Episode 25: Angles of the Truth III

16 2 0
                                    

DISCLAIMER:

This chapter is brought about as a courtroom scene. Beware that it is not written professionally nor co-produced by a person expert in law. Also, I used the concept of a jury trial considering the story happens in a classic empire setting. Please, please, please expect that there will be mistakes in terminologies, process, and grammars you will encounter while reading. Please bear with this Dora-the-Explorer writer. The courtroom scene in this chapter will differ from real-world proceedings.  I’m sure you noticed that I am making a whole weird world here so if you happen to be a law student or so, I’m warning you; this should never be a basis to mock trials. The author is not knowledgeable enough to give you a perfect thrill, but at least I’m proud I pulled off a major element of the story’s plot. This is the continuation of the trial of Duke Ryo's case. Enjoy reading. 

****

"Magandang araw sa'yo, Remis," Adleliya's soft voice reigned. "Ako si Adeliya Morgan, at kinakatawan ko ang nasasakdal sa kasong ito. Magtatanong ako sa iyo ng ilang katanungan upang linawin at palawakin ang iyong mga sinabi kanina. Nawa'y sagutin mo ang bawat tanong nang tapat . . ." mahinahong aniya ". . . at sa abot ng iyong makakaya. Kung hindi mo maintindihan ang tanong, huwag mag-atubiling humingi ng paglilinaw. Simulan na natin." She even raised her eyebrows and smiled in the kindest way possible despite the serious atmosphere.

The boy reciprocated her mindful but comfortable stare, and nodded understandingly.

"Nabanggit mong may kalayuan ang tirahan niyo mula sa sinabi mong pinangyarihan ng krimen, hindi ba?"

"Opo." The boy confidently nodded.

"At umaga noong nakita mong may umaatake kay Duchess Liria?"

"Opo."

"Maari mo bang matansiya kung gaano kaaga iyon?"

The boy looked up for a bit before speaking again. "Mga nasa alas otso pa lamang po."

Adeliya sighed as she nodded. "At pauwi na kayo ng kaibigan mo noong may paparating sa inyong kabayo?"

"O-Opo," pinigilan ng binatilyo ang mataranta nang unti-unting bumilis ang pagtatanong ng babae.

"May laman na ang bitbit niyong sako?"

"Oo. Oo po."

"Kung gano'n ay maaga pa pala talaga kayo umalis sa inyo at tumungo sa lugar na 'yon para kumuha ng mga laglag na sanga para ipanggatong?"

"O-Oo po," tila naguguluhan nang pagtango ng binatilyo, hindi malaman kung saang dereksiyon papunta ang usapan.

"Gaano kaaga?"

"Madilim pa ho. Halos hindi pa nagmamadaling araw," pagtatapat nito, lalo lang tumuon sa pagtatanong sa kaniya.

"Madilim pa," patango-tangong tumitig sa kaniya ang babae. "Bakit kailangang gano'n kaaga?"

"P-Po?"

"Bakit kailangan niyong dumayo roon ng gano'n kaaga?"

"K-Kasi po . . ." Napamaang muna ang binatilyo bago nagpatuloy, mahahalata na sa ekspresiyon nito ang pagkalito at pagtataka. "Para nga po kumuha ng kahoy?" patanong nang sagot niya.

Adeliya briefly sighed. "Alam ko iyon. Ang tanong ko'y bakit kailangang gano'n kaaga?"

Natigilan saglit nag binatilyo bago sumagot at bumagal ang pagbanggit. "Para magamit pa ho namin ang mga kahoy sa buong araw. May," he hesitated and swallowed, "Karenderya ho kasi ang pamilya ko."

"Gano'n ba? Bukod pa ro'n," simpleng ani Adeliya.

Lalong natigilan ang binatilyo. Tumikom ito at nagtatakang tinitigan ang babae. Pagdaan ng ilang segundo ay nakapagdesisyon na itong sumagot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Duchess' DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon