Its been a week nung umalis kami sa bahay na yon,may sarili akong condo binigay sakin ni dad para daw hindi ako mahirapan sa pagpasok at alam din nyang hindi kami magkasundo ng bago nyang asawa hindi ko maiwasang isipin pano kaya kung hindi nangyari yung pangyayaring yon siguro nandito sya hindi siguro ako mahihirapan ng ganito lalo na ngayon hindi ko alam kung paano ko matututukan si theo alam kong hindi na sya sobrang bata pero hindi ko alam kung gano katagal ko kayang ihandle ang pagbalik ng trauma nya.Hindi naman ako magkakaron ng problema sa financial dahil bago mamatay si dad iniwan nya samin lahat ng mga pamana nya at hindi na ko nagtaka kung bakit wala syang iniwan sa bago nyang asawa.Theo had a trauma because of what happened of dad he see's everything mabuti na nga lang hindi sya nagalit sakin ni minsan hindi nya ko kinamuhian "Ate" napatigil ako sa pagiisip ng marinig ko ang pagtawag ni theo nasa rooftop ako ng condo dahil mas gusto ko dito lalo na kapag may iniisip ako gusto ko laging nakikita yung mga star at ang mga ilaw ng buildings sa paligid namin."hmm"pagtugon ko habang nakatalikod pa din sa kanya "You have visitors po ate"napatingin ako sa kanya at agad kong napansin na hindi na nya suot ang specs nya nagising siguro sya at hindi ko napansin na may nag doorbell na pala"uhh okay sorry nagising ka ba dahil sa doorbell?"tanong ko habang lumalapit sa kanya matangkad si theo halos magka height lang kami kaya lagi kaming napapagkamalan na magka edad lang"no ate i was about to sleep pa lang po"i ruffled his hair and smile at him"okay go to your room na.did you drink your milk? Natatawa ako sa kanya kasi ayaw na daw niya na umiinom non at pinagtitimpla ko pa sya kahit kaya naman nya pero kapag hindi naman siya uminom siguradong hindi siya makakatulog"yes po ate"he cutely smile at me"then sleep na and dont read your books you can do it tomorrow naman i will check you mamaya okay"ngumiti sya at pumunta na sa kabilang kwarto nagsimula na din akong bumaba para tingnan kung sino yung dumating at pagbukas ko ng gate"HAPPY BIRTHDAY!!!"nagulat ako nang may biglang sumigaw sa pinto akala ko wala ng tao dahil sa paguusap namin ni theo hayst nandito na tong mga to at birthday ko nga pala ngayon nakalimutan ko dahil sa mga iniisip ko at kahit isa naman kasi sa kanila walang bumati kaya akala ko normal na araw lang its past 6:00 pm pa lang naman at ang nandito sa harap ko ay ang mga nakakalokong ngiti ng mga kaibigan ko."happy birthday to you,happy birthday to you,happy birthday,happy birthhhhdayy,happy birthday tooo youuu~~"pagkanta ni nash habang may hawak na strawberry na cake at may party hat pang suot tapos ang iba pang kasama niyang bubuyog ay sumasabay habang pumapalakpak kahit na hindi sila magkanda ugaga sa mga dala nila.Si jake,neil,rovic,harv ay may mga hawak na regalo sa pareho nilang mga kamay samantalang sina frich,jm,rr naman ay may mga dalang bulaklak tig iisa pa silang bouquet ng tulips pero magkakaiba ng kulay si inigo naman ay may hawak na malaking stuff ni stitch habang si achi naman ang may hawak kay snorlax"happy birthday raven anong muka ba yan ang panget naman"nakakunot noong tanong ni rr."ano ba yan sobrang corny nyo naman"pagsusungit ko pero tinawanan lang ako ng mga bubuyog na to"alam naming naiiyak ka na wag ka nang mahiya samin"pagdagdag pa ni rr"pwede bang papasukin mo na kami ang bigat kasi nitong mga dala namin e"pagrereklamo naman ni nash na nakangiti pa din at sinang ayunan pa ng mga kasama"sige na nga pumasok na kayo baka mahamugan kayo at mas lalo pa kayong maging isip bata" binuksan ko ng malawak ang gate para makapasok silang lahat ng maayos"ha?anong connect non?"pang aasar naman ni jake kaya nung siya na yung papasok sinarhan ko yung gate"huyy teka lang raven ikaw naman hindi ka mabiro may dala nga akong regalo sayo hehe" kamot ulong pagsagot ni jake habang nakangiti muka namang aso"bigyan mo ko ng dahilan para papasukin kita dito"paghahamon ko sa kanya"luh di ba tropapits tayo hahaha ikaw naman tsaka para namang hindi mo ko crush"pagtawa nya habang sinusubukan akong kilitiin sumabay naman sa pagtawa ang ibang bubuyog"ang asim mo naman"pagtawa ko at saka binuksan ang gate"huy hala crush mo nga ako hahaha sabi ko na e"nagtawanan naman kami dahil sa pagseryoso bigla ni jake ng muka at dahil nakita namin siyang parang namumula"yuck asa ka naman para kang sinampalukan"pagtawa ko ng malakas dahilan para hawakan niya ang dibdib niya na parang nasaktan"buti na lang kasi hindi ko alam kung pano sasabihin sayong mas maasim ka kasi hindi ka naliligo"lalo naman silang nagtawanan dahil inasar na naman nila ako e sa ayaw kong maligo pag malamig e hello malamig nga e!!"pikon na yan hahaha"pang aasar ni nash dahil tiningnan ko na sila ng masama"akala ko ba birthday ko?umalis na nga lang kayo binubwisit nyo lang ako"nagsimula na kong maglakad papunta sa sala at hindi sila pinansin"eto na nga happy birthday nag isip pa naman kami ng plano tapos tatarayan mo lang kami iba ka talaga"dagdag ni rovic"oo nga tsaka ayaw mo ba ng ice cream may dala kami dito oh"sabay sabay pa nilang pinakita sakin ang limang box na ice cream na avocado flavor hindi ko naman naiwasan ang pag ngiti ko dahil wala talaga silang nakalimutan sa paborito ko kaya naman walang dahilan para magsungit hahaha"hmm sige akina yung ice cream ko"akmang kukunin ko na ang ice cream na hawak ni rr pero nilayo niya yun sakin at tinaas pa"abutin mo muna"hayst eto na naman tumingkayad naman ako para abutin yon pero hindi ko maabot kaya naman tumalon ako pero aksidente ko namang natapakan ang paa ni jake at nung umaray siya nagulat ako at biglang natumba sa sofa kung san nakaupo si nash buti na lang nasalo niya ko"okay ka lang?"pagtanong niya pero parang may napansin ako sa kanya iwas na iwas siya tumingin sakin"uhh okay lang"hindi ko alam pero parang kahit ako medyo nailang,tumayo na ko at kunwaring nagpagpag"nakakailang birthday ka na pero hindi pa din nadagdagan height mo"biglang banat ni nash"pake mo ba dala dala ka pa ng cake akala ko pa naman hindi mo ko aasarin!"ngumiti naman siya dahilan para makita ko ang dimples niya.Si nash matangkad,mistiso,medyo may pagka singkit siya pero hindi masyadong halata nagsusuot din siya ng specs minsan pero ngayon hindi niya suot yon siguro naka contact lens siya ngayon napansin ko din na black yung lens niya pero kapag naka specs siya hazel brown ang kulay ng mata niya naka white polo at black shorts sya ngayon palagi kong napapansin ang dimples niya kapag magkasama kami at naguusap kahit ngumiti lang siya ng kaunti magpapakita na yon may kakapalan din ang kilay niya medyo curly din ang buhok niya matangos ang ang ilong at mahitsura siya kaya hindi ko matatanggi na madami talagang magkakagusto sa kanya dahil muka siyang approachable tingnan matalino magaling kumanta at higit sa lahat may respeto sa babae pero torpe hahaha"may sakit ka ba?"natauhan ako ng dinampi ni rr ang palad niya sa noo ko"h-ha wala"saka ko lang napansin na nakatingin pa ko kay nash"bakit parang namumula ka?"pag usisa niya"wala okay lang ako tara na nga lang kumain mamaya ko na lang kakainin yung ice cream tutal akin naman yan"umiwas na ko ng tingin kay nash at ngumiti.Si rr naman ang tiningnan ko matangkad din siya mapusyaw ang kulay ng balat may maliit na taling sa gilid ng ilong may kakapalan din ang kilay at brown ang mata hindi katulad ni nash bagsak ang buhok niya at medyo tumatama na yon sa mga mata niya pointed ang ilong at hindi din kagaya ni nash,napakaingay niya at makwela parang walang pinoproblema sa buhay pero kapag hindi siya ngumingiti at hindi siya kilala ng taong nasa paligid niya masungit siya tingnan marami din ang nagkakagusto sa kanya pero natatakot naman sa hitsura ng mukha niya kapag hindi nakangiti magaling din siya kumanta nakasuot lang din siya ng blue shirt at black shorts"kahati mo ko diyan syempre ako nagbigay niyan sayo"pag ngiti niya ulit sakin "nag ambag ako ng 100 diyan kaya hati din ako"pagsingit naman ni neil.Si neil naman matalino sa science natatandaan ko pa nung high school palaging siya ang nilalaban ng section namin.Matangkad din siya at singkit maputi bagsak ang buhok makapal ang kilay at may taling sa gilid ng sintido mabait siya pero kapag si rr ang madalas na kasama niya nahahawaan siya ng kalokohan."oh eto"napatingin naman ako kay jm dahil inaabot niya sakin ang isang mangkok na nilagyan na pala niya ng ice cream napangiti naman ako at kinuha yon.Si jm ang pinaka nonchalant sa lahat pero magugulat ka na lang kapag isa samin ang may problema nandyan agad siya para pag usapan kung anong dapat pag usapan hindi siya mahilig magsalita pero hindi siya boring kasama may similarity siya kay theo na mahilig magbasa lahat na lang ata ng history books binabasa niya kaya magkasundong magkasundo sila ng kapatid ko mahitsura din si jm maganda din ang boses niya kapag kinausap mo siya hindi mo maiiwasang hindi tumingin sa kanya sobrang attractive ng muka niya at soft spoken pa naka black shirt at black shorts siya kaya kitang kita ang kaputian niya hindi ko nga alam kung lumalaklak ba to ng gluta o ano tinalo pa kakinisan ko te palong palo gustong gusto ko sa kanya yung kapag tiningnan niya ko sa mata alam na niya kung may problema ba ako o mabigat ang pakiramdam ko kaya niya siguro inabot sakin yung ice cream"bro ano may ambag ka ba bat mo binigay"mapang asar na tanong ni rr."ano ka ba birthday girl yan tsaka nag ambag ako dyan ng 20"tumawa naman kami dahil sa proud na pagsagot ni jm well atleast nag ambag siya"ha anong birthday girl babae ka ba?"pang aasar naman ni harvey na sinabayan ng pagtawa ni frich,inigo,rovic,at achi.Si harvey,frich,inigo,at rovic ay parehong matatangkad din kagaya nina nash pare pareho din silang magaling sa instrument si harvey sa piano,si frich naman mahilig sa violin,at si inigo naman sa drums,samantalang si rovic naman ay mala dj ang datingan ang kulay nila ay katamtamang puti lang makukwela din sila pero wala ng tatalo sa kalokohan ni rr mahitsura din sila kaya madaming nagkakagusto sa kanila dagdag pogi points din na mahilig sila sa instrument.Si achi naman ang ideal man ng ilang babae tall,dark,and handsome kaya niya ding maging cute ng hindi niya nalalaman sa lahat siya ang gifted samin alam niya kung pano gamitin lahat ng instrument maganda ang boses,hindi mukang masungit, matalino,magaling sa computers,at mvp palagi sa basketball pranka siya magsalita pero iniisip niya pa din ang mararamdaman ng kausap niya naging crush ko siya nung mga bata pa kami dahil lang kinuha niya yung bola ko sa bubong masayang masaya ako non kasi nakipaglaro pa siya sakin,pero ngayon kapag inaasar niya ako naiinis ako agad sa kanya.Maraming nagsasabi na swerte ako sa mga kaibigan ko na hindi ko kahit kailan itatanggi palagi man nila akong inaasar alam ko namang maasahan namin ang bawat isa problema ko problema na din nila ang problema nila problema ko din.Kahit kailan hindi nila ako iniwan ni minsan hindi din sila nagtatampo sakin kahit na palagi ko silang tinatarayan.May nagtatanong din kung wala ba akong nagugustuhan sa kanila pero isa lang palagi ang sinasagot ko,ayokong masira ang pagkakaibigan namin mas pipiliin ko kung sakaling may magustuhan ako sa kanila sasarilihin ko yon dahil mas mahalaga sakin ang pagkakaibigan namin.Para ko na silang mga kapatid,palagi kong naalala sa kanila si kuya ace.Itnatrato nila ako na parang sarili nilang kapatid.They say im always one of the boys dahil bukod sa sila ang palagi kong kasama hindi din akong masyadong nakikipagkaibigan sa babae pakiramdam ko kasi nakikipagkaibigan lang sila dahil sa mga kaibigan ko at palaging nangyayari yon ginagamit nila ako para mapalapit sa mga kaibigan ko yung iba maraming nasasabing masama tungkol sakin pero wala kaming pakialam dahil alam namin ang totoo.Sa tagal naming magkakasama walang nakakasira samin.Kasama ko sila sa lahat lahat walang pangyayari sa buhay ko ang hindi nila nasaksihan maganda o hindi nasa tabi ko sila pinagpapasalamat ko araw araw na nakilala ko sila,dahil kung wala sila pano ako, siguradong hindi ko kaya."oh raven okay ka lang hindi ba masarap?"halata ang pag aalala sa boses ni achi,hindi ko namalayan na naiyak na pala ako habang kumakain ng ice cream"ikaw pala ang corny e"pagtawa ni rr sabay sabay namang ngumiti ang iba hindi naman ako nagsalita dahil nahiya ako bigla"alam mo tumayo ka na nga lang diyan dating gawi"hinawakan ni achi ang kamay ko at inalalayan ako tumayo habang nilagay naman ni jm ang mangkok ng ice cream sa lamesa.Sabay sabay silang tumayo at pumila na parang may catery habang nagpatugtog naman si nash ng kanta.Nauna nang lumapit sa akin si achi dahil siya naman ang umalalay sakin nasa gitna kami ng sala at nagsimulang humakbang si achi para isayaw ako.Sumasayaw kami ng marahan habang tumutugtog ang a thousand years sa maliit na speaker.Para akong nag dedebu ng paulit ulit kapag nag bibirthday ako at kasama ko sila palagi nilang ginagawa to gusto daw nilang maramdaman ko na palagi lang silang nasa tabi ko na kahit wala akong prince charming sa buhay ko nandito sila."happy birthday raven"pagbati sakin ni achi ng hindi inaalis ang ngiti sa muka,nginitian ko lang siya at hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko kanina.Sunod namang lumapit si rr kumuha naman siya ng isang box ng chocolate ng beng beng at isang white tulips sa boquet saka tumingin sakin"happy birthday ray,bakit ka ba umiiyak punasan mo nga yung sipon mo oh kadiri ka ang panget mo tuloy"sinamaan ko siya ng tingin at tumawa pinunasan ko naman ang muka ko at lalo naman siyang tumawa inabot niya sakin yung kinuha niya kanina at hinaplos ang buhok ko.Magkakasunod sila at ganon ang ginagawa nila sinasayaw ako ng dahan dahan na parang nakasuot ako ng malaking gown pero ang totoo naka terno na pajama lang ako at may design ni stitch.Lalo naman akong napangiti dahil kunwaring inayos ni rovic ang damit ko na parang napakaganda non at hindi pwedeng madumihan bago ako isayaw.Sunod namang lumapit si nash at inabot sakin ang malaking si snorlax natawa pa siya dahil mas malaki daw pala ito sakin.Hinaplos niya din ang buhok ko gaya ng ginawa ni achi at ngumiti"happy birthday 20 ka na alam mo na ang tama at mali ha"ngumiti naman ako dahil para siyang tatay kung magsalita"konting tiis na lang magdedebu ka na"kinurot ko naman ang tagiliran niya at tiningnan nya ako habang tawang tawa sa pang aasar niya"ginawa mo pa kong lalake"tumawa ulit siya at nilapit ako sa kanya para yakapin"nandito lang kami ha huwag kang mahiyang magsabi samin ng problema mo ayokong sarilihin mo lahat..a-ang ibig kong sabihin ayaw namin na mag isa ka lang"sinabi niya yon habang hinahaplos ang likod ng ulo ko at parang pinapatahan niya ko dahil alam niyang naiiyak na naman ako.Alam nilang may mga problema pa din akong hindi sinasabi sa kanila at hinihintay nila na magsabi ako hindi nila ako pinipilit pero palagi nilang pinaparamdam na handa silang makinig anytime."thank you nashyy"ngumiti ako at pinisil nya pa ang pisngi ko bago ako bitawan at ngumiti pabalik.Lumapit na din sakin si jm,at umalis si nash ibinababa ko muna si snorlax dahil nabibigatan na ko ngumiti sakin si jm at inabot sakin ang pink tulips na may kasamang maliit na black envelope.Jm knows me well kilala nilang lahat ang ayaw at gusto ko pero si jm parang inaalam niya lahat."Im like a statue stuck staring at you,got me frozen in my tracks so amazed how you take me back"nakatingin lang siya sakin na parang gustong gusto niyang tumitingin sa mata ko seryoso ang muka niya pero pansin ang maliit na ngiti sa labi niya habang sinasabayan ang kanta sa pagsayaw namin"statue,stuck staring right at you,so when im lost for words everytime i dissapoint you,its just i cant believe..that's youre so beautiful.."hinawi niya ang buhok ko at iniipit yon sa likod ng tenga ko at saka tumingin ulit sa mata ko"dont wanna lose you,..no"hindi ko alam pero parang may gusto siyang sabihin habang nakatingin ako sa mata niya,napatigil at napasinghap ako ng hinalikan niya ang noo ko at ngumiti ng makita ang reaksyon ko habang pinupunasan ang natuyong luha sa muka ko"happy birthday,i know youre thinking about something don't stress yourself okay"hindi ko alam kung alin ba sa sinasabi niya sa iniisip ko pero tinanguan ko siya at ngumiti.Habang sumasayaw kami ng marahan ay biglang namatay ang music at napalitan ng malakas na tugtog nagkatinginan naman kami isa isa,napansin ko din na bumaba na pala si theo suot ang salamin niya at nakikipagtawan na kina harvey"somebody call 9-11"panimula ng tugtog sa condo dahilan para ngumiti ng malaki si jake habang nakatingin samin isa isa"shawty burning on the dance floor whoa"sabay sabay na pagkanta nina rovic,frich,neil,at inigo.Tumayo na din si theo at nakikanta"fire burning,fire burning"pagkanta ni theo habang kunwaring may hawak na mic at nagfefeeling na echo ang boses nya"wat a gwaan?"pagkanta naman ni nash habang may hawak na kutsara.Nakatingin lang kami ni jm sa kanila habang tumatawa dahil kung saan saan na sila kumukuha ng props."kingston,lets go,hey"nagtinginan na naman sila at sumigaw"hey,hey"sabay na pagsigaw ni jake at frich"Red one (hey) hey,hey(hey).Halos magsigawan na sila sa saya dahil sa pagsabay sa tugtog"shawty got that super thang"pagkanta ni nash"hotter than the sun of the South of Spain"pagtuloy ni inigo"Got me soon as i walked through the door,ohh"sabay sabay na pagkanta nina rr,achi,harvey at theo.Patuloy lang sa pagtugtog ang kanta at nagulat ako ng kumanta si jm at pumunta sa pwesto nina nash."Somebody call 9-11,shawty burning on the dance floor"tumingin siya sakin at tinaas taas pa ang kilay na parang nanghihikayat at may hawak na din siyang tambo na hindi ko alam kung paano niya nakuha"whoa"pagtuloy ni theo at frich habang magkaakbay."i gotta cool her down,she wan' bring the roof to the ground on the dance floor,whoa"pagkanta ni theo at kunwaring lumuhod pa na parang rockstar.Hinila naman ako ni jm sa gitna at binigyan ng shades,bumilog silang lahat at sabay sabay na kumanta"she get it,pop it,lock it, drop it,that birthday cake got a candle,need to blow that crazy flame away"sabay sabay na pagkanta nila habang sinasabayan ng sayaw na parang nababaliw sa sobrang saya"Now take my red,black card and my jewelry... shawty is cool like the fire,cool like fire"pagkanta ko habang kunwaring nagpapaypay ng kamay at ayos ng shades."Somebody call 9-11"sabay sabay nilang pagkanta at ng matapos ang kanta ay masayang masaya kaming napaupo sa sahig dahil sa pagod.Nagtawanan at nagkwentuhan lang kami naglaro ng kung ano ano dahil hindi naman kami umiinom usapan nila yon dahil ayaw daw nila na may magawa sila sakin pero alam kong wala silang gagawin at mas maganda na yung walang alcoholic samin tama na sa amin ang ibat ibang soft drinks malala na nga ang epekto nito samin.Si theo ay hindi na din nakatulog sa kaingayan namin kaya naman kasama namin siya sa kwentuhan.12:30 na ng madaling araw pero eto pa din kami at gising na gising sa mga kwentuhan namin sabado naman bukas at wala kaming pinoproblemang activities kaya ayos lang kahit hindi kami matulog"naalala niyo ba yung chris..yung ex nitong si rayven hahaha"pagkukuwento ni rr samin"tumigil ka nga wala akong kilalang chris"sagot ko sa kanya ng pairap kaya tinawanan na naman nila ako"ahh yung gupit bao na maliit pero matiniknsa chicks"kunwaring pag sang ayon ni jake"oo yung sinuntok ni raven kasi nakita niyang kasama yung bestfriend niyang babae nakikipag -"pagtawa ni frich at pinutol ang sinasabi hanggang sa kumanta sina harvey"chris and sofie kissing on the tree"sabay sabay na pagpalakpak nina inigo at tuwang tuwa sa mga kalokohan nila."tumigil nga kayo nandyan si theo oh wala na kayong nasabing maganda"pagsabat ko.Tumawa na naman sila dahil alam nilang ayokong pinaguusapan ang lalaking yon"eh kung ganon natatandaan niyo ba si ely?"tumingin ako kay rr"ah yung tomboy"sagot naman ni frich at nag apir pa kami"oo yung sinulatan ni rr kasi monthsarry nila pero"dagdag ko pero hindi ko tinuloy"pero si rayven pala yung matagal ng gusto"pagtuloy ni nash at sabay sabay kaming nagtawan ng malakas at napailing naman si rr dahil alam niyang nagkamali siya ng aasarin"tables turn bro"tinapik ni jm ang balikat ni rr habang nagpipigil ng tawa dahil sa pinaalala na namin ang sinabi niyang greatest love niya pero inagaw ko kahit wala naman akong ginagawa"ganda kasi netong lady -"inakbayan naman ako ni harvey pero tinakpan ko ang bibig niya."lady? ate ano po yon?"pagtataka ni theo"ah-wa-wala nagkamali lang yan lady basta maganda ako di ba"kunwaring pagtatanong ko sa mga bubuyog"o-oo yun nga haha"pigil nilang pagsagot lahat.Mas maganda nang kami kami lang ang nakakaalam dahil ayokong mapahamak ang kapatid ko at ayoko nang sisihin ang sarili ko gaya ng nangyari kay daddy."a-ano ray uwi na kami magpahinga na kayo ni theo"pagputol ni frich sa usapan kaya napunta sa kanya ang atensyon ni theo"sige mag iingat kayo"sabay sabay kaming tumayo at hinatid ko sila sa gate dahil nalinis na din naman namin ang mga kinalat namin nagbalot pa ng pagkain si neil at inigo para daw paiinitin na lang nila sa umaga yung pagkain."alis na kami isara mo na yung gate at pumasok ka na"pagpapaalala ni nash at tumango lang ako.Pumasok na ko sa loob at pinanood ko sa bintana ang pag alis nila,may sarili silang sasakyan kaya okay lang na umuwi sila ng gantong oras may kanya kanya din silang condo hindi naman kami uminom kaya ligtas naman silang makakauwi.Umakyat na ko sa taas at tiningnan muna si theo sa kabilang kwarto at nakita kong natutulog na siya,inayos ko ang kumot niya at pinatay ang ilaw sa tabi niya,nakalimutan niya din tanggalin ang specs niya kaya inalis ko yon at saka pumunta sa kwarto ko.Napansin kong merong purple box sa kama ko at nung lapitan ko yon binuksan ko ito at nakita ko ang pictures ko na tumatawa,nakangiti,kumakain ng puno ang bibig at ang mga pictures namin ni theo sa tuwing nagbo bonding kami,nandon din ang pictures naming apat nina daddy,kuya ace at theo.Masaya kami sa pictures nakaakbay sakin si papa at nakaakbay naman si kuya ace kay theo.Namimiss ko na sila,naalala ko na naman si papa at namimiss ko na si kuya ace,hindi namin siya nakakasama dahil sa states niya piniling mag aral kasama ang mga kaibigan niya,mas gusto niya din daw na lumayo sa step mom namin dahil hindi niya alam ang magagawa niya.Naiintindihan ko yon nakakatampo dahil iniwan niya kami dito pero naiintindihan ko siya,hindi naman niya kami kinalimutan ni theo bumibisita siya kapag sembreak nila o bakasyon tuwing pasko at bagong taon birthday ni theo o birthday ko,pero ngayon hindi siya dumating ano kayang pinagkakaabalahan ni kuya ni hindi din siya tumawag.Nakita kong may nakasulat sa nagiisang chocolate sa loob ng box,napangiti ako ng makita ang sulat ni theo.
To: Ate Kresha
Happy birthday ate,!! you know i love you always and im always proud of you thank you for being a good ate to me and thank you for not letting mommy janice to hurt me,thank you for always protecting me.Sorry po ate kung ito lang kaya ko,but i use my own savings and watch videos because i know you wanted gifts like this,and i think its pretty naman po hehe its like you.I have no tulips to give you po ate i cant buy po kasi and i try to do it but its hard.But i can give you a warm hug if you want it just ask me. Enjoy your day ate iloveyou.
From: Theo
Hindi ko napigilan ang pag ngiti at itinabi ang box na yon sa drawer ko pero napansin ko na may isang red box sa drawer ko alam ko na wala akong ganito kaya kinuha ko ito at binuksan pero bago ko pa buksan ay nakita kong may pangalan na nakalagay sa ibabaw nito"NKH"alam kong initial ng pangalan ko yon kaya binuksan ko na, nakita ko ang isang gold bracelet na star design,sinubukan kong tingnan kung makikita ko kung sinong nagbigay pero walang nakalagay.Binalik ko na ulit ito sa lalagyan at nagsimula na sa night routine ko at natulog.Hindi ako makatulog hindi ko alam kung bakit pero andami kong iniisip.Pero si kuya ace ang pinaka iniisip ko.Hindi ko na namalayan ang oras at nakatulog na pala ako."shh dont make noise she will wake up just put that thing here slowly".