"Buti na lang kayo ang napili at hindi grupo ko. Nakakahiya namang sayawin ang remix ng otso-otso sa buong AC," sabi ni Alyra habang ngumunguya ng fried siomai. Nandito kami sa food court ng Fatima, harap ng AC.
"Kinakabahan na nga ako. Parang uminom ako ng sampung barakong kape kahit softdrinks lang iniinom ko," sagot ko, ramdam na ramdam ang tibok ng puso ko.
"Diba masarap ka? Bakit ka kinakabahan? Dapat dedma ka lang, tanga!"
"Masarap talaga ako, kaya nga sumasama ka sa akin," sabi ko, nagmamalaki.
"Ulol, libre mangarap, beh." Tumawa siya habang busy sa pagkain ng fried siomai niya.
"Pero kasi, dapat sinabi na agad ni Ma'am para hindi na kami humataw doon ng todo. Nakakainis naman." Sabi ko, parang gusto ko nang masuka sa sobrang kaba.
"Eh, bahala na! Kapag nagsimula na yung sayawan, magiging fun din 'yan. Minsan, sa sobrang kaba, nakakalimutan mo na lang," sabi niya, tila nag-aalok ng comfort.
"Sana nga! Pero ang hirap talagang isipin. Next month na 'yun, at ang daming dapat i-practice. Sobrang nakakastress!"
"Alam mo, kailangan mo lang ng kaunting tiwala sa sarili. Kapag nandoon ka na sa stage, magugulat ka na lang na kaya mo pala," sagot niya, sinserong nakatingin sa akin.
"Thank you, pero sana makahanap ako ng confidence. Kailangan ko ng miracle para di magmukhang tanga sa harap ng maraming tao."
Kinuha ko ang phone ko at sinuri ang mga mensahe habang si Alyra ay patuloy sa pagkain. Bigla na lang may pumasok na unfamiliar group chat na "PASARAP SA AC DANCE GROUP."
Curious, binuksan ko ang group chat. "What the heck?" I muttered, reading through the messages. It was a mix of dance routines, practice schedules, and hype about the upcoming event.
"Baki? Ano meron?" tanong ni Alyra, nakatingin sa akin.
"May bagong group chat. Pasarap sa AC Dance Group," sabi ko, medyo naguguluhan kasi may gc naman na kami.
Jadis Vincet Delos Santos added you to the group.
Jadis Vincet Delos Santos
Hey guys, this is going to be our new group chat, and I'm sorry I didn't inform everyone. I chose who will be part of the dance performance that we will do at AC. Sa mga taong nandito sa gc na 'to, will be the final performers.
Rynellea Nicholai Sorrento
boxz, poide b mag back out n lang ako?
Czymone replied to your message.
Sige, leave ka na para mawala ang maasim dito.
Rynellea Nicholai Sorrento
kapl talaga ng mukha m boy baka ikaw mag hasik ng kaasiman sa buong ac niyan
Jadis Vincet Delos Santos
I personally choose you, Ria! Why do you need to back out? Give me a good reason.
Umikot ang mga mata ko sa sagot ni Jadis. "Naku, patay tayo diyan," sabi ko kay Alyra, na tawa nang tawa. "Sabi ko na nga ba, may drama na naman!"
Rynellea Nicholai Sorrento
kinakabahan kci aku jadis, baka sumarap ak lalo kapag nag perform sa ac tapos baka mahimatay buong estudyante ng Fatima kapag nakita nila ako.
Francesca Nicole
Ito na naman tayo sa jejemon typings niya!
Czymone
Delulu ka talaga, girl!
BINABASA MO ANG
Fatimanians Series #1: Calculating Chemistry
General FictionCalculating Chemistry (Fatimanians #1) As Rania delved deeper into her academic pursuits, she found herself grappling with newfound emotions ignited by Sancho's presence. Despite her determination to remain focused solely on her studies, her resolve...