chapter 3.

39 5 0
                                    

Serenity POV.


Ilang oras din akong natigilan sa pagka gulat bago nakabawi, akmang mag sasalita na ako ng unahan ako ni Lola.

"Manliligaw ka pala ng apo ko, kung ganun gusto mo bang mag hapunan muna dito?" agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Lola, ang inaasahan ko ay magagalit sya gaya ng lagi niyang ginagawa pag may nag tatangkang manligaw sa'kin.

"Lola, hindi po yun totoo——"

"Serenity, nangangalay na yung bisita mo. Patuluyin mo muna" wala na akong nagawa ng tumalikod na si Lola, pero bago pa makapasok si Lola ay agad na nag salita si Stanley.

"Sa susunod na lang po, may gagawin pa kasi ako" magalang na sabi nya kay Lola, agad naman ngumiti sakanya si Lola atsaka sya tumingin sa'kin.

"Serenity, ihatid mo sya sa kanto, baka mapag tripan sya ng mga tambay sa labas" akmang aangal na ako sa sinabi ni Lola ng unahan ako ni Stanley.

"Hindi na po kailangan Lola, nasa malapit lang naman yung kotse ko. At isa pa baka mapag tripan pa sya ng mga tambay" agad naman tumango sakanya si Lola.

"Sige, mag iingat ka" Sabi ni Lola sakanya atsaka sya tumalikod samin, akmang tatalikod na rin si Stanley ng pigilan ko sya.


"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong ko sakanya, hindi ko talaga maintindihan kung bakit nya 'to ginagawa e. Unang beses palang naman namin magka kilala, tapos ano yung sinasabi niyang manliligaw ko daw sya?


Pero imbis na sagutin nya ang tanong ko ay agad nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa "Goodnight, Rain. See you tomorrow" Saka lang ako nakabawi ng malayo na sya sa'kin.


"Oh, anong nangyare sa pisnge mo? At bakit ka namumula? May lagnat ka ba?" Naka kunot noong tanong ni Lola ng makita niyang nakahawak ako sa pisnge ko, agad naman akong yumuko ng maramdaman kong mas lalomg uminit ang magka-bilang pisnge ko.


"A-Ayos lang po a-ako Lola, m-mag papalit lang po ako s-sandali" Atsaka ko nag madaling pumunta sa kwarto ko.

Pagka pasok ko sa kwarto ko ay agad akong tumingin sa salamin at agad kong nakita ang mukha kong namumula dahil sa ginawa ni Stanley.

"B-Bakit nya ako h-hinalikan?" Agad akong napahawak sa puso ko dahil sa sobrang lakas at bilis ng tibok nya, parang lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nya.


"A-Ano itong nararamdaman ko?" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, bakit ganun na lamang kabilis ang tibok ng puso ko ng ilapit nya sa'kin ang mukha nya?

Kanina gusto kong siyang itulak, pero parang nawalan ako ng lakas nang matitigan ko ang mga mata niyang kulay asul.

"SERENITY! BAKIT ANG TAGAL MO? LUMALAMIG NA ANG PAGKAIN!" Sigaw ni Lola kaya agad akong nabalik sa wisyo.

"PABABA NA PO LOLA!" Sigaw ko pabalik, pag kasi hindi ko sinagot si Lola hindi yung titigil sa kaka-sigaw. Inayos ko muna ang salamin ko bago bumaba.


"Bakit po Lola?" Tanong ko kay Lola ng mapansin kong kanina pa sya tahimik. Kadalasan kasi pag kumakain kami kung hindi nya ako pangangaralan, itatanong naman nya kung kamusta ang araw ko sa school, lalo na ngayon na first day of school ko pa naman.


"Wala, parang familiar lang sa akin yung manliligaw mo" Agad naman akong nasamid sa sinabi ni Lola kaya agad kong narinig ang sunod-sunod niyang sermon.


"Jusko, ikaw na bata ka hindi ba't sinabi ko na sayo na mag dahan-dahan ka lang sa pagkain?!" Sabay abot nya sa'kin ng tubig habang hinihimas nya ang likod ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Started With A Dare Where stories live. Discover now