The Monkey City's Unggoy Love Story

15 1 0
                                    

"THE MONKEY CITY'S UNGGOY LOVE STORY"


ISINULAT NG MAGANDANG SI: IJAN(EHAN) MAYORMITA

(xPURE KABUANG XDx)



Matagal ng may gusto si Kristel kay Joseph. Pero bilang unggoy, di kailanman magkakagusto si Joseph kay Kristel na kapwa niya unggoy. But magkakagusto lang si Joseph na unggoy sa isang uranggutan. Hanggang isang araw, may dumating na isang napakapanget na uranggutan sa Monkey City, na ang pangalan ay Jovanya Banana, sa pagdating nito agad na nagkagusto si Joseph kay Jovanya Banana.



Dahil dito lubos na nabahala at nagluksa si Kristel. Pero dahil mahal na mahal niya si Joseph hindi niya hahayaang magkatuluyan si Jovanya Banana at Joseph na may gusto sa isa't isa ngayon. Kaya lumapit at kumunsulta si Kristel sa Diwata o Reyna ng kagandahan na si Ijan (Ehan). Sinabihan ni Reyna Ijan kasama ang mga diwata ng mga unggoy na si Ericka si Kristel na dapat maligo siya sa ilog ng Safeguard, lawa ng Palmolive, bukal ng Ponds, dapat din siyang sumayaw ng "Watch me Nae Nae" at "Twerk it Like Miley" araw araw at kumanta ng "Lupang Hinirang" at "All About That Bass" tuwing hating gabi sa Mall of Africa sa kontinenting Antartica. At ang kahulihulihan na pinakaimportante sa lahat, paghiwalayin si Jovanya Banana at Joseph at pagkatapos paalisin si Jovanya Banana sa Monkey City.



Ginawa niya naman ito ng buong kaluluwa, puso, atay, laman at apdo hanggang sa lumipas ang isang taon niya sa Antartica bumalik na siya sa Pilipinas pero huli na ang lahat dahil kasal na si Joseph kay Jovanya Banana.



Kung ano ang ikinalungkot niya noon, times infinity ang sakit ngayon. Iyak siya ng iyak, hanggang sa sumapi sa katawan niyang unggoy ang isang malanding demonyo na si Charmae. Dahil dito ang katawan ni Kristel na Charmae na ngayon ay nagtetwerk all night long with the music of "Twerk it Like Charmae" with matching wiggle wiggle of belly. Marami pa siyang ginawang nakakasuka at nakakatakot gaya ng pagkain ng cr, paglaban sa aso, pagchacha sa pusa at pagkanta ng buwis buhay sa kantang "Chandelier" habang umiinom ng suka flavor patis.



Dahil dito labis na natakot at nagsuka ang diwata ng delubio na si Glaiza at diwata ng bagyo na si Alyssa. Kaya binigyan nila ang buong Pilipinas ng signal no.13 na bagyo, na pinangalanang Annagel, at lindol na intensity 26. Pagkatapos ng napakalaking disaster na idinulot ni Kristel a.k.a. that time na Charmae, ay wasak na wasak na ang Pilipinas, as in gibang giba, ng tatlo lang ang patay, si Ramon kasama ang kabit nito na si Ronaline at finally ang karibal sa buhay ni Kristel na si Jovanya Banana.



Binigyan ng desenting libing si Jovanya Banana habang sa kabilang dako ay itinapon na lang ang mga katawan nila Ramon at ng kabit nito na si Ronaline sa basurahan dahil nagtaksil sila sa Diwata ng Kagandahan na si Reyna Ijan(Ehan) at isa pa ay irereuse daw ang mga bangkay nito as fertilizer sa taniman ni aling Dhenniel at mang Reynan. Balik tayo sa storyang ito, iyak naman nang iyak si Joseph sa nangyari sa asawa at nadehydrate siya hanggang sa ito ang naging sanhi ng pagkamatay niya(Pero echos lang, buhay pa siya).



Imbes na maging malungkot si Joseph ay natuwa pa ito dahil malaya na siya sa asawa nito na di naman niya gusto at palagi siyang pinapalo! At sa wakas malalantad na niya sa mga magulang niya na isa siyang BAKLA at nagpapanggap lang siyang may gusto kay Jovanya Banana para sana di siya ipakasal kay Kristel na isang unggoy na siya sanang plano ng magulang nito, dahil ang totoo ay dapat lang ipakasal ang mga unggoy sa kapwa nito unggoy hindi sa ibang creature na echos w/ kabalbalan ni Joseph na imbes gusto sana niyang ipakasal kay Oliver na siyang tunay niyang mahal ay ipinakasal tuloy siya sa isang panget na uranggutan dahil ito ang girlfriend niya (Malamang! Bakit siya magpapakasal sa iba kung may girlfriend siya? Kaya saan ba siya dapat ipakasal kung hindi kay Kristel? Eh di sa girlfriend niya! Hindi nagiisip tong unggoy nato.)



Pagkatapos nang ilang araw ay inamin na ni Joseph ang tunay niyang pagkatao sa mga magulang niya at dahil narinig ito ng etchoserang maid nila na si Bianca ay itinwet niya ito sa Twitter at ipinost sa Facebook. Dahil dito, naging trending ito WORLDWIDE hanggang sa nalaman ito ni Kristel na tuwang tuwa that time dahil pwede na sila ni Joseph, dahil patay na na ang asawa nito, na totoo talaga na tinulungan siya ni Reyna Ijan(Ehan) at nang diwata ng unggoy na si Ericka. Pero nalungkot siya at nagluksa ng mas malala pa sa mga drama niya dahil sa nalaman niya tungkol kay Joseph. Times infinity plus 2 divided by 13 times infinity na ang sakit ngayon. Iyak siya nang iyak. Emo siya ng emo. Hanggang nag ala "Wrecking Ball" siya sa bahay nila w/ matching sway ang unggoy hanggang sa mabagok ang ulo niya sa bahay niyang kahoy lang pala sa Monkey City Forest na nagpatulog sa kanya. Nang magising siya ay nakalimutan na niya ang sakit dahil natamaan ang brain cells niya na nagpamove on sa kanya at napagnilay niyang cute siya at ang cute ay di nalulungkot.



Pero na sad parin siya dahil akala niya niloko siya ng diwata ng unggoy na si Ericka, di kasama si Reyna Ijan(Ehan) dahil maganda ito, kaya sumugod siya sa Kaharian ng mga Unggoy at kinompronta niya si Ericka ang diwata ng unggoy hanggang sa naglaban sila dahil nag-away sila sa usaping "Sino ang mas Maganda sa Kanilang Dalawa" pero unfortunately, natalo si Kristel at pinarusahang maging isang incredible creature ,oh so called as Homo Sapiens, na tinawag sa paglipas ng oras na 'tao'.



Dahil dito hindi na niya makikita si Joseph dahil maarte siya at ang maarteng tulad niya ay takot sa unggoy at sa snake sa kagubatan. Pero eventually naparusahan din si Joseph dahil nag-away din sila ni Ericka, ang diwata na mga unggoy, kung sino ang mas maganda sa kanilang dalawa at as usual naging isang incredible creature ,oh so called as Homo Sapiens, na tinawag sa paglipas ng oras na 'tao' si Joseph dahil again natalo na naman siya like Kristel kay Ericka, ang diwata na mga unggoy pero ang ipinagkaiba lang ay lalaki na si Joseph because of malawakang transformation na nagpagulo ng utak niya hanggang sa maging lalaki siya, to cut the story short,. At dahil silang dalawa lang ang tao sa mundo ay nagkatuluyan parin sila at nagkaroon ng mga anak galing sa kanilang bago at matibay na pagmamahalan at yun ang pagsisimula o simula ng mga tao sa mundo.




Kahit hindi sila nagsimula sa maganda , nagtapos naman sila ng maganda at dahil narin sinunod niya ang mga unang utos ng makapangyarihang reyna ng kagandahan na si Reyna Ijan(Ehan) kaya sila nagkatuluyan...........................



........................................ THANKS FOR READING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ang Alamat ng TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon