Prologue: Letter from the Author

24 0 0
                                    

Isang paunang kabanata base sa mga totoong karanasan - mula sa awtor, setibswen

Naranasan mo na bang maging delulu?

Oo. Ako naranasan ko na.

Tanggap ko na gaya ng mga ka-henerasyon ko na dumadating tayo sa punto sa nagkakaroon tayo ng mga 'crush'.

Masayang magkaroon ng crush sa totoo lang, kung hindi niyo pa nararanasan.

Isang araw, kinikilig tayo 'pag nakikita sila. Isang araw, inaappreciate natin ang mga talents nila - minsan kung malala pati ang existence nila, hinahangaan na rin natin.

Masaya magkaroon ng crush - dahil may nagiging bukambibig ka. Buhay na buhay ang tsikahan with friends 'pag lagi mong topic si anes!

Sa pormal na depinisyon ng "crush", karaniwang tumatagal ito sa loob ng maikling panahon.

Opo, maikli. Minsan isang buwan, minsan isang linggo, kung minsan nga lalo na kung ngayon mo pa lang nakilala - isang araw.

Pero, paano kung five months? Six months? Nine months? O kaya isang taon? Happy crush lang ba 'yan?

Paano kung bawat interactions nyo, bawat eye contact nyo binibigyan mo ng meaning? Bawat galaw nya, feeling mo special. Yung mga pwedeng mangyari kapag nag-confess ka iniimagine mo.

Gawin mo ang cycle na 'yan sa loob ng dalawang taon. Isama mo na ang paniniwala mo sa tadhana at red string theory. Malamang delulu ka na.

Ganyan na ganyan ang mga stages na pinagdaraanan ko. Mayroon nang nagsasabi sa akin na ilabas ko na ang feelings ko.

Aba! Oo nga naman, katulad ng galit mahirap kapag kinikimkim mo. Tiyak, kakainin nyan ang pagkatao mo.

Ngunit sa huli, pinipili ko pa rin itong itago.

Sa loob ng aking mahigit limang taon bilang estudyante sa paaralang kinikilala sa lungsod ng mga bayani, marami na akong pinagdaanang paghihirap at pagdurusa para lamang makamtan ang inaasam na tagumpay. Actually, hindi lang ako, lahat kami!!

Kaya ganoon na lang at hindi ko inexpect na sa dami ng mga pinapagawa at dinaranas ko rito, mabibigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na humanga sa isang dalaga.

Medyo mataray siya, kung huhusgahan mo sa unang tingin. Pero matinis ang boses nya, malumanay, at mas lalong numinipis kapag nagpakita ng emosyon.

Active siya ngayon, kagaya pa rin noong una ko siyang nagustuhan. 'Happy crush' lang nung una, pero mas lumalim kalaunan.

Kailan kaya ako magco-confess? Kailan kaya darating ang tamang panahon?

Iyan ang mga tanong na bumabagabag sa akin. Sa pamamagitan ng pagbubukas ko ng isang istorya, dalangin ko na magabayan ako ng aking konsensya sa pag-iisip ng hakbangin na nararapat.

Isang araw, mababalikan ko ang likha kong ito. Isang araw, magiging basehan ko ito sa pagsukat at pagtitimbang sa aking nararamdaman. Isang araw, maipapakita ko na sa kanya ang aking tunay na damdamin.

Isang araw ... Kailan kaya?

Umaasa,
setibswen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Angeleyes AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon