Chapter 1
Nagmulat ako ng mata at bahagya kong inayos ang buhok ko. Nakita ko naman na nakaupo si Aika habang sinusuklay ang mahabang buhok nya.
Hindi man lang ako ginising ng batang 'to. Badtrip!
May kumakatok sa labas, si kuya lang naman ang gumagawa nun. Kapag kasi wala syang pasok siya na ang naghahanda ng umagahan namin.
"Amara, gumising na kayo. Tanghali na!" sigaw ni kuya.
Agad ang pagtayo ko. "Opo kuya, gising na po kami." sagot ko naman. "Aga magising ah? Excited masilayan si crush?" pabiro kong saad kay Aika.
"Wala po akong crush 'te." iritableng tugon naman nya.
"Luh, Maldita yarn?"
Tumawa sya bago magsalita. "Kanino ba magmamana e sa'yo." sinamahan nya iyon ng pag-irap.
Inayos ko ang higaan namin at inihanda na ang unipormeng susuotin namin. Pinauna ko na munang maligo si Aika dahil plinantsa ko pa saglit ang uniform ko. Nakalimutan ko kagabi, nagdrama kasi ang kapatid ko.
"Tipirin mo yan ha..." sabay abot ni kuya Aidan sakin ng isang libong piso.
Nakakahiya na kay kuya na lagi na lang siya ang nagbibigay para sa matrikula ko. Buti na lang talaga at naka pasok na ako sa whisk & whisky, Makakatulong na din ako sa mga gastusin dito sa bahay kahit papa'no.
Kinuha ko ito sakaniya at inilagay sa wallet ko. Hindi naman ako magastos, binibili ko nalang muna ang mga gamit na kakailanganin ko at hindi para sa sariling luho. Kung may balak naman akong bilhin ipinapaalam ko muna kay kuya.
I smiled. "Salamat po kuya, sana may next time pa." biro ko.
"May next time pa talaga kapag mag-aaral ka ng mabuti," He added. "Si Russel pala kanina pa sa labas naghihintay."
Naalala ko noon madaming nagtatanong sa pangalan ng kuya ko, habulin siya ng mga babae. Matangkad siya at may kaputian, nakuha niya kay tatay ang pagkakaroon ng makapal na kilay at ang tangos ng kaniyang ilong.
Hindi ko ba alam kung nagkaroon na ba siya ng girlfriend, close naman kami pero ni minsan ay hindi siya nag kwe-kwento tungkol sa babae.
Nagpaalam na kami kay kuya at agad ding lumabas, kanina pa yata naghihintay roon si Russel. Habang papalapit kami ay nakita ko agad si Russel na nakatayo habang may tinitignan na kung ano sa kaniyang cellphone.
Nakasuot siya ng uniporme at kapansin pansin ang mapula niyang labi, nasuklay din ng maayos ang bagsak niyang buhok. Mukhang good boy!
Natural na siguro ang pagkakaroon nya ng mapulang labi dahil hindi ko naman siya nakikitang may pinapahid roon.
"Hi kuya Russel, magandang umaga po!" Aika greeted him.
Mukhang nagulat pa sya sa pagdating namin dahil agad ang pagtayo nya ng matuwid.
"Mabuti pa ang kapatid may good morning sakin, e 'yong isa kaya diyan?" naka nguso nitong saad.
"Sino ka ba para batiin ng magandang umaga? ikaw ba ang teacher ko?" singhal ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang aga para magsungit, Mara."
"Daming ebas, tara na baka malate pa tayo.” banggit ko.
Binitbit ni Russel ang lunchbox ni Aika at ang bag nito, gusto pa nga niyang bitbitin ang bag ko ngunit tumanggi ako. Hindi naman kasi sobrang bigat dahil kaunti lang ang laman.
Malapit na kami palabas ng iskinita ng napansin ko na kanina pa naka focus si Russel sa cellphone niya. May hinihintay yata siyang text or tawag siguro.