..
Daniel
Dahil sa sinabi ni Cole ay palagi na akong nag-iisip. Gusto kong maniwala na ayaw ko. Eh? Basta ganon! Pero kung masasaksihan ko o napatunayan ko na pumapatay nga si Caile, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.
Hindi ko yata matatanggap yung ganoon? Like, oo may mga bad sides tayo at inaamin kong isa ako sa mga taong may bad sides, masama rin ang ugali ko pero hindi to the point na papatay ako.
Ilang araw na yung lumipas at sabado ngayon, balak kong pumunta sa burol ng daddy nila Caile, I'll just pretend to be his secretary? Sa katawan kong ito hindi ko matatawag na bodyguard ang sarili ko.
"Wilbert, ano sa tingin mo dapat kong suotin?" Tanong ko kay Wilbert, yung bodyguard na binigay sa akin ni Cole para bantayan ako.
"You're really want to punta there? Then, wear a formal suit, para mas effective your pretending ba." Sagot sa akin ni Wilbert habang hindi siya gumagalaw sa isang tabi.
Nandito ako sa salas ng bahay nila Mang Karo, kaming lang dalawa ni Wilbert nandito. Nasa site sa batangas kung saan siya ang engineer habang si Kyleen ay may saturday class daw.
Saka baka dumugo ilong ko dahil kay Wilbert, sabi ko naman mag tagalog siya minsan dahil baka mahilo na talaga ako rito. Nag-tagalog nga siya, pero mas lamang naman yung english.
"Eh kaso nga wala naman akong damit na ganon." Nabuburyo kong sagot sa kaniya at isinubsob pa ang mukha sa maliit na lamesa.
"It's so simple, let's bili na lang." Saad niya at tumingin sa akin na may malaking ngiti kaya napaayos ako ng upo.
Sa ilang araw kong kasama si Wilbert ay bihira lang magpakita ito ng emosyon. At isa sa rason bakit siya nagpakita ng emosyon ay ito, ang shopping. Parang ang bumubuhay sa natutulog niyang dugo ay salitang "shopping".
"Ay hala ayaw kong gumastos, yung allowance ko for month tinitipid ko. Ayaw ko pa humingi sa mga magulang ko." Sabi ko sa kaniya at napakiling ang ulo ko dahil hindi napatid ang ngiti niya.
"My treat." Aniya at ipinakita ang black card niya kaya napaawang ang labi ko.
"Ohh totoo?? Hindi ko tatanggihan yan!" Masaya kong sabi at dali daling tumayo.
"Then, let's go!"
..
"Ayy sa tingin mo bagay sakin to?" Tanong ko kay Wilbert habang hawak ang ibinigay niyang suit para i-try ko raw.
"Ang swerte niyo naman po sa amo niyo, binibilhan pa kayo ng suit." Bumungisngis ang saleslady kaya napatingin ako sa kaniya.
"Anong sabi mo? Mukha ba akong alalay nito?" Nakangiwi kong tanong don sa babae kaya napatigil ito.
"Ay hindi po ba? Edi jowa niyo po?" Tanong nung babae kaya napasampal ako sa noo ko at hindi na lang siya sinagot.
Sinulyapan ko na lang si Wilbert at sinabing isusukat ko na itong binigay niyang suit. Habang naglalakad ako papunta sa fitting room ay narinig kong sinabi ni Wilbert na bodyguard ko siya at ayun narinig kong gulat na gulat si anteh mo.
Buset na yun! Sabi na eh, mapagkakamalan akong alalay ni Wilbert. Bakit kasi ganoon kaga-gwapo ng bodyguard ni Cole, napansin ko yun nung nasa mansion niya ako tapos yung mga maid ay magaganda rin, maliban sa mayordoma na may katandaan na at halatang galing probinsya.
Don't get me wrong ha, hindi ko naman sinabing pangit yung mayordoma, ang sa akin lang hindi katulad nung mga kasambahay na halatang dalaga at litaw na litaw ang ganda nila.
"Ohh you don't look good on that, why don't you just take off the blazer?" Suggest ni Wilbert habang nakangiwi.
"Sabi ko naman kasi sayo eh." Nangingiti kong sabi saka tinanggal ang suit, ngayon naka white polo ako na may black vest sa ibabaw nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/362120412-288-k519381.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia's Psychopathy [BxB]
ActionMafia Series #4 : The Mafia's Psychopathy Caile × Daniel ⚠️Credits to the real owner of the photo⚠️