Entry #2

1 0 0
                                    

Dear Diary,

Matagal-tagal na rin pala akong di nakapagsusulat sa'yo. Busy kasi ako these past few days. 3 Days, 3 days magmula nung sinagot ko siya, maayos naman ang lahat, I guess.

Alam mo yun? di ba dapat mas maging extra sweet siya sa'kin at dapat palagi rin kaming magkasama kasi sinagot ko na siya? ba't parang baliktad ang nangyayari?

Parang iniiwasan niya 'ko.

Baka hindi naman, baka busy lang talaga siya. Oo nga, tama. Lagi niyang sinasabi sa'kin na busy siya. Busy lang talaga siya. :)

-kaye

P.S. Nakalimutan kong sabihin na matagal ko na siyang crush, since first year, third year na'ko ngayon. Kaya masayang masaya ako. Ang sarap pala sa feeling na naging kayo ng taong matagal mo ng pinapangarap.

Dear Diary,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon