CHAPTER 3

2 0 0
                                    

Katniss Pov:

Napamulat naman ako ng mata ng may narinig akong lagabog sa labas.Dali dali naman akong tumayo at sinuot ang sandals ko bago patakbong lumabas ng kwarto.

May nakita naman akong isang bulto ng babae,tangina ilang taon ba itong hindi naliligo at parang pancit canton buhok,kahit gusto kong tumawa eh mas naisipan konalang lapitan ito,baka ito rin yung dorm mate ko.

"Hoy!"Sigaw ko naman dito,nagulat naman siya at muntik pa akong masampal kung hindi kolang napigilan.Mukhang nagulat naman siya at dali daling binawi ang kamay sabay sabi ng sorry habang nayuko.Aba eto yung nerdie na natungan ko kanina ahh,swerte naman niya at may dorm mate siyang kasing ganda ko.

"H-hala!pasensiya k-kna,bakit ba k-kasi bigla kanalang na-nasigaw,yan tuloy muntik nakitang ma sa-sampal"Pagsi-sisi naman neto sakin sabay nguso.Aba ang kapal naman neto at akopa sinisi sa katangahan niya!Tiningnan konaman ang likuran niya at may nakita akong basag na plato don.Mukhang napansin naman niya ito at dali daling dinampot ang bubog.At dahil tanga nga siya,ayon nasugatan.

"Aray!"Daing naman niya sabay sip-sip sa dugo neto.Antanga talaga,alam na bubog pupulutin pa,eh kung kumuha siya ng walis at winalisan.Jusko,mapapanot ako sa sobrang stress sa babaitang ito.Nag lakad naman ako paalis at kumuha ng first aid kit,ket papano may taglay naman akong kabutihan at awa.Ng maka hanap naman ako eh nag lakad nako papalapit sakanya.Nagulat naman siya ng nakita niya ang hawak ko.

"Hala!a-ako nalang,na ka-kakahiya naman sayo."Sinamaan konaman siya ng tingin kaya napa iwas naman ito,siya narin mismong nag lahad ng daliri niya sa akin.Natakot siguro sa talas ng mata ko.

"Wag kanang mag reklamo dahil once in a life time lang akong mag kusa."Sagot ko dito sabay lagay ng betadine sa daliri niya.Natahimik naman siya at tinitigan nalang ang ginagawa ko.

"A-ano,ako nga pala si Zelia Adler and dorm mate mo"Nahihiyang pakilala neto sakin,ang ganda ng pangalan niya Zelia.

"I'm Miracle Katniss Garcia,mag pa salamat ka dahil may maganda kang dorm mate ngayon."Natahimik naman siya at napa yuko.Napa tingin naman ako sakanya,wala naman mali sa sinabi ko and binibiro kolang naman siya,maybe alam niyang biro yon pero feel ko dinamdam niya.

"Hey nerdie,I'm just kidding"Napa angat naman siya ng tingin sakin at ngumiti ng peke.Mukhang dinibdib niya nga ang sinabi ko,na gu-guilty tuloy ako.

"A-actually,ikaw palang ang unang naging dorm mate ko"Biglang sabi niya na ikina taka konaman.Eh?bakit naman ako ang ka una-unaang dorm mate niya.

"Grade 11 palang ako dito nako nag aaral,and may napupuntang dorm mate sakin ang kaso umaalis sila at nag papa lipat,a-ayaw daw nilang m-may dorm mate na m-mukhang h-halimaw"Naiiyak na sabi neto,nagulat naman ako sa sinabi niya,so since grade 11 dito na siya nag aaral,and sa loob ng dalawang taon isama na ang grade 12 niya,wala siyang nagiging dorm mate dahil umaalis ang mga ito dahil takot sa mukha niya.Napa kuyom naman ako ng kamao ko,mga tao talaga puro discrimination ang ginagawa sa kapwa tao.

"I'ts ok,don't mind them,you have me na kaya so don't cry na"Ket hindi ako marunong sa ganto eh pinatahan kopadin siya.Humagulgol naman siya at yumakap sakin,napag buntong hininga nalang ako at niyakap siya pabalik sabay hagod sa likod niya.To be honest wala din akong nagiging totoong kaibigan,dahil ang iba panay pa libre lang ang alam,tapos kapag hindi mona kasama pag uusapan ka,mga plastik na salot sa lipunan.Pero etong babaitang to,willing akong protektahan siya dahil ramdam kona mabigat ang pinag daanan niya ng dahil lang sa mukha niya.

Ng matapos siyang mag drama eh nag prisinta naman siyang mag luto dahil alas syete narin ng gabi.First year college nadin siya and same course lang kami,i hope lang na mag kaklase kami para narin may nakaka sabay ako tuwing lunch and vacant ko.

Ng matapos siyang mag luto eh akona nag ready ng mga plato at spoon namin para maka kain nakami at makapag pahinga ng mas maaga.Bacon and spam lang niluto niya para daw mas madali dahil gutom na siya.Nag sandok naman ako at ganon din ginawa niya,kumain nakami habang nag uusap and naging comfortable naman ako sakanya ket parang nahihiya siya sakin.Pero sinabihan konaman siya na i treat niya ako ng normal and i consider her naman as my friend.

Ng matapos kaming kumain eh pumasok nakami sa room namin.Pumasok naman din agad ako sa cr at nag sipilyo bago matulog,hindi kasi ako nakaka tulog ng hindi nakakapag sipilyo.Ng matapos ako eh pabagsak akong humiga,excited nako para bukas!Pumikit na ako at hinitay dalawin ng antok.

***

Hi guyz,Sugesstion is always accepted.

Please leave a comment and vote thankyou!

The Mafia Lord TwinsWhere stories live. Discover now