Entry #3

0 0 0
                                    

Dear Diary,

Akala ko nagbibiro lang siya. Yun pala, totoo lahat ng sinabi niya. Akala ko binabangungot lang ako, kaya kinurot ko yung sarili ko, para magising ako sa bangungot na'yon, pero ba't ganun pa rin? di ako nagising pero naramdaman ko ang sakit dahil sa pagkurot ko sa aking sarili.

Totoo lahat ng 'to?

Halos hindi maproseso ng utak ko yung mga sinasabi niya. Ang bagal mag-loading ng utak ko.

Pustahan? Kaibigan? May Ibang mahal? Kasinungalingan ang lahat?

Wala akong ginawa kanina kundi umiyak.

Pagkatapos ko siyang sampalin kanina, tumakbo na ako palayo.

Sa totoo lang, kulang pa yung sampal na naramdaman niya kanina kumpara sa nararamdaman kong sakit ngayon.

Hayop siya. Pinag-pustahan lang pala nila ako ng mga kaibigan niya. May mahal rin siyang iba, at hindi ako yun. Kasinungalingan lang ang lahat ng nangyari sa pagitan namin.

-kaye

P.S. Sana mamatay na siya.

Dear Diary,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon