Katniss Pov:
Naalimpungatan ako ng may maamoy akong bagoong na nang gagaling sa labas.Napa bangon naman agad ako at dali-daling lumabas ng kwarto ko.Hindi ko namalayan na naka tulog pala ako habang hinihintay si nerdie.Nakita konaman siya sa may kusina at nag luluto.
Umupo naman ako sa may lamesa dahil may nakita ako doong mangga at naka balat na at naka hiwa.Kumuha naman agad ako ng isa dahil hindi kona kayang pigilan ang pag lalaway ko dito.Halos mag ningning naman ang mata ko ng malasahan ko ang kaasiman ng mangga sa dila ko.Agad naman akong tumayo at tiningnan ang ginagawa ni nerdie kung tapos na siya.Ng makita ko ang niluluto niya at ang balat ng lemon ay halos tumulo na ang laway ko.Napa tingin naman siya sakin at umiling-iling nalang.
"Nerdie!ang tagal naman niyan,nagugutom nako at sobrang pag lalaway na ang nararamdaman ko!Maawa kanaman sakin oh!"Pag rereklamo ko sakanya.Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napa nguso nalang ako at bumalik sa kinaka upuan ko kanina.Parang napansin ko ngayong nag daang araw ang pagiging masungit neto.
"Patapos na ito kat,kaya mag hintay ka diyan."Sagot niya sakin dahilan para mas mapa nguso lang ako.Na ngalumbaba nalang ako habang nadampot ng mangga sa may lalagyanan.Gusto kong matikman ang luto ni nerdie talaga.
Ilang minuto lang eh naamoy ko nanaman ang mabangong amoy nayon dahilan mapa pikit ako at mapa singhot.Sa pag mulat ng mata ko nakita konaman si nerdie na nilapag ang bagoong na niluto niya,na nag pa ngiti sakin ng husto.Hindi nako nag sayang ng oras at agad kumuha ng mangga at isinawsaw dito.Halos mapa talon naman ako ng malasahan kodon ang mangga namay bagoong!Grabe ang sarap niya pala kapag may kasamang lemon.Kahit na maasim kayang tiisin dahil na ngingibabaw ang sarap dito.Napa tingin naman ako kay nerdie na ngayo'y naka tingin sakin at naka ngiti.
"Kain kadin nerdie,Masarap naman ang luto mo.Pwede ng pag tiisan"May halong birong sabi ko sakanya at nilapit sakanya ang lalagyanan ng mangga.Nakita konaman ang pag simangot niya bago kumuha ng mangga at sinawsaw sa mangga.
"Masarap naman ang luto ko ah!maka sabi naman tong pwede ng pag tiisan!"Pag dadabog neto sakin.Masarap naman talaga,ang kaso gusto kolang talaga siyang asarin dahil na c-cutan ako sa reaction niya.
"Nga pala kat,hindi na tayo makaka pasok sa first subject dahil 20mins nalang matatapos na ang klase."Napa tigil naman ako sa pag subo at tiningnan ang wall clock samay likuran ko.At tama nga siya halos bente minuto nalang matatapos na ang first subject namin.
"Ok lang yan nerdie,pasok nalang tayo sa second subject."Tumango naman siya at nag paalam na mag bibihis saglit.Tinapos konadin ang kinakain ko para makapag toothbrush at bihis nadin ako.Napaka sarap talaga!di bale mag babaon ako neto bukas hehe.
***
Kasalukuyan kaming nag lalakad ni nerdie ngayon papuntang room namin.Hindi talaga matatangal sa paaralang to ang pagiging chismosa ng mga students dito.Halos naka tingin din sila sa gawi namin at bumubulong-bulong,na akala monaman eh hindi namin naririnig.Bukod sa maraming chismosa sa paraalang to,marami rin palang mga tanga.Napag buntong hininga nalang ako sa na isip ko.
Ilang minuto lang ang inabot at nasa harapan na kami ng classroom namin.Binuksan naman agad ni nerdie ang pinto kaya nasa amin ang lahat ng tingin.Nag lakad ako sa papuntang dulo at umupo.Tumabi naman si nerdie sakin at nilabas agad ang notebook niya.Mag rereview nanaman ito.Hindi konalang pinansin at kinuha ang cellphone ko at nag scroll scroll doon.
Halos mabagot na nga ako kaka scroll sa selpon dahil hanggang ngayon wala parin ang teacher namin.Tiningnan konaman si nerdie at ayon nag rereview padin hanggang ngayon.Nakita konaman pumasok ang class president namin dahil kanina lang eh pinatawag siya.
"Ok guyzzz!Hindi daw papasok si sir kaya pwede nakayong lumayas!!"Pag aanunsyo neto dahilan para ma inis ako ganoon din ang mga kaklase ko.
"Masyadong pa importante si tanda!!!dinaman pala papasok pinag hintay patayo ng trenta minutos!"Rinig kong reklamo ng isang kaklase ko na sinang ayunan naman ng iba.
"Hayaan niyo na!intindihin natin dahil matanda na nga at makaka limutin!"Sagot ng president namin dahilan para mag tawanan sila.Tumayo naman agad ako ganoon din si nerdie.Bibili nalang kami ng maka kain sa cafeteria at tatambay nalangs sa field.
"Nerdie,bili muna tayo sa cafeteria at sa field nalang tumambay habang nag hihintay ng oras para sa last sub natin"Pag aaya ko sakanyan,wala naman siyang nagawa kundi sumang ayon.
Ng maka rating kami sa cafeteria eh ako nalang mag oorder baka ano naman mang yayari kay nerdie.Pinag hintay ko siya malapit lapit lang sa pilahan para makita ko agad siya katapos.Nakipag siksikan naman ako at nag overtake,rinig na rinig ko ang pag rereklamo pero tinataasan kolang sila ng kilay kaya wala silang magawa.
Ng mapatos naman ako sa pag bili eh ngiti ngiti akong tumungo kay nerdie na ngayo'y nailing.Nakita siguro ang ginagawa ko kanina.Aabutin ng ilang minuto bago maka rating sa field,bakit banaman pagka layo layo ng cafeteria sa field.
***
Hingal-hingal naman akong napa upo sa may ilalim ng puno ganoon din si neride.Nilapag namin ang mga nabili namin at sinimulan kainin.Natatanaw naman namin dito ang mga nag lalarong football,napaka gandang tanawin talaga.Napaka daming pogi hehe,nakita naman ni nerdie ang pag tawa ko ng mahina dahilan para mapa tingin siya sa tinitingnan ko,ng makita yon napa rolled eyes nalang talaga siya.
Habang ngang tinatanaw ko ang mga nag gagandahang kalalakihan,hindi kona napansin na may papa lapit na bola sa direksiyon ko.Nanlaki naman ang mata ko at dinig na dinig ang sigaw ni nerdie dahilan para mag nerbiyos ako.Napa pikit nalang ako ng mata at inilagay ang mga braso ko sa ulo para ma protektahan ito.
****
Hi guyz!hope na nagustuha niyo itong part!Kamsaaa!💜
YOU ARE READING
The Mafia Lord Twins
Mystery / ThrillerIn one mistake, my world became chaos. Having twins is a miracle and blessing, but having the twins father is totally chaos.He's the most dangerous man I've ever countered in my whole life. Because of him, my world began to be more and more miserab...