Lahat naman tayo, nakakaranas tuwing bagong school year ay nakakakilala at nagkakaroon ng bagong kaibigan, bagong kaaway at kung madalas ay taong hinahangaan o crush.
People says crush is paghanga. Yung kapag may isang katangian ng isang tao na nakakuha ng atensyon mo; yung kapag pogi siya o maganda; sporty o kaya ay talented. Ito yung tipo ng crush na sinasabi nilang attracted ka lang.
Yeah, attracted.
I remember nagkakaroon ako ng crush, simula elementary, kung hindi ako nagkakamali ay Ralph ang pangalan niya. Bakit ko nga ba siya naging crush? Kasi magaling siya mag volleyball at pogi, yun lang. No other reasons. Edi attracted.
Syempre kung may elementary crush meron ding highschool crush. Oh nung grade 7, nagkacrush ako kay Angelo kasi... kasi mabait siya sa akin, tapos matangkad siya. Nung grade 8 naman, nakilala ko si Andrie edi panibagong crush naman. Eh paano ba naman, sobrang galing niya magdrawing tapos marunong pang mag-nihongo. Edi ayun, crush nanaman kasi attracted.
Lalo na sa senior high.
Ang new chapter sa buhay ko.
A chance to improve, mapatunayan ang sarili ko at mas makilala pa ang sarili ko except, that deep down. Kinakabahan ako dahil alam kong hindi na magiging simple ang mga kakaharapin ko.
Pero sabagay ang buhay naman diba, parang isang nobela? Magulo, may mga journey, unexpected turns and encounters na yung tipong makikita mo na lang ang sarili mo na halos hindi na makahinga sa sobrang saya o kaya ay sa kawalan ng pag-asa.
Ito na nga, ako yung tipo ng babae na mas prefer ang tahimik lang, observer, yung parang nag-eexist nga pero parang hindi. Kasi? Wala naman sa akin na nakakakita, walang namamansin. But nagbago bigla ng tumungtong ako sa senior high. Nakilala ko siya.
The first time I saw him, grabe. Para siyang magnet at isa naman akong bakal. Tipong pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng room, 'matic napunta sa kanya ang atensyon ko.
Para bang for a moment, huminto ang oras, maging ang pagbuhos ng ulan at tumahimik ang lahat. It's as if my world stop at siya lang ang nakikita ko. Nakatayo siya sa kaliwang bahagi ng room. Laglag ang itim niyang buhok na umaabot sa kanyang kilay, pormahang koreano na tumerno naman sa hugis ng kanyang itim na itim na mga mata. He's wearing black leather jacket, white shirt and black pants na sumakto naman sa itim na kulay ng face mask na kanyang suot. Idagdag pa ang boses niya, when he spoke, hindi matinis hindi rin malalim nasa gitna siya, sakto lang. Sakto lang para iduyan ako sa pagkakahimbing.
He was the exact opposite of me: bold, carefree, and undeniably handsome. He was a mystery wrapped in a leather jacket, and I was instantly drawn to unravel him.
My heart skipped a beat, a blush creeping up my cheeks, spreading like wildfire.
Hindi ko maialis ang titig ko sa kanya, my heart pounding in my chest. He was so captivating, drawing me in with an invisible thread of curiosity.
Curiosity na parang, hala may mga tao palang katulad niya. Ang katulad niya ang tipo ko pagdating sa lalaki: confident, popular, and undeniably handsome.
Hanggang napagtanto ko na, crush ko siya.
Oo, crush ko siya.
Hanggang sa I learned a lot about him. That he's a taekwondo player, a certified sporty boy whose favorite color were black and gray. Academic achiever indeed. He's the person who loves having a nightwalk. Talkative to the person he's close with. Playful kahit hindi halata. Loves cars and motors. Drinking coffees and more.
There's a lot of things I learned but still had a lot to learn.
Dahil para sa akin, para siyang isang libro. Isang libro na puno ng mga salita na hindi ko maintindihan pero at the same time parang naiintindihan ko din . Tuwing nakikita ko siya parang isa sa kabanata sa buhay niya ang nagbubukas at patuloy na isinusulat. Ang kabanata na kailangan, na alam ko sa sarili kong gugustuhin kong malaman.
And for the very first time in my life, napatanong ako sa sarili ko, "Crush lang ba talaga?" or is that feeling grew to the point that I wanted to be more than just an observer. I wanted more, I wanted to be part of his story.
All because I was not just attracted to him.
It was all because I was captivated by Shaun.
YOU ARE READING
Captivated
Teen Fiction[SENIORHIGH PART I] Meeting him was a mistake. Wanting to be close to him was a bigger one. And falling for him? That was the worst mistake of all. *** Language: Tagalog/English Date started: 10/12/24 Date finished: