Chapter 3: Linked

4 1 1
                                    

Kinabukasan, nagising si Xu Youshu at tumingin sa kanyang palad, umaasang panaginip lang ang mga nangyari kahapon.

Nanlaki ang kanyang mata nang biglang lumiwanag ang kanyang mga ugat sa kulay asul, pinatutunayan na totoo ang lahat. Bumigat ang dibdib niya habang sinusubukang unawain ang kabuuan ng nangyayari.

Walang tiwala sa nakikita, nagpunta siya sa banyo at nagwisik ng malamig na tubig sa mukha, umaasang maglilinaw ito ng kanyang isipan. Pagkatapos ng matagal na pag-iisip sa shower, nagtungo siya sa paaralan, nagpaalam ng padaskul-daskol sa kanyang ina, at umalis, dala ang bigat ng bagong realidad na bumabalot sa kanya.

Sa paaralan, nang oras ng tanghalian, hinila niya si Yiren, sabik na makausap ito tungkol sa kakaibang mga pangyayari na tila nagbuklod sa kanilang mga kapalaran.

"lumiwanag ang mga ugat ko kanina," bulong ni Youshu nang may takot na hindi niya maikubli. "Ng kulay asul."

Nanlaki ang mata ni Yiren, halatang may halo ng gulat at kaginhawahan. "Sa akin rin, pero kulay ginto. Nakakatakot diba?"

"Anong powers ang binigay sa'yo?" tanong ni Youshu, kahit kinakabahan ay may halong pag-usisa.

"Pagkontrol ng hangin," sagot ni Yiren, may halong kaba at tuwa. "Sa'yo?"

"yelo at... mga armas," sagot ni Youshu, medyo nanginginig ang boses. "I-try kaya nating gamitin ang powers mo," suhestiyon niya, sinusubukang pagaanin ang tensyon. "Tignan mo yung plastik na bote doon, pabagsakin mo sa lamesa."

"Paano ko gagawin yun?" may pagdududang tanong ni Yiren.

"Nakokontrol mo ang hangin, diba? Subukan mong itulak gamit yun. Sigurado akong  iisipin ng iba na normal na hangin lang yun," pag-aalo ni Youshu.

"Sige, subukan ko," sagot ni Yiren, huminga ng malalim para lakasan ang loob.

Nag-focus siya at pinilit niyang ipagalaw ang hangin. Biglang may dumaan na bugso ng hangin at nahulog ang bote mula sa lamesa. Napanganga siya sa gulat at tuwa. "Oh my gosh, ako ba talaga ang gumawa nun?"

"Siguro nga, sigurado ako," sabi ni Youshu na may halo ng pagkamangha. "Sinubukan ko rin yung akin kahapon, at akala ko baliw na ako ."

Papasa na sana si Yiren ng sagot nang bigla niyang maalala ang isang bagay na nagpaisip sa kanya.

"Teka, naaalala mo ba nung nawalan tayo ng malay? May dalawa pang estudyante, diba? Apat tayo," sabi ni Yiren habang mabilis ang pag-iisip.

"Tama, lahat ng tao sa paligid natin ay nawala maliban sa atin apat," sagot ni Youshu, parang nagkaroon siya ng kaliwanagan. "Baka alam din nila ang tungkol dito. Tara, hanapin natin sila."

Desidido silang lumabas ng cafeteria para hanapin ang dalawang estudyante na nakita nila bago sila nawalan ng malay.

Kanina umaga, nagpasyang magsabi si Xiangzhi kay Siyue tungkol sa kakaibang mga pangyayari sa cafeteria.

"Siyue, pag-usapan natin 'to mamaya sa cafeteria," sabi ni Xiangzhi nang may seryosong ekspresyon pagpasok sa silid-aralan.

Tumango si Siyue, may halong pagtataka at pag-aalala sa mukha.

Sa cafeteria, nagkwentuhan sila ng kani-kanilang kwento na punong-puno ng pagtataka.

"Nung nagising ako kanina, napansin ko sa shower na nagliliwanag ang mga ugat sa kamay ko ng kulay purple," pagtatapat ni Xiangzhi, may halong pagkamangha at kaba.

"Sa akin din! Pero dark blue. Anong kakayahan ang meron ka?" tanong ni Siyue na nanlaki ang mata sa pag-usisa.

"Parang kontrol sa gravitational pull?" sagot ni Xiangzhi na parang nagtataka. "Ikaw naman?"

Arcane Guardians: Season 1 (Tagalog Version)Where stories live. Discover now