nag lalakad ako ngayon pabalik sa delliona dahil malapit lang din nmn kami sa delliona nasa likod ko ang dalawang ulupong na p*tay na p*tay sa prinsesa dellia na mag papahamak sa buhay koayaw nilang bumalik pag hindi ako kasama at yung mga kawal naman ay pinabalik na nila upang ipaalam sa hari na ayos lang ako kuno Kunwari pa ang haring yon eh gusto rin naman nya akong mawala
walang kumibo saamin tanging yapak lang namin ang naririnig at mga huni ng ibon may papaalam na ako sa taga delliona
si bin² nman ay nasa balikat ko lang sya at ang sama kung makatingin sa dalawang bowset sa buhay ko
napangiti ako matanaw ko ang mga batang nag lalaro ay biglang nagsi takbo patungo sa ama nila na parang bagong dating lang
sana ganyan din ang pamilya ko sana tinurin din nila akong kapamilya sana naranasan ko din ang nararanasan ng mga batang Narito
nag patuloy na akong nag lakad at napatingin silang lahat saakin
"ate ana"
"ana"
"iha"ngumiti lang ako sa kanila dahil nag'aalala ang tono nila siguro sasabihin ko na ang totoo na isa ako sa anak ng haring kinamumuhian nila aalis naman ako eh
tumingin ako kay uno at alliandro na ngayon ay gulat din na nakatingin sa likod ko napadako ang tingin ko kay Ariftty na ngayon ay may lungkot sa mata habang nakatingin saakin, alam nyang hindi na ako mag tatagal dito sa nayon nila
tahimik lang din naman ang dalawang nasa likod ko, tumingin ako sa kanilang lahat na ngayon ay may pag'aalalang nakatingin saakin at may katanungan sa kanilang mata, naka suot kasi ng pang knight si Zeus at si Calix naman ay suot ay pang prinsipe
"may aaminin ako sa inyong lahat isa akong prinsesa paumanhin kong hindi ko inamin sa inyo iyon ka agad," natahimik silang lahat sa sinabi ko may iba pang napaatras
"wag kayong mag'alala aalis din naman ako dito bukas" hindi sila umimik nakatingin lang sila saakin hindi ko alam anong emosyon ang nilalabas nila habang nakatingin saakin
"sana mapatawad nyo ako sa pag sisinungaling kong isa akong mang lalakbay" I chuckled dahil naalala ko kung paano ko sila napaniwala ng sinabi ko iyon pero tumigil din ako
"pinapabalik na ako sa palasyo" gusto ko pang mag tagal dito pero hindi pwede
"ija alam naman namin na isa kang prinsesa unang kita palang namin sa iyo ng dumating ka dito sa nayon ay alam na namin" tumingin ako sa kay nanay Tessa dahil sa sinabi nya ibig sabhin alam din pala nila ang totoo
"pero hinayaan kanalang namin pero hindi namin inaakalang marami kang maitutulong sa amin kaya wagkang humingi ng pasensya dahil may dahilan ka naman kaya mo iyon ginawa, mahal na prinsesa" diko alam maiiyak ba ako sa sinabi ni Nanay Tessa, tumingin ako sa kanilang lahat na nakatingin lang saakin habang may ngiti sa kanilang labi,
iiwan ko na sila hindi ko na sila makakasama hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako dito o hindi
napahawak ako sa pisngi ko ng may maramdaman akong likido doon, umiiyak ba ako,
"ate" tumakbo ang mga bata patungo saakin at yumakap saakin pinunasan ko agad ang luha ko at ngumiti sa kanila
Calix POV. (ex-husband)
nakatingin lang ako kay prinsesa anallyn na ngayon ay nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan sa taong nandito sa nayon na ito
nag, bago kana nga ba prinsesa nitong ilang araw ay hindi ako nakaka tulog ng maayos kakaisip sakanya hindi ko alam pero hindi sya mawala wala sa isip ko
maraming lalakeng nakatingin sakanya kaya medyo nakaramdam ako ng inis galit gusto ko ako lang ang pwedeng tumingin sakanya
ang ganda ng ngiti nya ngayon kolang napansin na naka damit lang sya ng pang commoner na damit dati naman ay hindi sya nag susuot ng pang commoner dahil maarte sya
kanina ko pa napapansin ang isang lalakeng nasa tabi nya at nakatingin sakanya nasa isang kubo kami ni caption Zeus at ang kawal nasya uno
hindi ba marunong makiramdam si anallyn na kanina pa nakatingin sakanya ang lalakeng nasa tabi nya
bakit pag sa kanila ngumiti sya pag saamin ang lamig kung makatingin saamin, bigla naman kumirot ang dibdib ko dahil naalala ko kung paano nya ako tignan kanina na parang wala lang ako sakanya b
b-bakit nasasaktan ako hindi ba't ito ang gusto ko ang iwasan at tigilan nya ako bakit
gusto ko naba sya, hindi pwede si prinsesa dellia ang gusto ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko pag nakikita ko sya"kuya alliandro dito kayo kakantahan kami ni ate"tumayo ang dalawang kasama namin at tinanguan ang bata habang may ngiti sa labi
kakanta sya, bakit ang daming nag bago sakanya akala ko mapapahiya sya nung boquet pero hindi napahanga ako dahil ang ganda ng tinig nya pero nakaramdam ako ng umiyak sya hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, samantalang pinapaiyak ko namn sya dati at sinaksaktan hindi naman ako nakakaramdam ng kirot at lungkot sa puso ko
" sama na kayo prinsipe Calix at captain Zeus"aya nilang dalawa saamin na agad din nmn tinanguan ni captain Zeus
seryosong nag lalakad si captain Zeus na parang ang lalim ng kanyang iniisp sa mantala ang dalawa ay kinukwento ang naging buhay nila dito sa delliona kung gaano kasaya kasama ang prinsesa at kung paano ito makitungo sa mga tao dito ang dami nanga, talagang nag bago sakanya
"umupo kayo dito mga iho" ngumiti ako sa may katandaang lalake ng sabihin nya iyon
marami ang kalalakihan ang nakatingin kay anallyn pero parang wala lang ito sakanya dahil nakikipag usap lng sya sa bata at sa lalaking nasa tabi nya
hindi nya kami nilingon kahit isang saglit lang sa twing titingin ako sakanya parang hindi sya ang anallyn na kilala ko bakit ang layo na ng loob nya saakin,
"alam mo kuya raftty si ate narinig kong may kinakanta si ate habang nag didilig sa halaman kahapon" masayang anya ng bata habang nasa tabi ng kanyang dalawang magulang na nakikisali din sa tawanan
sana naranasan ko din ang masayang pamilya kahit prinsipe ako hindi ko maranasan ang maging masaya sa piling ng magulang pinakasal nga nila ako ky anallyn para mas lumakas ang Imperyo namin, wala silang pakyalam sa kung anong gusto ko
wala daw akong kwentang anak, kahit ang pag papakasal lang sa prinsesa ay hindi ko magawa
"wala akong nakanta ah" agad na sabi ng prinsesa at tinignan ang bata pero tinawanan lang ng bata
nakikinig lang sila habang nakatingin sa prinsesa at sa bata bakit ang ganda ng prinsesa ngayon bagay na bagay sakanya ang suot nya
ngayon kolang napansin na wala syang suot na kahit anong alahas, dati naman ay lagi syang nag susuot ng alahas para lang mapansin sya lagi din syang nag lalagay ng kolorete sa mukha para lang magpa ganda pero mas maganda pala sya pag walang kolorete sa mukha
"narinig ko yon ate"
"sge nga kantahin mo nga" rebat naman ng prinsesa ang saya nyang tignan dahil nakangiti lang sya sa mga tao dito
"oo nga kantahin mo nga nuel"sabi ng isang dalaga
" makinig kayo ng mabuti"sabi nya at ngumising tumingin sa prinsesa na natatawang umiling iling
"at kung ako'y mag'aasawa ang pipiliin ko, ang pipiliin koy anak ng taga luto,luto sya kain ako kakainin ko sya kakainin ko sya hanggang mag umaga" na tahimik kaming lahat dahil sa kanta ng bata d*mn anong klaseng kanta yon
napatingin kaming lahat sa prinsesa na nanlalaki ang matang nakatingin sa bata habang pulang pula ang pisngi
"oh diba ate yun yung kanta mupo" napapikit naman mariin ang prinsesa at hindi makatingin ng diretso sa lahat
"d*mn" rinig kong sabi nya sumabog ang tawanan ng biglang tumakbo ang prinsesa
"wahhh nakakahiya" sigaw nya habang tumatakbong hawak² ang pyrus napatawa din tong si captain Zeus habang nakatingin sa prinsesang tumakbo papalayo saamin
lahat kami ay natatawang napailing iling kinanta banya talaga iyon
BINABASA MO ANG
I GOT REINCARNATE AS A VILLAIN
Fantasíaprologue She no longer believes in true love, she is merciless, has no interest in feminine things, no interest in men, and she doesn't need care from anyone. For her, love is just a weakness.she is books lover and she's is Callyeen Dexaulten ______...