Chapter 5: Ayoko na..

29 1 0
                                    


Janes's POV

Kasama ko si Diana ngayon. Nandito na kami sa manila. Papunta na kami sa studio ng Showtime. Sana sumama na siya sa amin.

"Diana."

"Hmmm...."

"Tingin mo ba sasama sa atin si Callie?"

"Ewan."

"Huh? Bakit naman ewan?"

"Kasi... Masakit masyado yung ginawa ko --- naten.. Sa kanya. Miss ko na best friend ko,Janes."

"Huwag mo sisihin sarili mo"

"Bakit ko naman hindi sisihin yung sarili ko kung ako naman talaga ang may kasalanan?"

"Hindi mo kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat kasi... best friend pa ng taong nagmamahal sa akin ang minahal ko... Pero kahit na ganun, hindi ko pinagsisihang minahal ki--"

"Janes, tama na. Tara na at baka humaba pa yung pila."

"Ok."

Ganyan na si Diana. Ayaw nya ng iopen pa sa kanya ang nakaraan. Mahal na mahal ko siya no'n pero bakit nung nawala si Callie parang nagkaroon ng pagkukulang ang buhay ko?

Nakakalungkot isipin na nagawa kong saktan ang taong tapat kung magmahal.

Sana natutunan ko na lang sya mahalin kaysa humantong pa sa ganito...

Sa ganitong nawala sa amin si Callie.

Si Callie na minahal ako ng sobra..

Si Callie na minahal ng maraming tao..

Si Callie na mabait..

Si Callie na...

Nasaktan ko..


Sana bumalik sya kasama kami ni Diana..

Sana napatawad na nya kami..

Sana hindi naging masama ang epekto ng pananakit ko sknya..

Sana..

Nakapasok na kami ni Diana at umupo kami sa harapan mismo. Naguumpisa na ang show at nakita na namin si Callie. Hindi nya kami nakikita kasi dito kami sa gilid na harapan sa right side. Then,natapos na at may iaaanounce daw.

"Hello guyss!! Haha.. Ang iaaanounce lang po namin is that we will have our first movie. My Stupid Insensitive Crush na ang magiging bida ay si Xandra at JV. Abangan nyo 'yon. Para sa mga fans nila Xandra, abangan nyo ang movie na 'yon."-Sophie

(Guys isip kayo ng ship names nila Xandra at Jv.. Cailexandra eunice name ni Xandra at Jens Vince Martinez naman kay Jv. patulong wala ako maisip ehh.. thanks!!)

"Yah.. haha abangan nyo!!" -Ken

"Sinong madlang people ang gustong makasayaw si Xandra at JV akyat kayo dali!!"-Megan

"Diana akyat kaya ako?"

"Bilis na!!"

Umakyat ako agad-agad sa stage at nakita ko si Xandra na..

POKER Face lang?

Hindi ba sya gulat o ano??

"Haha ok gusto ni kuya.. Ano pangalan nila?"

"Janes Carl Gomez"

"Ok so ump---" hindi na natapos ni Megan ang sasabihin niya ng biglang lumapit sa akin si Xandra at may sinabing..

"Anong ginagawa mo dito,paasang tao?"

Halatang gulat ang mga tao sa paligid pero hindi 'yon pinapansin ni Xandra.

"Callie.... Matagal ka naming hinanap... Ngayon nakita ka na namin... Sana sumama ka sa amin.. Sorry sa lahat Callie.. I'm so---"

(Sa mga nalilito po kung sino si Callie.. Si Xandra din po iyon.. dating name nya ng hindi pa siya nagiging gangster at hindi pa sya inampon ng Mafia)

"Tingin mo mababago ng sorry mo yung masamang epekto ng pananakit mo sakin? Ha?!" Nakatutok pa rin ang mic sa aming dalawa.. Tinututok ni Megan ehh..

"Anong masamang epekto?"

"Hindi ko na kailangang sabihin kung ano pa 'yon"

"Callie, sumama ka na sa amin.. Umuwi na tayo kasama si--"

"Callie!!" Nagulat ako dahil sumigaw si Diana at umakyat sya sa stage.




Diana's POV

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at umakyat na ako sa stage..

"Callie!! Best friend!!" Akmang yayakapin ko siya pero umiwas siya at dahilan ng pagbagsak ko.

"You're not my best friend anymore,neither a friend!!"

"Callie hin--"

"Don't you dare call me Callie again.. Would you stop acting like that!! Napakaplastic nyo!! Kunya-kunyarian lang naman kayo na hinahanap nyo ko pero hindi naman ehh.. Ok let's just say na oo naging masama ang epekto ng pananakit NYO sa akin.. pero masaya na ako sa kung ano ako ngayon.. Janes Gomez.. Diana Winter....

Iba na ang kutob ko ngayon .. Sa tuwing tinatawag nya ang pangalan ng buong tao ibig sabihin...

Ayoko na.."

Pagakasabi niya ng mga katagang 'yan.. Di ko alam pero kusa na lang akong tumayo at tumakbo palabas ng studio..

Nakasunod pala sa akin si Janes..

"Diana!! Sandali lang!!"

Hindi ko sya nililingon basta't ang alam ko lang...

Nasaktan ko ang best Friend ko..

Ayaw na nyang sumama sa amin....

Huminto ako sa may bench.. at humagulgol ng humagulgol sa pagiyak..

Naramdaman kong tumabi sa akin si Janes..

"Susuko ka na ba agad?"

"Hindi naman sa sumusuko na ako... Ang tanging iniisip ko lang ano yung masamang epektong sinasabi ni Callir sa atin?"

" 'Yon ang hindi natin alam.. Ang tanging alam na lang natin is that... Ayaw na nya.."




Xandra's POV

Nagulat man ako sa pagdating bigla nila Janes... Poker face lang ang tanging ibinigay ko skanila..

Masamang epekto nga ang ibinigay nila sa akin. Ayoko ng sumana sa kanila

Kahit na pilitin man nila ako..


O kulitin man ako...



Ang tanging isasagot ko lang is that....







Ayoko na..









Picture ni Janes nasa taas ^^

A/N: Hello guyss!! Ayan mahaba na.. Para makabawi ako sa inyo ang ikli ng chapter 4 nehh guyss? Mwehehe..
Abangan nyo pa ang mga pasabog na magaganap sa ibang chapters at abangan nyo kung anong mangyayari kay JV at Xandra saga susunod na Chapters guys!! Comment naman kayo guyss para alam ko kung pangit ba itong story ko o hindi.. kung ititigil ko na ba o itutuloy ko pa..

Don't forget to vote,comment and be a fan



VOMMENT.

Gangster World Or Not ?! (On Hold!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon