Chapter 5 - Between the lines

0 0 0
                                    

Mingyu POV
The next day, habang nakaupo ako sa coffee shop malapit sa school, hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa conversation namin ni Daniel kahapon. Parang bumalik ako sa isang eksena kung saan magkaibigan pa rin kami, pero iba na talaga ang sitwasyon. Dumating na si Terry sa buhay niya, at kahit anong gawin ko, hindi ko mababago yun.
Habang hinihintay ko si Ben at Kai na dumating, naramdaman kong tumunog ang phone ko. Si Daniel.

Napangiti ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napangiti ako. Kahit papaano, parang sinubukan niyang mag-effort.

Pagdating niya, naka-hoodie pa rin siya at mukhang pagod pero nakangiti

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagdating niya, naka-hoodie pa rin siya at mukhang pagod pero nakangiti. Typical Dani. Huminga ako ng malalim, pinipilit i-maintain yung casual vibe namin kahit na sa loob, parang bumibilis yung tibok ng puso ko.

Mingyu: *Grins* Uy, Dani. Libre ka pala bigla ah.
Daniel: *Sits down* Eh sabi mo nga, di na ako masyadong nakakasama sa inyo. Kaya eto, making time.
Mingyu: *Soft laugh* Appreciate that.

Tahimik saglit. Naririnig ko lang ang mga tunog ng paligid ang ingay ng mga coffee machines, at ang mga tao sa paligid na nag-uusap. Pero sa amin, parang may bigat na hanging in the air, kahit pareho kaming nagpipilit na mag-catch up.

Mingyu: *Breaks the silence* So, kamusta ka naman? How's everything with Terry?
Daniel: *Smiles slightly* Okay naman kami. Medyo busy lang siya sa training, pero ayos lang. Masaya ako.
Mingyu: *Nods, hiding his feelings* Good for you, Dani. I'm happy for you.

Totoo naman. Pero habang binabanggit niya si Terry, naramdaman ko yung sakit sa dibdib. Hindi ko naman gustong maging selfish, pero ang hirap itago yung mga nararamdaman ko kapag nasa harap ko siya. Parang gusto kong sabihin sa kanya ang lahat kung gaano ako nasasaktan, kung gaano ko siya kamahal. Pero alam ko rin na hindi dapat.

Daniel: *Pauses* Alam ko na siguro napansin mo, Mingyu, na may nagbago sa akin lately. And yeah, you're right. Mas naging focus ako kay Terry. Pero you're still my best friend, and I don't want to lose that.
Mingyu: *Smiles sadly* Alam ko naman yun, Dani. Pero hindi mo rin kasi maiwasang magbago ang lahat kapag may ibang tao na sa eksena. That's just life, I guess.
Daniel: *Frowns* Hindi ko naman gustong iwanan kayo. I'm really trying to balance everything. Lahat kayo, importante sa akin.
Mingyu: *Sighs* Dani, wala akong sinasabing masama si Terry, ha? Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako, kahit ano pa ang mangyari. And... *pauses, debating whether to continue* kahit ano pa ang maramdaman ko.

Napatingin siya sa akin, halatang nagulat siya sa huling bahagi ng sinabi ko. Para bang na-realize niya ulit na may ibang layers sa relasyon namin. Biglang bumigat ulit yung atmosphere, at alam kong hindi ito ang tamang lugar para sa conversation na iyon.

Daniel: *Slowly* Mingyu, about that...
Mingyu: *Interrupts* Dani, wag na natin pag-usapan ngayon. I mean, alam ko naman na may limit lang ako sa buhay mo ngayon, and I'm okay with that. Nandito lang ako bilang kaibigan mo.
Daniel: *Looks at me sincerely* Mins, I don't want you to feel like that. You're more than just a background character in my life. Alam mo 'yan.
Mingyu: *Smiles* Alam ko.

Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na kami. Parang may invisible line sa pagitan namin na pareho naming gustong tawirin, pero natatakot kami sa consequences.

Terry POV
Lumipas ang ilang araw at napansin ko na parang may ibang iniisip si Daniel. Hindi naman siya nagkukulang sa pagiging sweet at caring, pero may mga sandali na para bang nasa malayo ang isip niya. Siguro dahil rin ito sa usapan nila ni Mingyu. Pero kahit anong pilit kong huwag isipin, may parte sa akin na kinukutuban.

Minsan, sa mga tahimik na oras namin, napapansin ko siyang nakatitig lang sa phone niya, pero hindi nagrereply. Parang naghihintay. At hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kay Mingyu ba siya naghihintay?
Nasa court ako, nagwo-warm up, nang biglang dumating si Kai at Ben.

Kai: *Smiling* Uy, Terry! Ready ka na ba for the big game?
Terry: *Grins* Siyempre! Kayo, manonood ba kayo?
Ben: *Nods* Of course. Daniel's excited to watch you, too.
Kai: *Teasing* Actually, parang lahat kami, excited na manood ng game at makasama ka. Para makita na rin namin kung anong meron si Dani na wala kami!
Terry: *Laughs* Haystt, kayo talaga. Eh si Dani lang talaga ang number 1 ko, kaya shoo

Pero kahit nagbibiruan kami, naisip ko pa rin ang sinabi ni Ben tungkol kay Daniel. Hindi ko alam kung ito'y overthinking lang, pero parang may isang bagay na hindi ko matanggal sa isip ko ang closeness nila ni Mingyu. Alam kong matagal na silang magkaibigan, pero bakit parang may tension?

Pagkatapos ng practice, nag-decide akong tanungin si Daniel habang magkasama kami sa apartment.

Terry: Sol, kamusta naman kayo ni Mingyu? Mukhang mas okay na kayo, ah.
Daniel: *Pauses, then nods* Yeah, nag-usap kami. We're good now. Naintindihan naman niya yung sitwasyon, and he's still my friend.
Terry: *Nods slowly* That's good. But... are you okay?
Daniel: *Looks at me* Yeah, sol. I'm okay. Bakit?
Terry: *Softly* Parang kasi ang dami mong iniisip lately. Kung ano man yan, pwede mo namang i-share sa akin.
Daniel: *Sighs* Alam ko, sol. It's just... ang dami lang talaga. Balancing everything. Pero don't worry, okay? I'm here with you.
Terry: *Holds his hand* I'm always here for you, sol. Remember that.

Daniel POV
Habang hawak ko ang kamay ni Terry, alam kong totoo yung sinabi ko. Mahal ko siya, pero hindi ko maiwasang maisip din si Mingyu at ang bigat ng mga nararamdaman ko para sa kanya bilang kaibigan. Para bang nasa gitna ako ng dalawang mundo ang isa, kung saan ang relasyon namin ni Terry ay maayos, at ang isa, kung saan naroon si Mingyu at lahat ng mga hindi ko kayang sabihin.

Pero alam ko na kailangan kong mamili kung saan ako lulugar.

My Basketball playerWhere stories live. Discover now