i

244 112 2
                                    

LUMINIA's POV:
~~~~~
" AMNESIA "

"TIGILAN mo nga ako! Sino ka ba?" Irita kong tanong sa lalaking sunod nang sunod sa akin magmula nong nagising ako kanina sa hindi ko pamilyar na silid.

Naguguluhan ako nitong tinitigan. "H-huh? Mayumi, ako ito, si Daidalus. Ako ba'y pinaglalaruan mo? Hindi ka nakakatuwa!" Mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Wala akong natatandaan na Daidalus." Saad ko sa aking isipan.

"Paumanhin, ngunit wala talaga akong maalala na Daidalus at hindi Mayumi ang aking pangalan, ako si Luminia." Magalang kong sabi.


Luminga-kinga siya sa paligid na para bang may hinahanap.

"Nasaan na ba si guro? Anong nangyayari kay Mayumi?" Bulong niya sa hangin.

Humarap siyang muli sa akin. "Hindi ba't nag-activate ka noong nakaraang araw? naalala mo?"

Nakaraang araw?

"Activate? Ano ang bagay na iyon?"

Napangiwi siya sa tanong ko at hindi na muling nagsalita subalit mariin niya akong sinusubaybayan na kahit pati pag hinga ko ay inuobserbahan niya na din.

"Problema nito?"

Pilit kong inaalalaa kung ano ba ang nangyari noong nagdaanna araw ngunit wala ni isang imahe ang lumalabas sa aking isipan. Bakit nga ba wala akong maalala.

"Ang kulit mo talaga, Dalus. Hindi ba't sabi ko sa'yo na hayaan mo muna siyang maglakad-lakad?" Sulpot ng isang babae na kanina lang ay tumulong para pakainin ako. Sa pagkakarinig ko ay siya si Lady Ignis at siya ay isang guro.

"Ngunit, guro. Nais ko lamang alamin kung ano ang kaniyang nakuhang kapangyarihan." Sabi nito na nakakuha ng atensiyon ko.

"Kapangyarihan?" Atomatikong napakunot ang aking noo.

May kulang ba sa pag-iisip ang batang ito? Anong kapangyarihan ang sinasabi niya?

Pinandilatan ni Lady Ignis si Dalus at mahina niya itong kinurot sa tagiliran.

"Pumunta ka muna sa tanggapan, Dalus. Sabihin mo kay Atlas na may pagpupulong na magaganap mamaya."

Natigilan si Dalus. "G-guro? Hindi ba't si ginoong Atlas ang nagsasabi kung may pagpupulong? Bakit hindi niya alam na may gaganapin mamaya gayong siya naman ang pinuno dito?"

"Ang dami mong tanong, pumunta ka na lang doon at pakisabi na rin kay Amara na ihanda ang malaking tabla." Sambit ni Lady Ignis na kaagad sinunod ni Dalus dahil sa ma-utoridad na boses ng guro.

Tinanaw naming pareho ang papaalis na bulto ni Dalus hanggang sa mawala ito at saka niya na ako hinarap.

"Mabuti naman at mukhang mabuti na ang iyong pakiramdam." Simula niya sa usapan.

Tumango ako. "Oo nga po eh, pero matanong ko lang, ano po ba ang nangyari?" Ani ko. "Wala po talaga akong maalala."

Huminga siya ng malalim at umupo sa pahabang bato na tila sinadya para gawing upuan.

"Ako ay kilalang manlalakbay at inatasan ako ni Atlas na pumunta sa Kaharian ng Luxria para imbitahan si Reyna Luna at Haring Lirius sa darating na pagtitipon dito sa Valtania dahil ikakasal na ang panganay na anak ni Atlas. Nasa ilog na ako ng Zorvath na sakop ng Luxria nang makita ko ang iyong katawan na palutang-lutang sa ilog kayat kinuha kita at iniuwi dito."

Ako naman ay nabigla sa kaniyang kweninto. "Paumanhin Lady Ignis at ako pa'y naging abala sa iyong paglalakbay." Akmang yuyuko ako sa kaniyang harapan nang pigilan niya ako.

"Huwag kang mag-alala, may ipinadalang bago si Atlas para pumunta doon at kahit umayaw man ang aking utak ay hindi naman magpapatalo ang aking katawan sa pagkuha sa'yo dahil isa akong manggahamot, ang makita ang isang tulad mong nangangailangan ng tulong at lakas ay ang aking tungkulin." Anito na ikinatango ko. Naiintindihan ko, kahit ayaw niya ay gugustuhin pa rin ng katawan niyang tulungan ang tulad ko.

"Maraming salamat po." Sabi ko. Napatigil naman ako nang may maalala. "Wala po pala akong matutuluyan dahil wala akong maalala." Nahihiya kong sambit bago napakamot sa aking ulo.

Mahina siyang tumawa. "Dito ka na lang muna, tiyak akong babalik din ang iyong memorya sa susunod na mga araw." Sabi nito na may patango-tango pang kasabay na para bang alam niya kung ano ang mangyayari.

"Nakakahiya naman po kung ganon."

"Nako, iha, wala kang tutuluyan kung aayawan mo ang inaalok ko." Aniya at itinuro ang kaharap niyang bato na para bang pinapaupo niya ako doon.

"Pangako po, habang hindi pa bumabalik ang aking memorya ay maninilbihan muna ako dito, kahit taga hugas na lang ng pinggan."

Natawa siya sa sinabi ko. Ano ba ang nakakatawa doon?

"Ang swerte naman ng mga magulang mo at may anak silang kagaya mo." Aniya at nginitian ako. Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda niya pala kung ngumiti.

Nginitian ko siya pabalik. "Sana maalala ko na ang lahat." Bulong ko.

DUMATING ang hapon at pinatuloy nga ako ni Lady Ignis na munti niyang tahanan.

Iniwan niya ako kani-kanina lang dahil may pagpupulong daw na gaganapin ang mga nakatataas at doon lang ako natablan ng totoong hiya nang malamang mataas pala ang posisyon niya dito sa Valtania.

Sa nakaraang mga araw na wala akong malay ay nasa pangangalaga daw ako ng mga alalay ni ginoong Atlas sabi sa akin ni Lady Ignis kaya hindi na ako nagtataka kung bakit wala akong kahit kaunting galos na nakikita sa aking katawan.

Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari ngunit wala talagang nagpapakita sa aking isip. Ano ba talaga ang nangyari sa akin? Hindi naman kasi lahat alam ni Lady Ignis dahil kinuha lang naman niya ako sa ilog.

Ako ba ay nabagok? Naumpog ng malakas sa isang matigas na bagay na sanhi ng pagkawala ng aking memorya?

"Tigilan mo 'yan kung ayaw mong sumakit ang iyong ulo, binibini." Sulpot ng kung sino sa gilid ko kaya agad akong napagilid.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, sinusuri ang buo niyang pangangatawan. May dala siyang armas na gawa sa kahoy at sa gilid niya naman ay may mga patalim. Base sa pagkakatingin ko sa kaniya ay gawa sa matibay na bakal ang kasuotan nito na para bang inihanda talaga para sa laban.

"Grabi ka naman makatitig." Madiin niyang usal na dahilan para ilayo ko ang aking paningin sa gawi niya.

"Sino ka?"

"Isa ako sa mga bantay dito sa Valtania, pumasok lang ako kasi may naamoy akong kakaiba." Sagot nito at tumingin sa labas ng bintana dahil sa ingay ng mga bantay na kagaya niya. "Mag-iingat ka binibini. Bago ka palang dito at may marami ka pang sekretong dapat tuklasin." Pagkatapos niyang sabihin ang bagay na yun ay kaagad din siyang lumabas nang walang sinasabing kahit na ano na kadugtong ng mga salita niyang binitawan.

"Anong sekreto?"

•••
Sorry sa straight tagalog, kailangan ko kasing ganiyanin kasi may balak akong gawin sa mga susunod na kabanata. Sana maintindihan niyo :)

Huwag niyong kalilimutan na pindutin ang star botton sa baba at ang kominto niyo tungkol sa part na ito. Maraming salamat! :)

LUMINARI ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon