"Ikaw na mauna...""Ba't ako! bato-bato pick na lang."
"Tangina! Jan, ikaw na. Ikaw lalaki e."
"Putcha, anong kinalaman ng pagkalalaki ko sa pag doorbell?"
Napairap ako sa mga engot kong kaibigan. Nagtuturuan sila ngayon kung sino ang mag doorbell, nasa tapat kami ngayon ng bahay ni marcus. Grabe, gate pa lang mapapanganga kana sa ganda.
Natigilan ako ng nagtinginan ang tatlo sa gawi namin ni kian.
"Ba't ba tayo nagtuturuan kung nandito yung boyfriend?" si kisha na pinariringgan ako
Bakit ako, 'di pa naman ako boyfriend. Wala pa nga kaming label.
"Ivo, ikaw na. Baka mabadtrip pa yung isang 'yon kapag kami ang naabutan dito." si jan, na tumabi ngayon kay kian at umakbay. Kita ko naman ang pag-alis ni kian doon. Pero binalik lang ni jan kaya wala na rin nagawa yung isa
Pagkatapos ko kasing sabihin sa kanila yung about sa'min, niyaya ko na rin sila na sumama sa akin dito. Hindi naman sila tumanggi, bukod sa curious sila sa bahay ni marcus. Gusto rin nilang makita kung okay na ba talaga kami.
Hindi na kami nagpasundo kasi masiyado kaming marami, nakakahiya naman. Nagbigay na lang ng location si Marcus at iyon ang sinundan namin.
Malayo ito sa bayan at pailan-ilan na lang ang makitang mga bahay dito dahil puro mga factory at mga mahahabang palayan na ang nandito.
Kaagad din namang makikita itong bahay nila dahil sa kahabaan nito, nag-iisang napakalaking bahay din.... Or mansion?
Hinila ako ni kisha sa harap, katapat ng doorbell... Takte! pati ako kinakabahan.
Pinindot ko iyong button at matic na nag-ingay iyon, sa gulat at kaba ko ay napabalik ako sa puwesto namin.
Para tuloy kaming tangang lima dito na tabi-tabi at naghihintay na pagbuksan.
Uulitin ko pa sana pero bigla na iyong nagbukas kaya naiwan ang kamay ko sa ere.
"Ay kayo ba iyong bisita ni yvan?" ani nung may katandaang lalaki na nagbukas ng gate sa amin
Teka, namumukhaan ko siya. Tama! siya iyong family driver nina marcus. Kahit alam kong hindi niya ako kilala ay naiilang ako. Sa kaniya ko pinaabot yung letter ko. Nandito pa rin siya at nagtatrabaho sa kanila. Posible kayang naibigay niya iyon kay Marcus?
At Yvan? mas tinatawag din pala siya sa second name niya. Parang si nanay lang kapag nasa bahay ako.
"Ahmm...Magandang umaga ho!. K-kami nga po. Nandiyan po ba siya sa loob." magalang kong sabi
Binukas naman niya ng malaki ang gate at minuwestra na pumasok kami, na siyang ginawa namin
Pagtapak pa lang ng paa namin sa loob ay binalot kami kaagad ng malamig na sariwang hangin. Ang ganda! sobrang ganda dito sa kanila. Maraming mga halaman sa hardin nila, ang malaking bahay na nasa gitna ngayon ay parang nagningning sa mga mata namin.
"Nandiyan s'ya mga iho at iha. Pasok kayo at hintayin niyo na lang sa loob." napabalik ang isip namin sa biglaang salita ni manong
Nauna namang pumasok si manong at tahimik kaming sumunod sa kaniya.
Nang nasa tapat na kami ng pinto ay narinig ko ang bulong nila
"Kaya pala hindi ka maka move-on, Ivo. Jackpot ka naman pala talaga teh!" boses ni kisha
Sinamaan ko siya ng tingin... "Baliw, hindi ko nga alam na ganito kalaki ang bahay nila." totoo iyon, ang alam ko lang kasi ay may apartment na tinutuluyan si marcus noong highschool. Ang buong akala ko kasi nasa ibang bansa ang bahay nila at pansamantala lang dito. Saka malayo ito ng kaunti sa bayan, at sa school namin nung elementary at highschool. Lalo naman ngayong College.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...