Chapter 2
Abalang abala talaga sya sa pagpindot ng cellphone nya, hindi nya nga man lang namalayan na iniwan na pala siya roon ng mga kaibigan nya.
Nakapamulsa na lumapit sakin si Clint habang nakasunod naman ang isa sakaniya.“You're name is Amara right? if I'm not mistaken.” nakangiting tanong nya.
Huwag ka ng ngumiti alam kong nakakamatay yan. Mabungi ka sana!
Lumunok pa ako ng dalawang beses bago sumagot sakaniya. Matagal tagal na din noong huling usap namin.
“Ahh, oo ako nga.” mahina na sagot ko.
Bryle stepped forward. “May nakapagsabi kasi samin na nagtu-tutor ka raw?”
Umatras ako ng kaunti dahil sobrang lapit sakin ng mokong. “Where did you get that info?” mataray na tanong ko.
Saan ba nila nakuha yan, ang tagal ko ng hindi kumukuha ng client simula noong pinagbawalan ako ni kuya. Ang pinagtataka ko, sino ang nagsabi sakanila?
Clint smiled before he spoke. “What's her name again, bro?” pinitik pitik pa nya ang daliri habang nagtatanong sa kaibigan na halatang hindi din alam ang sagot.
Napakamot sa batok si Bryle. “Sorry, I forgot.” he laughed sarcastically.
Umirap ako sa dalawa bilang tugon. “Matagal na akong hindi kumukuha na clients kaya sa iba nalang kayo magtanong.” I said bluntly.
Ihahakbang ko na sana ang paa ko para tumalikod sa dalawa ng harangan ako ni Clint.
“Wait, don't leave.” seryoso ang mukha nyang nakatingin sakin.
“Bro, come here!” he call out the guy. “Hindi naman kami ang may kailangan sayo, si Terrence.” saad ni Bryle habang nakatingin sa gawi ng lalaki.
Tama nga ako. Ang lalaking yan ay si Terrence, pero tangina wala ba talaga siyang balak tumingin dito para makita ko ng buo ang pagmumukha nya.
Hindi rin naman nabigo si Bryle dahil agad ang paglakad ng lalaki papunta samin pero ang loko ay nakatingin sa baba habang naglalakad, noo lang tuloy ang nakikita ko.
Itininaas nya na ang kaniyang ulo kaya napagmasdan ko ng mabuti ang mukha nya.
He's walking smoothly, para tuloy siyang male actor sa isang kdrama.
His appearance appalled and fascinated me. His eyes were sunken too and his nose was prominent.
Nakarating na siya sa kinaroonan namin pero hindi pa rin nagtatama ang mga mata namin. Akala ko naman kasingtangkad ko lang siya pero mas matangkad pa siya sakin ng isang dangkal. Infairness, guwapo siya katulad ng naririnig ko sa iba.
Ang puti pala nya tapos kapag malapit pala mas namamayani ang kaguwapuhan. Ang kapal din ng kilay nya at mahaba ang mga pilik mata. Kung tutuusin papasa na siyang model sa isang magasin. Mukha nga lang masungit na parang arogante.
Amara, don't judge the book by it's cover daw.
Naka kunot ang noo niyang bumaling sa mga kaibigan, parang iritable. “Why did you call me!? Can't you see I'm busy.” he muttered through clenched teeth.
Clint coughed. “Siya iyong sinasabi ng babae kanina na pwedeng magtutor sa nephew mo.” paliwanag ni Clint.
Babalingan na ako ng tingin ng lalaki ng agad ang pag iwas ko. Kunyare nalang tumitingin tingin sa paligid.
Nagbuntong hininga pa sya bago magsalita. “You!?” takang tanong nya kaya agad ang pagtingin ko sakaniya ng diretso.
Hindi ko alam pero sa paraan ng pagtingin nya ay parang unti unting nanlalambot ang tuhod ko. Parang pamilyar.
![](https://img.wattpad.com/cover/378512359-288-k642661.jpg)