04

26 1 0
                                    

Tristan's point of view:

"Oh bro, napapunta ka?!"

Hindi ko kinibo si Kramer at pumasok lang ako sa condo niya. Araw ngayon ng Sabado kaya wala kaming pasok. Wala sa plano ko pumunta dito pero dahil sinabi na sa' kin ni Mère ang araw na pinakayokong mangyari kaya napapunta ako dito. Kailangan ko ng taong makakausap!

Nag-taxi nga lang ako papunta dahil hindi ako marunong mag-drive. Wala eh, kahit na mahal ang bayad sa taxi, pinilit ko pa rin na pumunta dito kay Kramer, may pera naman ako eh, nakakapanghinayang nga lang.

"Bored sa bahay, walang magawa!" Umirap ako matapos kong maupo sa sofa.

"Why? Wala ka din naman gagawin dito eh, boring din." Sabi niya at naupo sa tabi ko.

Hindi ako nagsalita at bumuntong hininga lang, iniisip ko ang mangyayari mamayang gabi. Umaga pa lang kagising ko, sinabi nga ni Mère na mamayang gabi daw makikilala ko na ang ipapakasal nila sa akin.

Last year ko pa alam ang tungkol doon sa engagement na yon kaya naman bawal ako magkaroon ng girlfriend, pinagbawalan na ako nila ni Père, baka ma-inlove daw ako at mahirapan mag-moveon kaya bawal.

Hindi pa naman din agad-agad yung kasal, ang bata-bata ko pa! Four years pa naman ka-graduate ko pero ang sabi nga nila Mère mas mabuting makilala ko na yung babae para hindi na ako mahirapan mag-adjust sa kanya, dapat ngayon palang developed na ang relasyon namin.

"May problema ako, bro." Pagpapakatotoo ko.

"Mmm?" He looked at me, waiting for me to say something.

"Di' ba alam muna yung sa engagement na sinasabi ko sainyo?" Kinagat ko ang ilalim ng aking labi habang nakatingin sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "So what? Hindi ka' ba excited?" Natawa pa si Kramer.

"Hindi ako, kinakabahan ako na baka hindi siya maganda." Tumawa ako, nakuha ko pa magbiro kahit sa loob-loob ko sobra akong problemado sa hindi maintindihan dahilan.

Wala akong tuwang nararamdaman, hindi ako natutuwa, walang excitement, parang may mabigat sa akin, iba ang pakiramdam ko.

Pero mawawala lang siguro kung maganda nga siya, mamadaliin ko na ang kasal!

"Oh come on, Tristan! Ang negative mo bro eh, stay positive men!" Pag-comfort niya at tinapik ang balikat ko.

"Tumatawa ka' pa! Seryosohan na to!" Inis na sabi ko.

"Nakakainis! Bakit sila pa ang kailangan na mamili ng taong mamahalin ko, forcing na yon ah!" Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang stress.

"That's difficult." Wika niya at naramdaman kong tinapik-tapik ulit niya ang balikat ko.

"Seryoso, naiinis ako sa parents ko!" Sabi ko pa habang nakatakip pa din nga ako sa mukha ko.

"Bakit kailangan sila ang mamili ng taong gusto kong pakasalan? Buong buhay ko na ay hinayaan ko silang magdesisyon para sa akin, bakit pati ba naman ngayon matanda na ako wala pa din akong katapat mag-isip at desisyon para sa sarili ko?!" Pagrarant ko kay Kramer at halos maging rapper na ako sa sobrang bilis ng pagsasalita ko.

Hindi siya nagsasalita kaya umayos ako ng upo at tinignan ang kaibigan ko, mukhang hindi din niya siguro alam ang sasabihin sa akin dahil mahirap talaga, wala din naman siyang magagawa!

"Mahirap yong ganon, brads! Wala ka kasi sa sitwasyon ko kaya madaling sabihin eh." Pagpapatuloy ko para naman magsalita na siya, kailangan ko ng taong magaling mag advice at wala na akong maisip kung hindi siya.

Kapag may mga problema ako mas pinipili kong sabihin kay Kramer, magaling siyang mamayo, kaya hindi ko din mapagkakaila na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya bukod sa may itsura din naman siya.

Love From The Unexpected (#1)Where stories live. Discover now