Kinakabahan ako habang hinihintay ang magiging boss ko, nandito na kasi ako sa mansion nang magiging boss ko at naka upo ako rito sa upuan habang hinihintay siya.Buti nalang may bodyguard sila kung wala siguro doon ako sa labas mag hihintay pa at sabi nang bodyguard wala daw ang boss nila kaya mag hintay nalang ako sa sala.
Nililibot ko ang tingin ko sa mga naka lagay rito sa sala na nandito sa mansion nang magiging boss ko.
Hindi ko pa alam kung sino magiging boss ko at tsaka wala naman kasing picture dito naka lagay paano ko malalaman ang mukha niya?
"Ms ayra?" tawag nang babae mula sa likoran ko kaya napaharap ako roon.
"bakit po ma'am?" tumayo ako at humarap sa direksyon nito at Ngumiti.
"Did It take too long to make you wait here?" Ngumiti ito saakin at napa kamot ulo nalamang ako paktay hindi ako marunong mag English.
"p-po?" kinakagat ko ang iba-bang labi ko at napa tingin nalamang ako sa ibaba.
"sabi ko Masyado bang natagalan ang paghihintay mo dito?" inulit nito ang sinabi niya pero Tagalog na.
"h-hindi naman po ma'am" Ngumiti ako dito at nginitian ako nito pabalik.
"okay, mag sasalita nalang ako nang tagalog para hindi kona ulitin" sabi nito kaya napa kamot ulo nalamang ako.
"s-sorry po ma'am hehe" tanging sagot ko nalamang.
"no need to apologize"
Tumingin ako Kay ma'am nang lumapit ito saakin at nginitian ako at tinignan ako na parang sinasabing umupo na ako kaya umupo na muli ako at umupo rin ito.
"ma'am sino po ba ang hahalagaan ko bata poba?" tanong ko rito.
"no pero isip bata" tumawa ito nang mahina.
"po ma'am?" tanong ko tila na guguluhan ako.
"just kidding" Ngumiti muna ito bago ipag patuloy ang pag sasalita. "mamaya pa siya dadating sinundo pa kasi niya yung kaibigan niya at hihahatid pa nito ito sa Luzon kaya mamaya na sigurong mga gabi na ito ma kaka rating so bibigyan na kita nang mga tuntunin mo rito at tungkulin"
"hindi po bata ang hahalagaan ko?"
"yes"
"okay po ma'am" tanging sagot ko nalamang.
Siya ba yung nanay? Halata naman maganda ito at mamahalin mag suot at isa pa ang puti sobra ang ganda ni ma'am.
"role 1:mga 5 gising kana at mag luluto nang breakfast ng anak ko kung hindi ka nagising nang mga oras na ganyan magagalit sayo ang anak ko, role 2: lagi mong lilinisin nang maigi dito at ayaw nun sa dumi, role 3: masungit siya at mabilis magalit kaya pakakalmahin mo siya uupo ka sa kandungan niya. . ." kumunot ang noo ko at nag salita.
"po ma'am??"
"you Have no choice"
"ma'am diba ang gagawin lang nang yaya mag trabaho sa bahay hindi po mag pa gapang sa amo"
"hindi ka naman niya gagapangin don't worry" may halong biro ang boses nito.
"ouch ma'am. . .hm ano nga po pala pangalan nang magiging amo ko po ma'am?"
"arken." tugon nito pabalik sa tanong ko at napa tango nalamang ako
Pogi ng pangalan siguro pogi din to. . .
"ang ganda po nang pangalan nang anak niyo ho" magalang kung tugon dito.
"syempre pogi yung ama eh" sabi nito na may halong biro.
"siguro po maganda talaga ang lahi niyo po at siguro po madami kayong anak" sabi ko dito habang nakangiti.
"tatlo lang ang anak namin at balak pa nga nang asawa ko dagdagan yan eh' siguro mga 7 pang anak sampo na sila" sabi nito habang naka tingin saakin, halata naman sa tono nito na nag bibiro lang siya.
"grabe naman po pala ang asawa' niyo' ho" sabi ko dito habang nakamot nang ulo.
"siguro maganda din ang lahi niyo. . .ang ganda mo talaga ayra" sabi nito na walang halong biro.
Napakamot ulo nalamang ako at ngumuti nang maliit.
"hindi naman po ma'am, sadyang napagaling lang po ang inay at itay ko sa pag gawa saakin" tumawa ako nang mahina at natawa rin ito.
"palabiro ka talagang bata ka, bakit nga pala naisipan mong mag trabaho bilang yaya? "
"sa hirap nang buhay' ma'am kailangan ko napo talaga mag trabaho para makapag aral ho ako"
"ang swerte naman nang parents mo sayo, may mabuting anak sila at maganda at masipag pa"
"ah salamat po ma'am"
"hindi mo na kailangan mag pa salamat. . .sige tanggap kita bilang yaya nang anak ko at ibibigay ko nalang sayo lahat nang gagawin mo dito, kailangan ko na kasing umalis" sabi nito at may binigay itong papel.
"sige po ma'am, ingat po kayo ma'am" magalang kong sabi at tumango nalamang ito bago tumayo at kinuha na ang bag niya.
Sumunod ako sakanya at nasa likoran lang ako ni ma'am habang patungo siya sa malaking pinto nang bahay at may mga yaya pala siyang kasama at tumungo na sila sa sasakyan ni ma'am at ang mga yaya naman pumunta sa isang sasakyan para sumakay doon.
Nag paalam na sila at ako naiwan nalamang nakangiti habang tinitignan ang sasakyan na paalis.
"pupunta na ako sa guest room para mag palit nang damit na pang yaya at babasahin ko na lahat ang mga lagi kong gagawin sa papel na binigay ni ma'am" sabi ko nang mahina at pumasok na bago sinarado ang pinto.
Bago nga pala umalis si ma'am sinabi niya na saakin kung nasaan ang guest room, gusto pa nga niya daw akong samahan dito kaso may kailangan pa pala daw siyang asikasohin.
Naka pag palit na ako at habang binabasa ako ang mga tungkulin ko dito naalala ko ang sinabinh roles ni ma'am saakin uupo daw ako sa kandungan niya? Pero paano kung hindi gusto nang amo ko na gawin ko yun dahil baka mandiri siya saakin. . .sino ba ang amo ko? Siguro mabait naman siguro siya. . .
Natapos kona lahat basahin ang nasa papel at bumaba na ako kasi kailangan ko nang mag luto nang hapunan ni sir mamaya' kasi dadating na iyon mamaya.
Dumiretso na ako sa kusina at nag simulang mag luto. . .niluto ko ang naka sulat sa papel na ang paborito nang sir ko.
~~~
Kung gusto mong ma spoil follow niyo ako sa Instagram at Facebook page ko pati narin sa TikTok koInstagram: yujì
Facebook page: yujì
TikTok: yujì
YOU ARE READING
MY PROBINSYANANG YAYA (Series #3)
RomanceLUMAKING probinsyana si Ayra S. Villa mahirap lang sila Pero kinasanayan niya na ang kanyang buhay mabuting tao si Ayra lagi nitong tinutulungan ang kanyang pamilya' naisipan nga nitong mag trabaho sa manila para may maitulong siya sakanyang pamily...