Sa pagsapit ng gabi, makikita ang isang barko sa gitna ng madilim na karagatan habang hinehele ito ng maliliit na mga alon.
Sa barko na 'yon nakasakay ang hukbo nina Rico. Makikita ang bilang nila sa kubyerto ng barko. Nagkakasiyahan. Napagdesisyunan kasi ng ilan sa kanila, kabilang na roon si Rico na sila ay magsaya lalo na't tagumpay ang paglalakbay nila tungong Europa, at sa gabi rin naman na 'yon sila ay lumikas na pabalik tungong Pilipinas.
Dalawang lingo na naman ang kinakailangan nilang gugulin upang makarating pabalik ng bansa. Mag-iikatlong lingo na iyon ng pamamahalagi nila roon sa barko para sa kanilang trabaho—ang pagiging mandaragat.
Tuwing sasapit ang sabado, maliit na piging at kaunting kasiyahan ang kanilang pinagsasaluhan at ginaganap sa kubyerto ng barko.
"Masakit man isipin na kinailangan nating iwanan ang mga pamilya natin para sa trabaho na 'to, ngunit masarap naman sa pakiramdam... na pinasok natin ito at kinailangan natin silang iwanan para matustusan ang kanilang pangangailangan... tsaka, hindi lang 'yon, ah! Natupad pa natin ang pangarap nating makasampa ng barko!" hiyaw ni Rico.
Sa dalawampu't walong taon na pamamahalagi ni Rico sa mundong ibabaw, parang isang mataas na bunga pa rin ang dati niyang pangarap, ang makasampa ng barko. Hindi niya lubos akalain na ang batang musmos at inakala ng karamiha'y walang mararating, ngayon ay sakay na ng barkong dati lamang ay pinapangarap niyang abutin.
"Lasing ka na 'ata, Rico!" si Regil. Mahinang tinapik ng kaibigang lalaki ang balikat ni Rico saka humagikgik sa tabi nito.
Pumihit si Rico saka niya nilingon ang kaibigan. Napanguso ito saka ay kumunot ang noo. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.
"Pare naman, hindi pa ako lasing! Kauumpisa nga lang natin, oh." pagdedepensa ni Rico sa sarili.
Napatawa na lamang si Regil sa tabi.
"Pero, totoo nga naman ang sinabi mo, Pare," pagsang-ayon si Regil sa kamakailangan lamang sinabi ni Rico. "Malayo man tayo sa kanila, pero sobrang sayang isipin na, kahit papaano e, nabibigyan na natin sila hindi lamang libu-libung pera, kundi pati na rin mga materyal na bagay na gusto nila."
Napatango-tango si Rico sa sinabi ng kanyang kaibigan. Pagkatapos, sumimsim siya sa bote ng alak na hawak-hawak niya. Ninamnam nito ang lasa ng alak kahit pa ay matapang ang likido na gumuhit pa sa kanyang lalamunan kaya siya ay mariing napapikit.
Namayani ang katahimikan habang ang grupo nilang nanroroon sa kubyerto ng barko ay pinagmamasdan ang karimlan sa kanilang harapan. Malakas ang simoy ng hangin, kung kaya't minsan sila ay napapaindayog, gayundin tuwing ang barko ay gumagalaw sanhi ng malakas na alon.
Ngunit natigil ang pagmumuni-muni ng grupo nila ro'n nang tawagin nila sina Rico at ang iba pa niyang kasamahan noong isa rin nilang kasama mula ro'n sa ikatlong palapag ng accomodation nang kanilang barko.
"Mukhang magbabago pa 'ata ang isip ni Kapitan na magsaya tayong gabi, ha." natatawa na sabi ni Regil. Nasa tabi niya si Rico, sabay ang dalawang tumatakbo tungo ro'n sa cabin habang nasa likoran nilang dalawa ang ibang kasamahan.
YOU ARE READING
Deads' Domain
HorrorAgerico "Rico" Rifacio is a maritime security officer. When Rico lost his grandfather, Bradson Rifacio, amidst the Deads' Domain, Rico was the only one who could spearhead their community to get through the domain of the dead. But, how long does Ric...