Mingyu POV
Kinabukasan, nagising ako nang maaga para maghanda sa klase. Pero kahit gaano ako ka-distracted ng schoolwork, parang may kumakain ng espasyo sa utak ko si Daniel. Ang daming tanong ang sumasagi sa isip ko, pero alam kong walang saysay ang paulit-ulit na pagtatanong. Alam kong hindi ko dapat guluhin pa ang sitwasyon, kaya pinilit kong ibaling ang atensyon sa ibang bagay.
Habang papunta ako sa campus, nakasalubong ko si Ben at Kai. As usual, laging may energy ang dalawang ito, pero mukhang may alam sila na hindi pa sinasabi.Ben: *Grinning* Uy, Mingyu. May balita ka ba?
Mingyu: *Raising an eyebrow* Balita? Tungkol saan?
Kai: *Chuckles* Eh si Dani at si Terry nga. May game si Terry mamaya, and guess who's going all out para manood?
Mingyu: *Shrugs* Siyempre, si Dani.
Ben: *Nudges me* At siyempre, ikaw. Manonood ka rin, 'di ba?
Mingyu: *Sighs* Siguro. Bakit ba kasi sobrang big deal nito?
Kai: *Serious tone* Alam mo, Mins, parang may napansin ako kay Dani nung huli kaming nagkita. Parang... alam mo yun, hindi siya yung usual self niya. May bigat sa kanya.
Mingyu: *Hides his concern* Baka stress lang 'yan sa relationship nila ni Terry. It's normal for couples. Lahat ng relasyon dumadaan dun.
Ben: *Shrugs* Ewan ko, Mins. Parang may iba eh. May ibang tension sa kanila. Parang may something na hindi niya sinasabi.Napaisip ako sa sinabi ni Ben. Alam kong hindi ko dapat pinapansin 'to, pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. Kilala ko si Daniel ng sobra kabisado ko ang mga kilos niya, ang mga pananalita, at pati ang mga pagbabago sa expression niya.
Game Day
Nag-decide ako na manood ng game ni Terry. Kasama ko sina Ben at Kai, at halos mapuno na ang buong arena ng mga estudyanteng excited sa laban. Pero habang nasa loob na ako, parang hindi ako makapag-focus. Nakatingin lang ako sa bench, naghahanap ng isang familiar na mukha.
Si Daniel. Nandun siya, masayang nakaupo kasama ng ibang friends namin. Nakikita ko siyang tumatawa, pero sa likod ng bawat ngiti, parang may something na nakatago. Napatingin siya sa akin nang saglit, at naramdaman ko yung subtle na tension sa pagitan namin.
Tumunog ang whistle ng referee at nagsimula na ang laro. Si Terry, as expected, dominating ang court. Ang galing niyang maglaro, at halos lahat ng audience ay cheering para sa kanya. Pero ako, habang pinapanood ko ang bawat galaw niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng halo-halong emosyon hindi inggit, pero parang may kakaibang lungkot.
Sa isang bahagi ng game, tumingin si Terry kay Daniel at ngumiti siya, parang pinapalakas ang loob niya. Nakita ko si Daniel na nagbigay ng thumbs up, pero sa moment na 'yun, parang ako lang ang nakakita ng brief flicker ng sadness sa mga mata niya. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'to o totoo, pero alam kong may iba.Terry POV
Pagkatapos ng game, napagod ako pero sobrang saya dahil nanalo kami. Agad na lumapit sa akin si Daniel, at ramdam ko yung pagmamalaki sa kanya.Daniel: *Grinning* Galing mo, sol! Grabe, ang intense ng laban!
Terry: *Breathless but happy* Thanks, sol! Para sa'yo 'yun.Hinalikan niya ako sa noo, at para bang sa moment na 'yun, okay lang lahat. Pero habang nakangiti siya, alam kong may something pa rin na bumabagabag sa kanya. Hindi ko pa rin mapigilang isipin ang sinabi ni Kai na napapansin din ng iba yung bigat kay Daniel.
Pag-uwi namin sa apartment, nag-decide akong ituloy na ang usapan na sinimulan ko dati. Hindi na ako pwedeng maghintay pa ng matagal kung may mga bagay na hindi malinaw sa amin.
Terry: *Softly* Dani, okay ka lang ba talaga?
Daniel: *Nods, but pauses* Yeah. Bakit, sol?
Terry: *Gently* Parang ang dami mong iniisip lately. Alam mo namang nandito ako, 'diba? Pwede mo namang sabihin kung may bumabagabag sa'yo.Tumahimik siya saglit, parang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba ang totoong nararamdaman.
Daniel: *Sighs* It's just... *pauses* Alam mo 'yung minsan parang ang hirap i-balance lahat? Between us, sa friends ko, sa studies. Ayoko sanang isipin, pero may mga bagay na hindi ko pa rin kayang isara nang tuluyan.
Terry: *Frowns* Anong ibig mong sabihin?
Daniel: *Struggling* It's about Mingyu. Alam kong kaibigan ko siya, pero hindi ko rin maitatanggi na may mga bagay na nagbago mula nung naging tayo. And sometimes, hindi ko ma-figure out kung paano ko haharapin 'yun.
Terry: *Takes a deep breath* Dani, I trust you. Pero kung may unresolved feelings pa para kay Mingyu, kailangan natin pag-usapan 'yan. Hindi ko gustong may bitbit kang bagay na hindi mo kayang ilabas.Tumahimik ulit si Daniel, pero halatang nag-iisip. Hindi niya ako tinignan ng diretso, at sa moment na iyon, naramdaman kong may parte sa kanya na hindi pa handang mag-open up ng buong-buo.
Daniel POV
Napapikit ako habang naririnig ang boses ni Terry, ramdam ang sincerity ng mga salita niya. Alam kong totoo ang sinabi niya, pero paano ko sasabihin sa kanya na may bahagi sa akin na hindi ko pa kayang bitawan? Si Mingyu. Ang daming bagay na nasa pagitan namin na hindi ko maipaliwanag nang simple lang. At kahit na masaya ako kay Terry, may parte sa puso ko na laging humahanap kay Mingyu.Daniel: *Softly* Sol, I'll figure it out. Alam ko lang na hindi madali, pero importante ka sa akin. Gusto kong maging fair sa'yo, sa kanya, at sa sarili ko.
Terry: *Nods slowly* Sana nga, Dani. Kasi hindi lang ikaw ang nasasaktan dito kung may bagay kang itinatago.Sa loob-loob ko, alam kong tama siya. Kailangan kong harapin ang sarili kong nararamdaman at kailangan kong mag-desisyon bago pa tuluyang masira ang mga mahalaga sa akin.
YOU ARE READING
My Basketball player
FanfictionA filo au where a ssc president started dating a varsity player