BAKASYON [027]

1 1 0
                                    

ONE SHOT [027]

Kakarating lang ng magbabarkada sa probinsiya nina Kiel kung nasaan ang bahay ng kaniyang namayapang lola. Lima silang magbabarkada sina, Kiel, Saitama, Yela, at ang kambal na Paulo at Paula.

"Ang ganda pala rito, Kiel. Sana dito nalang ako nakatira." Sabi ni Saitama habang nililibot ang paningin.

"Haha hindi mo gugustuhing mamuhay rito, wala kang mabibiling branded na damit king dito ka titira, puro luma ang mga naririto." Sagot ni Kiel rito.

"Ay ganoon ba? Sayang naman. Ang ganda pa naman sana ng view."

"Malayo pa ba ang sa inyo, Kiel? Napapagod na ako kakalakad." Reklamo ni Yela.

"Me also, bakit ba kasi hindi makapasok ang tricycle rito." Segunda namang sabi ni Paula.

"Manahimik na nga kayo. Baka may maistorbo kayong mga tamaho." Suway sa kanila ni Paulo.

"Tamaho ka diyan? Naniniwala ka roon, Pau? Haha nababaliw ka na." Tawang sabi ni Paula.

"Sa tingin ko tama si Paulo, mas mabuti nang tumahimik tayo." Agree na sabi  i Yela sa sinabi ni Paulo.

"Pati ikaw, Yel? Tss, may sira na ata ulo niyo."

Kahit na hindi naniniwala si Paula ay tumahimik ito dahil bigla siyang nakaramdam ng panlalamig sa katawan. Nang makarating sila ay agad silang namangha sa lugar, malapit ito sa ilog tapos ang laki pa ng bahay. Nag ayaan silang makapasok at inayos ang mga gamit na kanilang dala.

"Sama-sama na kayo rito sa iisang kwarto, baka kung mapano pa kayo pag inihiwalay sa isa't-isa." Sabi ni Kiel sa mga barkada.

"Pwede rin naman, si Paulo lang naman ang lalaki maliban saiyo. Pwede siyang maging bantay naming babae." Saitama

"Excuse me? Hindi mukhang bodyguard ang kambal ko." Pagrereklamo ni Paula.

"Tama na iyan. Magluto nalang tayo sa baba." Pagsuway ni Yela sa mga ito.

"Okay lang sa akin na dito ako. Mababantayan ko rin naman ang kakambal ko." Pagsang ayon ni Paulo.

Hindi na nagreklamo pa si Paula sa sinabi nang kambal. Bumaba sila ng second floor para pumaroon sa kusina at maghapunan. Nang makatapos nang hapunan ay nagplano silang magbabarkada kung saan sila bukas pupunta.

"Maraming malalapit na ilog rito, pwede tayong mangisda." Biglang sabi ni Kiel.

"Ilog, Kiel, really?" Tila diring tanong ni Paula.

"Wala ba kayong haunted house na malapit dito? Maganda kayang i adventure iyon." Yela

"Nakakatakot naman ang naisip mo, Yel." Takot na tumingin si Saitama kay Yela.

"Hindi naman siguro uso ang haunted dito. Mukhang mapayapa ang lugar eh." Paulo

"Edi paingayin natin." Halos sabay na sigaw ng mga barkada ni Yela sa sinabi niya.

"Ano?!"

"Basta, ako nang bahala para bukas. I got this." Kumindat pa si Yela sa kanila.

Wala na silang nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang kay Yela. Pagkatapos nilang maghapunan ay pumaroon na sila sa second floor at inayos ang hihigaan. Habang sila ay nakapikit at mahimbing na natutulog si Paula ay nakarinig nang tila mga yabag. Hindi nito iminulat ang mga mata, bagkus ay pinakinggab lamang ang tunog. Ang tunog ay nagmumula sa bubong malapit sa kanila. Dahil nga nakapikit na pinakinggan ito ni Paula ay hindi niya namalayang nakatulog siya.

ONE SHOT COLLECTIONSWhere stories live. Discover now