Hell (PART 2)

75 1 0
                                    

 John 3:16

For God so loved the world that He gave his one and only Son, that whoever believes in Him shall not perish but have eternal life.

+++++++

Kasunod na nakita ko ay ang mga taong nakatali ang mga kamay hanggang sa paa. Mga taong naglalakad patungong impyerno. Bawat isa ay nakasuot ng puting damit ngunit ito ay punit punit, gusot at puno ng mantya. Nakita ko ang aking mga Tiyo at iba pang tao na tumalikod sa Panginoon.

At ang sabi ni Hesus "Anak ito ang mga taong kilala ako at nag-iba ng landas, mga taong sabay na kasangkot na namumuhay sa dalawang klase na magkaibang relasyon. Tignan mo kung paano sila lumayo sa akin, kung paano nila ako tinalikuran. Gusto kong sabihin mo sa kanila na darating ako para sa kanila, darating ako para sa mga banal na tao. Sabihin mo sa kanila na bumalik na sa dating landas, humayo ka at sabihin mo na ako'y naghihintay para sa kanila na isuko sa akin ang kanilang buhay at ito'y papalitan ko ng kaginhawaan" at muling lumuha ang Panginoon at sinabing "Anak, papunta sila sa lugar na ito, humayo ka at sabihin mo sa iyong mga Tiyo sabihin mo sa lahat ng kamag-anak mo na papunta sila dito. Anak madaming tao ang hindi maniniwala sa iyo tanging ako lamang ang iyong tapat na saksi at kahit hindi ka nila paniwalaan sabihin mo sa kanila ang katotohanan at ipapakita ko sa iyo kung paano napupunta ang mga tao rito" at pumunta kami sa isang lagusan kung saan maraming tao ang nahuhulog sa kailaliman.

Hindi isa o dalawang libo kundi parang mga buhangin sa dagat na hindi mabilang at sinabi ng Panginoon "Anak, yan ang paraan kung paano masira ang sangkatauhan, kung paano sila mawala, masakit kung paano ko silang makitang mawala, kung paano mawasak ang kanilang buhay" at dinala ako ng Panginoon sa isang selda at nakita ko ang iba't-ibang klase ng demonyo.

May lamesa at mga nakapa-ikot na mga upuan at sinabi ni Hesus na "Dito, dito rin nagpupulong ang mga demonyo na nagpaplano kung ano ang gagawin sa sangkatauhan, araw-araw silang nagpupulong at nagpaplano kung paano nila wawasakin ang mga pastor, pamilyang misyonaryo, mga ebengelista at lahat ng mga nakakakilala sa akin. Gusto nilang wasakin ang buhay ng mga ito, alam nila na ang mga taong ito ay singil sa libo-libong sangkatauhan kaya gusto nialng sirain. Humayo ka anak at sabihin sa mga pastor na sabihin ang katotohanan na sabihin lahat ng bagay na aking sinasabi na wag itong itago sa kanilang sarili lamang at bago tayo umalis dito may gusto pa akong ipakita sa iyo. May mga kabataan din na napunta sa lugar na ito" at sinabi kong "Mga bata sa lugar na ito? Bakit po Panginoon? Sinabi sa iyong banal na kasulatan na hayaan ang mga bata na lumapit sa akin at huwag silang pigilan sapagkat sila ay nabibilang sa kaharian ng Panginoon" sumagot si Hesus na "Totoo ang kaharian ng langit ngunit ang bata na iyon ay kailangan lumapit sa akin dahil kung sino man ang lumapit sa akin ay hindi ko itatakwil" kaagad ipinakita sa akin ang walong taong gulang na bata na nasusunog sa apoy umiiyak ang bata at sinabing "Panginoon, maawa ka sa akin alisin mo ako sa lugar na ito ayoko dito" .

Patuloy ang pag-iyak at pag-hiyaw ng bata at ito'y napapligiran ng mga demonyo na kahawig ng mga cartoons may dragon, boy-z, pokemon, dora at marami pang iba at tiannong ko sa Panginoon kung bakit naririto ang bata at pinakita sa akin ng Panginoon kung paano namuhay ang batang ito. Nakita ko kung paano gugulin ng bata ang kanyang oras, na sa buong araw ay walang ginawa kundi ang manuod ng tv, panuorin ang mga cartoon at sinabi ng Panginoon "Anak, ang mga cartoon, pelikula mga soft opera na pinapakita araw-araw sa telebisyon ay instrumento ng demonyo para masira ang sangkatauhan. Sabihin mo sa mga magulang na turuan ang kanilang mga anak gaya ng nakasulat sa aking mga salita" sinabi ng Panginoon na maraming bata sa lugar na iyon dahil sa pagsuway at tinanong ko siya "Panginoon, sabihin mo sa akin bakit may mga bata sa lugar na ito?" at sumagot si Hesus ng "Kapag ang bata ay may kaalaman na may langit at impyerno kung gayon may pagpipilian sila kung saang lugar nila naisin".

 Marami pang mga bagay na pwedeng ikwento tungkol sa impyerno pero sa ngayon nais ko muna ibahagi kung ano ang aking nakita sa kaharian ng langit.

~~~~~

Next chapter po nito sa langit na mas exciting po at magugustuhan niyo kung ano ang nakita niya sa langit :) THANK YOU and GODBLESS you all ♥

 09 31

GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon