prologue

256 114 4
                                    

CAPTAIN JIJI's POV:
~~~~~
“ ACTIVATED ”

APAT na taon na ang nagdaan, pero sariwa pa rin sa mga alaala ng bawat estudyante ang trahedyang nangyari sa Luminari Academy, na dahilan kung bakit nahinto bigla ang pagpapatakbo nito.

Sa loob ng apat na taon, ipinagawa ng Headmaster ang mga nasirang gusali at pader gawa ng mga black witches.

Simula nang mangyari ang labanang iyon, naging mainit na ang ulo ng mga estudyante sa akademya.  Ang mga mag-aaral na witches ay hindi na nila tinanggap at pinagtabuyan na nila ito.

• • •

"Mayumi, ano na naman ba ang ginawa mong bata ka?" paninirmon ng gurong si Lady Ignis sa estudyante nitong si Mayumi.

Nanatiling nakayuko ang dalaga sa harapan ng guro. Gustuhin man niyang magpaliwanag na hindi niya kasalanan ang nangyari, minabuti na lang niyang huwag ibuka ang bibig.

"Nako, ikaw talaga. Isang buwan na lang at aalis ka na dito, pero heto ka pa rin, basag-ulo," sabi pa ni Lady Ignis.

Nalinawan naman si Mayumi sa sinabi ng guro. "Paumanhin po, Guro. Hindi ko po sinasadya ang nangyari. Pangako, hindi ko na po uulitin," paghingi nito ng tawad na may buong galang at respeto.

Normal lang para kay Mayumi ang igalang ang mga guro, lalo na kung nasasalamin niya ang kaniyang sarili rito; pero normal lang din para sa kaniya ang hindi pagrespeto sa mga taong hindi rin siya ginagalang.

Huminga ng malalim si Lady Ignis. "Sinabi mo na 'yan sa akin noon, kaya sasabihin ko rin ang sinabi ko sa'yo: huwag mong papatulan ang mga taong alam mong walang maiaambag sa buhay mo."

"Bakit po?"

Natawa ang guro. "Kita mo, halatang hindi ka nakikinig sa mga pangaral ko."

Nangamot sa ulo ang dalaga. "Nakikinig naman po, makakalimutin lang po talaga ako."

"Asus, rumarason ka pa." Napanguso ang dalaga sa sinabi ni Lady Ignis.

Magsasalita na sana si Mayumi para magtanong ulit nang may kumatok sa pinto.

"Magandang araw po, Lady Ignis. Pinapatawag po kayong dalawa ni Mayumi sa tanggapan ni Ginoong Atlas ngayon na po mismo," rinig nilang sabi ng isang estudyante sa labas ng pinto, at pagkatapos noon ay ang yapak ng papaalis na tao.

Nagkatinginan ang dalawa sa narinig. "Guro, sa tingin mo ba nalaman ni Ginoong Atlas ang ginawa ko?" Bakas ang takot sa boses ni Mayumi.

"Kahit walang magsabi, malalaman at malalaman din ni Atlas ang mga ginawa mo, Mayumi."

Napasimangot ang dalaga sa narinig. "Palagay ko'y makakaalis na ako rito kahit hindi pa dumadating ang isang buwan."

"Umayos ka, Mayumi. Naririnig ka ni Atlas."

BAKAS ang paghanga sa mata ni Mayumi nang makapasok siya sa tanggapan ni Ginoong Atlas. Napapalibutan ang loob nito ng mga hindi makilalang armas na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya.

"Ang galing naman!" bigkas niya nang makita ang isang lalaki na nasa taas ng maliit na kahoy, tila binabalanse nito ang katawan para hindi mahulog sa lupa.

LUMINARI ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon