Mundong Mapanlait

1 0 0
                                    


Ang sakit,
Napaka hirap at pait,
Ng buhay na sa akin ay pinag kait,
Parati nalang nasasabihan bg mga salita n kay lagkit

Bakit ganon?
Napakahirap naman ng panahon,
'Yung tama mong nagawa kahapon,
Ay malilimutan kaagad dahil sa pagkakamaling nagawa mo ngayon.

Kaylan kaya nila makikita ang ginagawa kong Tama?
Kaylan Kaya nila masasabi na ako ay mahalaga?
Pag Ako ba ay Wala na sa tabi nila?
O di Kaya'y pag nasa huli na?

Hirap intindihin ang bawat isip ng tao,
Sabay din sa ikot ng mundo,
Minsan okay minsan hindi na bago,
Masaklap pa roon mas masakit silang mag salita  at hindi na makatao.

Ginagawa naman namin lahat,
Ngunit para sa inyo ay hindi sapat,
'Pagkat sa tingin niyo ayos lang sa amin ng lahat,
Kahit ang subra ng hirap.

Wag po kayong mang husga kaagad,
Tanuningin niyo muna bago kayo gumawa ng kwento at ipalakad,
Kami ay ginagawa niyong mali sa harap ng reyalidad,
Dahil ang kwento niyo ay may kadugtung na agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken POETRY Where stories live. Discover now