habang naliligo at nag aasikaso kami at nagluluto naman si kuya Stell ng almusal namin. Madalas sinangag , pritong hotdog at itlog ang niluluto nya para sa almusal namin....... Mas nauna akong natapos maligo kay Justin kaya dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis na.....
Pagkatapos makapag bihis ng white sando at short ay lumabas na ako, nasa labas na kase yung uniform namin dahil nilabas na ni kuya Stell.
Paglabas ko ay kakatapos pa lang ni Justin maligo.Hoi, kupad mo bilisan mo na nga malate pa tayo...... - Maloi.
Opo...... - Justin.
Bilisan mo na, kakain na tayo.
- Maloi.Pumasok na sya sa kwarto, at ako naman ay dumiretso na sa kusina. Pagpasok ko don ay nakain na si kuya Stell.
Kumain kana..... - Stell.
Oum...... - Maloi.
Nasan na si justin?..... - Stell.
Nagbibihis pa..... - Maloi.
Tumango tango lang sya sa akin, ako naman ay kumuha na ng plato ko pinagkuha ko na din ng plato si Justin para pagdating nya ay sasandok na lang sya.
Hindi pa nga ako nakakasubo ay nandito na agad sya. Binilisan talaga nya.Kain na...... - Stell.
Opo..... - Justin.
Wag kana kumuha ng plato, meron na dito..... - Maloi.
Tumingin naman sya sa lamesa at naka handa na nga doon yung plato at baso nya na may lamang gatas.
Kinuha nya yung plato at nagsandok ng kanin at umupo din pagtapos. Sabay sabay na kaming kumain pero mas na unang matapos si kuya Stell namin at nilagay nya na lang sa lababo yung plato nya, at nagpunta na sa loob ng bahay dahil sya naman ang maliligo.