6

1 0 0
                                    

Risa's POV

Wews nakapag story na may kasamang ibang babae pero di ma like yung post ko? Ganern.

Nab-bwisit na talaga ako kaya nakipag kita nalang ako kina imee at loren sa Starbucks

"Bakit nakabusangot yang mukha mo" turo ni imee sa mukha ko dahil hindi ko matago yung bwisit ko "wala" sagot ko pero alam nilang may nangyareng hindi kanais nais

"Lalaki nanaman ba 'yan ha?" Tanong ni loren at umiling ako agad kahit gusto kong sabihin sa kanila ay 'di muna ngayon

"Babae?" Napatingin ako kay imee habang nanlaki ang mata ko at napapitik sa daliri si loren

"So babae nga?!" Ani loren

"Sino naman 'yan ha?" Imee

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil alam kong hindi na nila ako tatantanan

"Ok, dalawang beses pa lang naman kami kumain sa labas pero hindi 'yun date dahil nagkataon lang." Paunang kwento ko

"Oh tapos?" Sabay nilang sabi

"Alam nyo yun siguro feelingera lang ako dahil lahat may meaning sa'kin kadeluluhan ko rin siguro kase tagal narin nung huli akong nakipag date" nagdadalawang isip pa ako ituloy

"Kase sa tuwing maghihiwalay na kami parang gusto n'ya rin na may next time pa" kwento ko pa kinagat ko ang labi ko dahil medyo nahihiya

"Crush mo s'ya?" Tanong ni loren

"Siguro" sagot ko naman

"Hindi pwedeng siguro!" Nagulat kami pareho ni loren dahil sa ingay ni imee hinampas n'ya pa ang mesa nag cost tuloy ng ingay nakakahiya.

"Kalma baks nasa Starbucks tayo baka nakakalimutan mo" pinakalma s'ya ni loren

"Aaminin ko maganda s'ya minsan nga ang pogi n'ya ring tignan eh" pag amin ko sa kanila

"The fact na you her attractive 'di malabong crush mo nga s'ya" ani loren at nainom

"Kaya nga, alam mo kase ang mga girls kapag nakakakita ng maganda ang nararamdaman nila is insecurity, kung 'yung sa'yo ay kabaliktaran may chance na baliko karin tulad nito" turo ni imee kay loren

"Teka sino ba 'yan?" tanong ulit ni imee hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba o ano eh

"Sige, ganyanan ahh, lahat sinasabi ko sainyo ha" nagtatampong si loren

"Eh kung hindi pa nga namin pinilit na sabihin mo sa'min 'di ka aamin eh" sabat ni imee at nag irapan sila ng mata

"K, fine" napa pikit ako at huminga ng malalim

"Si leni" tinignan ko silang dalawa nang maigi at nag hihintay ng sagot

"Type mo? Oo o hindi lang ang sagot" nakataas pa ang kilay ni imee nang tanungin n'ya 'yon

"Oo" mariing sagot ko

"Yun naman pala eh! Bakit 'di ka mag first move?" Ani loren

"Hinihintay ko text n'ya, gusto ko s'ya unang mag aaya" nakabusangot na sagot ko

"What if naghihintayan lang kayo?" Ani loren

"Hindi, kase busy 'yon posibleng dumadaan ako sa isip n'ya" mas lalo akong nalungkot sa isipin kong 'yon

"Alam mo mag movie marathon nalang tayo kalimutan muna natin 'yan at mag hintay ng text n'ya" aya ni imee sa amin

Pumunta kami sa bahay ni imee at doon nag palipas ng oras bumili rin kami ng mga can beer at mga chips para mas masaya dahil pang heart broken ang panonoorin namin. After ng movie ay mugto ang mata ni imee si loren naman ay naluha lang at ako naman ay hindi gaano

To Have Me 2 YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon