Mula sa malayo ay tanaw na tanaw ko ang pagdilim nang buwan kasabay ng paglakas ng ihip nang hangin. Muling umilaw ang kuwintas na suot ko, dahilan kung bakit lumiwanag ang madilim na kwartong pinasukan ko kanina.
Isang mapulang ilaw ang nakapalibot sa loob.
May parang nagtutulak sa akin na lumabas kaya kahit na parang ramdam kong nanghihina ako ay pinilit ko pa ring lumabas at pumunta sa balcony. Mas lalong lumakas ang ihip nang hangin noong nakalabas na ako at sa lakas ay parang matatangay ka na.
Hindi ko natiis ang lakas kaya pumasok na ako sa loob, mula sa malaking salamin ay nakita ko ang sarili ko na umiiyak at nanghihina. Habang naglalakad papalapit sa malaking salamin ay tila parang may sumasakal sa akin.
Hinang-hina ang katawan ko at unti-unti na rin akong nahihirapang huminga, parang may mahigpit na kamay na naka hawak sa aking leeg. Hinawakan ko ang kuwintas ko kahit na hinang-hina ako at pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Unti-unting nawawala ang ilaw sa kuwintas ko at unti-unti na ring bumabalik ang lakas ko. Tuluyang bumagsak ang katawan ko sa sahig noong nawala na ang ilaw sa kuwintas ko.
May tumutulak sa akin sa kama kaya tumayo ako kahit hinang-hina ang katawan ko at lumapit sa kama para humiga na at magpahinga. Ramdam ko pa rin ang pananakit nang akin katawan kaya ng makahiga na ako sa kama ay kaagad akong napapikit at nakatulog din ako kaagad.
I woke up when I felt someone holding my hand gently, I saw a man beside me and his touch was so gentle like he was scared to cause harm on my hand. May hawak na bimpo ang lalake at dahan-dahan nitong pinapahid sa aking kamay pataas hanggang sa umabot ito sa leeg ko.
Hindi ako gumalaw at nagkunwaring natutulog na lamang upang hindi ko siya maabala at upang kung sakaling may balak man siyang patayin ako ay makakaisip kaagad ako ng aksiyon upang makaiwas sa bawat galaw nito.
"You're the girl I've been looking for." he said in his husky voice.
"Your blood was the cure to save the vampires." he said again.
He touch my neck and his other hand went to my hand, I saw a smirked on his face and it scare me. I couldn't move because of his touch, ang hapdi na ng kanyang hawak sa kamay ko at humihigpit din ang hawak niya sa leeg at kamay ko, dahilan kung bakit hirap na hirap akong huminga.
"I know you're awake, young lady." he said.
Akala ko ay mamamatay na ako ngunit nagising ang diwa ko ng marinig ang isang malakas na sigaw mula sa kapatid ko, it was a dream. A dream that almost killed me.
"Amelia?!"
Umuubo-ubo ako noong nagising ang diwa ko at kaagad akong tinayo ni Mellizza at inabutan kaagad ako ng tubig nito. Ininom ko iyon at pagkatapos ay pinakalma ko muna ang sarili ko.
"What happened to you?!" she asked.
"I... I have a dream." iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.
"A dream?! Mukha ka na ngang mamamatay kanina dahil hirap na hirap kang huminga!" nag-aalalang sambit nito.
"W-what?" iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.
"It almost killed you, Amelia! That dream almost killed you!" she worriedly said.
"I saw a man, Mellizza. I.. I saw man and he's trying to kill me.." takot kong sambit.
"Goddamn it!" she yelled.
Akala ko ay iiwan niya ako sa loob dahil bigla itong lumabas, bumalik din ito kaagad at dala-dala nito ang kaniyang cellphone. May parang kinakausap siya roon, hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Wala akong panaginip na ganito noon, ngayon lang ito nangyari sa akin.
YOU ARE READING
A Heart of Darkness ( Vouganqile series #1 )
VampireA woman who's strong and independent got a job about finding the truth about the three Vouganqile‚ she does agree to this job because it was her dream to become like her parent and to not disappoint Lucio. Little did she knows that this job will tur...