.: 3 :. Binibini (Part B)

455 34 17
                                    

.: 3 :. Binibini (Part B)

"Jace, napuyat ako kahahanap dito ah kaya dapat talaga tulungan mo ko sa problema ko dun sa bagong student." Salubong ni Jasper pagkakita nito kay Jace na papasok pa lang sa school. Ibinigay nya ang isang short bond paper kay Jace kung saan may mga print-out ng messages na natatanggap nila sa ginagamit nilang phone line sa secret radio station nila.

"Buti na lang hindi sya nagbabago ng number." Napangiti si Jace habang tinitingnan ang mga nakahighlight na phone number. Nakuha na nila ang mobile number ni Star at parang gusto na nyang magtext dito right away para makilala na nya at maipakilala sa tatay nya. Naiimagine na nya na bumabalik sa trabaho ang tatay nya dala ang goal na pasikatin ang isang newly discovered talent nito na si Star.

"Salamat, tol!" Nag-high five sila ni Jasper at sabay na pumunta sa building nila. Magkaiba sila ng course dahil nagshift si Jasper sa HRM.

Sanay na si Jace na nakukuha ang atensyon ng mga kaklase nya tuwing papasok sya sa classroom. Hindi na lang nya pinapansin ang pagpapacute ng mga kaklase nyang babae sa pamamagitan ng pagpapanggap na nakaheadset sya at hindi naririnig ang mga sinasabi nito. Pero ang totoo, mahina lang naman ang music nya at dinig na dinig nya lahat ng daldalan nila. Pinipili nya lagi sa dulo umupo para maobserbahan nya ang lahat at hindi rin kasi masyadong pansinin.

"Excuse me, dyan po yung upuan ko." Maayos nyang sabi nang mapansin nyang may babae na nakaupo sa usual seat nya. Wala naman talaga silang seat plan pero sanay na sya sa lugar na yon. Mukhang bago lang ang babae sa school nila.

"Sorry po." Nagmamadaling umalis ang babae sa kinauupuan nito. Mukha itong natakot sa kanya sa halip na magulat. Nakayuko itong lumipat sa kabilang dulo ng classroom kahit bakante naman ang malalapit na upuan kay Jace. Para namang nakonsensya si Jace sa naging reaksyon ng babae. Mukha ba syang bully para katakutan ng ganon?

"Miss, ok lang naman kung dito ka na lang sa katabing upuan." Sabi nya habang inilalapag ang mga libro nya sa upuan nya.

"H-hindi, okay lang ako dito." Nahihiyang ngumiti ang babae sa kanya at nag-iwas agad ng tingin. Gustong matawa ni Jace sa babae dahil parang takot na takot ito. Nakadagdag pa sa weirdness nito ang buhaghag at kulot nitong buhok na pinalala ng makapal na kilay at salamin nito. Para syang nakatingin sa ugly version ni Hermione Granger. Hindi ugali ni Jace na manghusga sa panlabas na itsura ng mga tao at hindi rin nya gustong matawa dahil sa weirdness nito kundi sa kakaibang shyness na nakita nya rito. Karaniwan kasi na nakikita nya sa mga babae ay nahihiyang pacute pero dito sa babaeng ito, nahihiyang takot ang nakita nya. Nakakatuwa dahil parang napakainosente nitong tingnan.

"Ako na nga lang tatabi sayo." Pabirong sabi ni Jace at lumipat sa katabing upuan ng babae. Nagulat naman ang babae sa ginawa nya pero hindi na lang nagsalita at kumuha na lang ng libro.

"Jace Manrio pala." Inilahad niya ang kamay nya for a handshake. Tiningnan lang ito ng babae at ngumiti bago sya hinarap.

"Tassel." Matipid nitong sagot. Ni hindi man lang nito sinabi ang surname nya pero natandaan ni Jace ang ikinuwento ni Jasper sa kanya.

"Ah! Tassel Manansala diba?" Paninigurado nya. Tumango naman ang babae na parang nagtataka na alam nya ang pangalan nito. "Ako yung tutulong sayo sa science project mo na sinabotahe ni Jasper Suarez na barkada ko. Akalain mo yun, classmates naman pala tayo sa science. Ikaw na lang ang lab partner ko para mas madali kitang matulungan ha."

"Ha?" Yun lang ang nasabi ni Tassel. Medyo napataas ang kilay nya sa sinabi ni Jace. Parang masyado yatang nitong pinangungunahan ang lahat at pati ang pagpili ng lab partner ay pinagdesisyunan nito to think na ngayon nya pa lang ito nakilala! 'Mga lalaki talaga! Hmf!' Sa isip ni Tassel pero pumayag na lang sya dahil wala naman din syang ibang kilala sa classroom. Mainam na din na mas mabilis nyang magawa ang projects nya at ayon kay Jasper mahusay daw itong si Jace kaya advantage na din siguro sa kanya kung sila ang lab partners kahit naaasar sya na pinangunahan sya agad nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Voice of StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon