Prologue

783 87 18
                                    

Nagising ako mula sa isang malalim na pagkakatulog ng tumambad sa akin ang isang maputing kwarto na halos lahat ay maputi. Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob at nagtaka kung bakit ako napunta dito. Bumangon naman ako at bahagyang hinawakan ang aking sentido ng makaramdam ako ng kirot at napansin ko naman ang suot kong pareho pa rin kagabi.

Putek na yan anong nangyari at bakit sobrang sakit nitong ulo ko?!

Then suddenly, I remember that me and my best friend Karsen went to the bar last night and unwind narin dahil sa sobrang stress namin sa pag-aaral.

Party

Drinking

Dancing

At sigurado akong wala akong kalaplapan kagabi kahit sobrang lasing ko na. Hindi naman kasi ako katulad nang iba na porket pumunta na sa bar ay gusto na makipaglaplapan o naghahanap ng kalaplapan. Maliban nalang sa ulopong ko na kaibigan na hindi ko alam kung nasaan ngayon.

Okay, ang defensive ko sa part na yun kahit walang nagtanong.

Yun nalang ang huling naalala ko bago ako nawalan ng malay. Muli ko namang nilibot ang tingin ko sa kwartong ito at nagpasyang bumangon ng maramdaman kong medyo nawala ang sakit nitong ulo ko. Tumungo naman ako agad sa pinto at binuksan ito at nagpasyang lumabas.

Napanganga naman ako sa nakitang napakagandang bahay na ito, hindi ko alam kung bahay pa bang matatawag 'to o palasyo sa sobrang laki at lawak. Nilingon ko naman ang gilid ko kung saan may nakita akong hagdan na kulay puti pababa, kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumakad papunta rito habang patingin-tingin sa paligid. Pero ang ipinagtaka ko lang ay kung bakit parang wala yatang tao? Bakit wala yatang mga maids? Diba pagsa ganitong kalaking bahay may mga maids na naglilinis sa paligid? Pero ngayon wala akong makita maskin isa. Ipinagkibit balikat ko nalang yun at dali-daling bumaba kasi gusto ko naring makauwi sa bahay.

Paniguradong hinahanap na ako ni nanay ngayon at magbu-bunganga na naman yun pag nalaman nun na hindi ako umuwi.

Ilang saglit pa ay pagkarating ko sa ground floor na yata 'to, mula sa 3rd floor na pinanggalingan ko kanina. Sa sobrang taas ay may nakita akong maraming pinto, pero hindi ko alam kung saan ang daan dito papunta sa labas.

Nakakagago naman oh! Asa'n ba kasi ang mga tao dito para makapagtanong ako!

Hindi nalang muna ako nagtungo sa isang mga pinto at nagpasya na hanapin kung nasaan ang kusina dito. Baka maligaw ako gagi, kaya mamaya nalang at hintayin ko nalang ang may-ari nitong bahay. Tangina nagugutom na ako kanina pa yawa. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Wala naman kasi akong relo at cellphone. Dukha ako eh pakialam niyo ba. Naglakad-lakad naman ako agad at muntik pa talaga akong maligaw sa napakalaking bahay na'to. Kung hindi ko pa nakita ang may isang maliit na name tag yata sa taas na kitchen ay hindi ko pa ito mahahanap.

Luh may pa ganito pala pero bakit dun sa mga pinto wala?! Hustisya naman!

Dali-dali naman akong nagtungo sa pinakamalaking ref at pagbukas ko ay wala akong ibang nakita bukod sa isang plastic na may nakatatak na cereal. Ito yata yung pagkain ng mayayaman na rich kid na nababasa ko sa wattpad, eh. Oo nagbabasa ako nun kahit wala akong cellphone, pero kay nanay ang hiniram ko. Wala lang share ko lang. Kinuha ko naman ito at naghanap ng gatas sa cabinet at thankfully ay meron naman akong nakita kaya agad ko narin itong tinimpla at nilagay sa isang babasagin na baso. Ilang sandali pa ay nagsimula naman na akong kumain.

Total wala naman yata ang may-ari nitong bahay na'to ay lulubos-lubosin ko na. Bahala na mamaya pag dumating sila.

Sakto naman na kakaubos ko lang sa kinakain ko ay nakarinig ako ng ugong nang isang sasakyan at mga taong nag-uusap na boses ng mga babae papasok dito sa loob. So babae ang may-ari nito? Pero bakit mukhang madami yata sila? Baka bahay ampunan talaga 'to pero ginawa lang nilang palasyo para sosyal. Tama ganun na nga! Ilang saglit pa ay narinig ko naman ang mga boses nitong papalapit na kaya dali-dali akong nagtago sa likod ng malaking ref dala ang bowl at baso na ginamit ko. Pucha, buti nalang hindi dikit sa pader ang pagkalagay nitong ref at hindi masyadong mainit sa likod kasi may telang nakaharang. Palapit na sila ng palapit, kaya naririnig ko na ng malinaw ang mga boses nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

STUCK WITH THEM [POLYAMORY] R-18Where stories live. Discover now