LUMINIA's POV:
~~~~~" AMNESIA "
—MAG-aalas otso na pala ng gabi, nandito pa ako sa labas ng bahay ni Lady Ignis dahil hindi pa siya dumadating at nakakahiya naman kung mauuna akong kumain at matulog.
Ano na kaya ang kalagayan ng pamilya ko ngayon? Hinahanap ba nila ako? Gustuhin ko mang malaman ang lahat, sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing pinipilit kong makaalala. Siguro hahayaan ko na lang munang makapagpahinga ang aking utak.
Natigilan ako sa pag-iisip nang may narinig akong tunog na nanggagaling sa tanggapan kung saan nila ako ginamot.
"Magsitabi kayo, dadaan ang mga nakatataas!" sigaw ng isang lalaki na ngayon ay pilit hinahawi ang mga tao na nasa daan.
Walang nagawa ang mga bata at maging ang matatanda kundi ang tumabi at yumuko para magbigay-galang sa mga nakatataas.
Hindi pa tuluyang nahahawi ang mga tao, natatanaw ko na si Lady Ignis at ang mga kasama nito dahil medyo mataas ang bahay ni Lady Ignis kumpara sa normal na bahay sa lugar nila.
Sa kabilang dulo naman, tanaw ko ang mumunting entablado na inaayos ng mga plebian. Tila minamadali nila ang pag-aayos dahil papalapit na ang mga nakatataas sa gawi nila at pinapagalitan na rin sila ng isang babae na sa tingin ko ay kabilang sa mga aristokrata.
"Narinig mo na ba ang balita?"
"Anong balita?"
"Ikakasal na daw si Naenard sa isang noble na galing pa sa Zorvath, sa kaharian ng Luxria!"
"Hmp! Ang swerte naman ng babaeng makakasal kay Naenard."
Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan, ngunit hindi ko sinasadyang narinig ang kanilang mga sinabi. Panigurado, kapag nalaman ito ng aking ina, tiyak na papagalitan niya ako. Naniniwala akong mabuti ang aking ina kaya't nakikita nila sa akin ang kaniyang kabutihan.
Hindi ko na lang pinagbigyang-pansin ang mga narinig dahil hindi ko naman kilala kung sino ang mga taong kanilang binanggit at wala din naman akong balak na alamin kung sino ang mga ito dahil may sarili din akong pinoproblema ngayon.
Umupo ang mga nakatataas pati ang ibang aristokrata sa naghi-hilerang mga upuan at si Lady Ignis naman ay nanatiling nakatayo habang may hawak na papel.
"Magandang gabi mga Valtano at Valtaña, maaari ba naming hingin ang inyong atensyon para sa mumunting anunsiyo?" panimula ni Lady Ignis na dahilan para matahimik silang lahat.
Umayos ako ng tayo at naglakad palabas ng bahay para makalapit dahil hindi ko masyadong naririnig ang pahayag ni Lady Ignis at kailangan ko ding mangalap ng impormasyon, baka kasi mamaya nasa pugad na pala ako ng kaaway.
"Nandito kami ngayon para sabihin sa inyo na may napili na ang hari at reyna ng kontinenteng Luxria at Valtania para sa mamumuno ng Eldrador." pahayag ng gurong si Lady Ignis sa mga tao na ngayon ay naguguluhan na.
May isang matandang babaeng nagtaas ng kamay at nginitian ito ni Lady Ignis na para bang binibigyan siya ng pahintulot na magsalita.
"Maaari po bang magtanong kung ano ang Eldrador? Ngayon lang namin narinig ang pangalan na iyon."
Marahang tumango si Ginoong Atlas at tumabi naman ang guro. "Ang Eldrador ay bagong kontinente na nasakop ng mga tauhan ng Luxria at nasa pangangalaga ngayon ng mga aristokrata ng Valtania. Nais naming tayuan ito ng kaharian para mas lalong lumakas ang kapangyarihan ng parehong kontinente." paliwanag nito sa mga tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/378607373-288-k250808.jpg)
BINABASA MO ANG
LUMINARI ACADEMY
Fantasi"Villains are not born, they are created by a toxic and judgmental society." - MAYUMI TUKAHERTEI Mayumi is a young woman who doesn't know what love is or how to love. She didn't know until she became a student at a school that only a select few can...